𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 9: 𝘐𝘭𝘰𝘤𝘰𝘴 🥀

111 4 0
                                    

KAYDEN'S POV

Papunta kami ngayon nila Rei at Jayden sa Ilocos. Dadalawin namin si Vanessa don. Kawawa naman yung isang yun, pwede naman kasi siya tumira kasama namin ni Rei or doon siya kay Jayden. Nabibigay kasi nila mom yung gusto niya eh kaya ayan spoiled na.

"Daan muna tayo sa mcdo drive-thru." sabi ko kay kambal. Siya kasi nagddrive. Kahapon sana kami pupunta ng Ilocos kaya lang matagal na kami natapos sa kumpanya. Bukas din kami uuwi.

"Gising na ba yung isa?" kinarga lang namin yan eh sarap kasi ng tulog. Baka gabihin kami sa daan kung mamaya pa kami aalis.

"Hindi pa. Sarap ng tulog eh." gumala pa kasi kahapon hahaha. Pero ok lang naman atleast sumaya siya. Nandito na kami sa drive-thru. Siya na bahala umorder hahaha alam naman niya kung ano oorderin eh.

"Gusto mo Mcflurry?" tanong niya sa akin.

"Sige. Bat hindi mo na lang orderin lahat ng meron sa menu nila. Hahaha." sinamaan niya ako ng tingin. Bakit? Suggestion ko lang naman.

"Orderin ko lahat ng nasa menu niyo." gago tinotoo. HAHAHAHAHAHA. Sino naman daw kakain lahat non?

"Kuya, nasa ilocos na ba tayo?" gising na pala si princesa.

"Hindi pa, Rei. Gutom kana ba?" tanong ko sa kanya.

"Oo, kuya. Hindi niyo man lang ako ginising kanina, hindi tuloy ako nakaligo." ganyan yan. Ayaw umalis ng bahay ng hindi nakaligo.

"Sarap ng tulog mo eh, doon kana lang maligo." after 20 mins dumating na yung inorder ni Jayden hahaha ang dami nga eh. "Sino uubos nyan?" tanong ko sa kanya.

"Tayo. Kung may matira para sa kanila mom." ang takaw mo may matitira pa kaya nyan.

"Dami naman nyan kuya Jayden parang isang taon kang hindi kumain ah hahaha." Rei.

"Para hindi ka gutumin. Hahaha." talaga lang ha. Umalis na din kami pagkatapos namin nakuha yung inorder. Kumain na din ako hahaha bahala siya dyan.

"Oh burger na lang muna kainin mo." binigyan ko siya ng burger. Kawawa naman kasi. Naiingit na.

FASTFORWARD

Nandito na kami sa bahay ni lola sa Ilocos. Ang ganda talaga dito tapos malapit lang din siya sa Vigan.

"Apo, kamusta na kayo?" nagmano kami kanila lola. Si lolo kasi wala na. So si lola na lang magisa dito sa bahay kasama yung mga katulong.

"Ok lang naman kami, lola. Kayo po?" tanong ko sa kanya.

"Ay ganon parin mas lalong tumanda. Magpahinga muna kayo doon sa kwarto niyo. Mamaya ipapasyal ko kayo dito." sabi naman sa amin ni lola.

"Sige po." pumunta na kami sa mga kwarto namin ni Jayden. Si Rei nagpaiwan muna don kanila lola.

"Tulog muna ako, bal." sabi ko sa kanya.

"Sige sige." humiga na ako higaan ko.

REINA'S POV

Nandito kami nila kuya ngayon sa Ilocos dinalaw namin sila. Si Nessa umiyak kanina nong nakita niya kami. Namiss niya kami? Hahaha. Nakakamiss din naman yun wala kasing nangungulit sa amin eh. Nagtampo pala yun kaya hindi kami minemessage. Hahaha.

𝐓𝐡𝐞 𝐍𝐞𝐫𝐝 𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon