𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 11: 𝘚𝘸𝘪𝘮𝘮𝘪𝘯𝘨 🥀

100 2 0
                                    

JAYDEN' S POV

Nandito kami ngayon sa Ban-aw Resort dito sa Ilocos Sur. Sobrang ganda pala dito kasi may slides pang bata lang naman siguro yan ay hindi meron din sa malalaki. Puntahan ko yan mamaya susulitin ko to.

"Bal, tara na. Kakain muna daw tayo." aya ni Kayden sa akin.

"Sige, tara na." lumabas na kami sa kwarto. Tatlong rooms kami, sila lola, Rei at Vanessa tapos sila mom and dad tapos kami ni Kayden.

"Nandyan na pala kayo, sabay sabay na tayo." sabi ni lola sa amin. Masasarap kaya yung pagkain hahaha. Kanina pa ako nagugutom eh nakakahiya naman kung ako lang kakain no tapos sila hindi.

"Yung tungkol don sa regalo mo kay Rei, kaya mo ba yun lahat? Hahahaha." nangiinis yata to eh.

"Wag ka nga." inirapan ko siya.

"Ikaw naman kasi tanong ka kasi ng tanong ayan tuloy. But don't worry ako na bibili ng iPhone 11 pro max." tinapik niya balikat ko.

"Salamat ha." sabi ko sabay irap sa kanya. Tinawanan lang ako.

"Rei, ano gusto mong gift." tanong niya Kayden kay Reina.

"Ikaw bahala kuya I don't mind naman." ay ganon? May favouritism tong si Reina. Ang sakit sa hart.

"Sige." tinignan ako ni Kayden sabay tawa. Gago talaga to. Walang hiya. "Salbahe ka kasi hahahaha. Lagi kasi mainit ulo mo kaya ayan." kakarating lang namin dito sa restaurant ng hotel. Mukhang masasarap ang pagkain.

"Eat all you can." sabi ni lola sa amin. Basta talaga si lola kasama namin libre lahat hahahaha. Yung unang nakita ko ay yung lumpia kaya kumuha ako ng apat tapos sushi may sinigang din akong nakita kaya kumuha na din ako. Sulitin ngayon lang to.

FASTFORWARD

Kakatapos lang namin kumain. Sobrang busog ko grabe para hindi ako kumain ng limang taon. Mawawala mga abs ko neto sayang yung bayad sa gym hays.

"Tara swimming na tayo." aya ko kanila Reina at Vanessa. Si Kayden nagpapalit pa.

"Kayo na lang, kuya." sabay nilang sabi sa akin. Hala anyare? Kanina lang excited pa tong dalawa. "Dinalaw kasi kami." nino? May nakikita ba sila na hindi ko nakikita?

"Lalake ba? Bakit daw kayo dinalaw?" kumunot noo nila.

"HAHAHAHAHA may regla kami, dalaw." napakamot sila ng ulo nila. Dalaw pala tawag non. Hahaha.

"Ah sige. Enjoy the view." yun na lang sinabi ko. Hahahaha.

"Sige kuya, enjoy din." sabi ni Vanessa sa akin. Tumango na lang ako. Nagtungo na lang sa ako pool area nandun na kasi sila lola at Kayden nakita ko sila pumunta don.

"Gwapo naman niya. Single kaya yan?" pati ba naman dito? Hays.

"Tara hingiin naten number." gwapo ko talaga. Naglakad yung dalawang babae sa direction ni Kayden? Ano ba yan kala ko naman sa akin. Panira talaga tong panget nato.

"May gf na kasi ako." sabi ni Kayden. Gf? Sino naman? "Bigay ko na lang number ng kambal ko." sabay tingin sa akin. "Pero babaero pa naman yun." gago talaga to.

"Ay wag na, kuya. Salamat." tapos umalis na yung dalawa. Nilapitan ko siya.

"Anong babaero? Gago ka talaga tsaka ano yung may gf ka na?" tumawa siya.

𝐓𝐡𝐞 𝐍𝐞𝐫𝐝 𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon