REINA'S POV
Let me introduce myself...
I'm Reina Brooklyn Coleman, 19 years old. 4th year high school. Fil-Am ako. I have 2 brothers, actually twins sila hahaha. Si kuya Jayden Elijah Coleman and si kuya Kayden Rhett Coleman. They got their own companies here sa Europe tapos si kuya Kayden may dalawang malls na yang pinatayo dito sa Europe at sa Philippines. Si kuya Jayden naman may sariling clothing line siya, nakakaingit nga sila eh may kanya kanyang business na.
Sa future gusto ko naman may sariling business din ako lalo na yung perfume and makeup kasi hindi talaga ako lalabas ng bahay kung wala yang mga yan. Tapos clothing line din mga fashion fashion ba.
"Lyn?" tawag ni mom sa akin.
"Po?" nandito kasi ako sa may pool area ng bahay namin. Ang peaceful kasi dito eh.
"Baby girl, we need to go back sa Pilipinas." sabi ni mom sa akin. Bakit naman? "Kasi baby girl nagka problema kasi sa kumpanya, ayaw ka namin iwan dito." ano ba yan. Babalik na naman ako doon?
"Kailangan po ba kasama ako? Nandyan naman sila Sam at Arianna, mom eh." may bestfriends.
"Kailangan kasama ka baby girl. And besides uuwi din naman sila sa Philippines mauuna lang tayo. Their parents decided to help us." tumango na lang ako. Ang babait talaga nila. Maraming beses na nila kami tinulungan eh.
"Sige po, mom." sabi ko na lang kay mom at tumango.
"Sunod ka nalang sa loob ha." tumango lang ako. Sila Haisley Samantha Medina and Arianna Mckenzie Alonzo ay sila naging bestfriend ko dito sa Europe. Sila tumulong sa akin mag bago, maging matapang at sila din ang nagmakeover sa akin.
"Ate Brook." nilingon ko si Aimee Vanessa Coleman, she's 17 years old.
"Bakit, Nessa?" ako lang tumatawag ng Nessa sa kanya.
"Are you really sure ate na uuwi ka? Diba nandun yung nanakit sayo?" sa kanya ko kasi kinuwento lahat ng nangyari sa akin noon.
"It's ok Nessa, kaya naman ni ate eh." sabi ko sa kanya at nginitian sya. "Tara na sa loob." niyaya ko na sya pumasok sa loob ng bahay.
"Nandito na pala sila eh, kain na tayo." aya ni dad sa amin.
"Kailan po pala flight naten?" tanong ko sa kanila para naman makapaghanda na ako.
"Tomorrow evening." halata kay dad na sobrang stress na siya. Oh I forgot to tell you pala na yung dad nila Sam and Arianna are bestfriends since high school. Kumain na lang ako baka mapagalitan pa ako ni dad.
"After you eat pack your things." kawawa naman si dad. Bakit pa kasi nagkaproblema sa kumpanya.
"Pasensyahan niyo na daddy niyo ha." sabi ni mom sa amin.
"We understand, mom." sabi ni kuya Jayden.
After we eat pumasok na kami sa mga rooms namin at nagsimulang ayusin yung mga gamit namin. Maitext nga sila Sam at Arianna.
To: Sam, Arianna
Brad, kailan kayo uuwi?
Ewan ko ba sa kanila ang daming pwedeng tawagan "brad" talaga. Panglalake yun eh.
From: Arianna
They already told you na pala. Tomorrow evening kami uuwi, brad. But I think sabay sabay naman yata tayo, brad.
From: Sam
Sabi ko kay dad na tomorrow evening na lang kasi kawawa naman bestfriend ko dun magisa baka magbigti pa 😂
Tarantado talaga tong si Sam.
To: Sam, Arianna
Sige sige, brad. See you tomorrow 👊
Pinagpatuloy ko yung pagaayos ng gamit ko. Sa U.C ulit siguro ako magaaral. Aba kung doon ako magaaral humanda handa na sila.
*KNOCK KNOCK*
"Rei?" grabe naman makakatok tong mga to masisira naman yung pinto nyan. Naglakad ako sa pinto at binuksan yun.
"Sisirain niyo ba pinto ko?" pumasok naman sila sa kwarto ko.
"Ready kana ba makita sila?" kuya Kayden. Nagtataka nga ako eh kung paano nila alam lahat nangyari sa akin pero hindi naman ako nagkwento sa kanila.
"Oo naman kuya no. Tsaka matagal na din naman yun."
"Talaga lang ha." nakakainis talaga tong si kuya Jayden. Magkaiba talaga sila ng ugali.
"Alam mo kuya Jay minsan napapaisip ako kung bakla ka ba." ang sama ng tingin sa akin eh.
"Alam mo Rei tama ka, minsan napapaisip din ako eh. Daig pa may dalaw no." nangaasar na si kuya Kayden. Hahaha.
"Bahala nga kayo. Si Vanessa na lang aayain ko, ganyan pala kayo." tamo pikon diba.
"May ganyan bang magaaya? Sige wag, kami na lang din ni Rei aalis." umuusok na ilong ni kuya Jay sa galit hahaha.
"Ito naman di na mabiro, tara na." panigurado road trip na naman to.
"Mom, alis po muna kami. Balik lang po kami mamaya." paalam ni kuya Jay kay mom. Siya naman naunang lumabas sa mundo eh. Hahaha.
"Sige magiingat kayo ha. Alagaan niyo yang dalawa." kasama namin si Nessa.
"Opo, mom. Bye po." lumabas na kami ng bahay at sumakay na sila Nessa at kuya Jay sa lamborghini niya, new baby niya yan eh. Tapos kami naman ni kuya Kayden sumakay na sa bughatti nya. Oh diba gagala lang tapos ganyan yung kotse na gagamitin.
Wag lang sila magkarera uuwi talaga ako. Ilang beses na nila ginawa yun eh.
"Rei advice ko lang sayo ha. If ever na may manligaw man sayo sa Pilipinas, kasi alam ko naman na mangyayari talaga yun. Kasi tignan mo ngayon oh sexy mo na. If ever man Rei sabihan mo kami ni Jay ha para hindi na mangyari ulit yung dati." lahat naman siguro na kuya no protective sa kapatid na babae.
"Opo kuya, don't worry kung meron man sasabihin ko sa inyo. Pero wag ka din magalala kuya kasi hindi ako nageentertain ng manliligaw, diba dito maraming beses na nagtangkang manligaw sa akin pero hindi natutuloy diba. Tsaka ayaw ko din magpaligaw eh." ayaw ko na kasing masaktan ulit eh. The right one will come talaga.