AIMEE'S POV
Ako nga pala si Aimee Vanessa Coleman, 17 years old. May dalawang kuya sina kuya Jayden at kuya Kayden kambal sila tapos may isang ate, si ate Reina. Nagaaral ako ngayon sa Saint Paul's Academy just for now. Babalik din naman ako sa U.C kapag ok na yung bahay.
"Lola, ang ganda naman dito." nandito kami sa bangui windmills. First time kong makapunta ng Ilocos dati hanggang picture lang ako, ngayon nakikita ko na sa harapan ko.
"Oo naman apo, dito kami lagi ng lolo Reid mo noon." naabutan ko pa si lolo. Hindi ko makakalimutan yung sinabi niya sa akin noon na dapat daw maging mabait ka sa kapwa mo kahit na sinasaktan kana nila or kahit na inaabuso kana nila wag ka daw gaganti kasi daw may kapalit naman daw lahat ng yun.
"Sana kasama pa naten si lolo no, lola." sabi ko sa kanya.
"Apo, kahit wala na lolo niyo lagi naman naten kasama yun. Nakabantay yun sa aten lagi." tumango ako.
"Ganda dito no, Nessa?" nilapitan ako ni ate.
"Oo ate sobra." sabi ko sa kanya.
"May sinabi sa akin si lolo dati yang windmill daw parang lalake papaikutin ka lang nila. Hahaha."
"Totoo? Hahaha." palabiro din pala si lolo noon. Hahahaha.
"Oo. Nalaman ni lolo noon na sinaktan ako nong lalake tapos ayun yung sinabi niya." sobrang saklap ang nangyari kay ate noon. Yung lalakeng nanakit kay ate yung kapatid niya classmate ko sa U.C eh. Feeling close nga sa akin.
"Gutom na ba kayo?" tanong sa amin ni lola.
"Hindi pa naman, nay. Kain na lang tayo after naten dalawin si tatay." sabi ni dad kay lola.
"Ok sige." nagpapicture ako kay ate. Maganda kasi kumuha ng picture si ate eh hindi kagaya nila kuya nakakainis.
"Alis na tayo? Para hindi tayo gabihin sa daan." dad.
"Tara na po." sabi namin. Naglakad na din kami papunta sa van. Malayo pa naman hahaha.
"Ate, uuwi na kayo bukas. Magisa ko na naman." ayaw ko kasi iwan sila mom dito tapos si lola, kasi kung pupunta sila mom sa kumpanya si lola lang yung maiiwan sa bahay kaya after ng class ko uuwi agad ako para may kasama siya sa bahay.
"Sama ka sa amin bukas kung gusto mo. Hindi ka naman kasi namin pabayaan doon." akala nila yun ang dahil kung bakit ako sumama kanila mom.
"Si lola kasi ate, siya lang magisa kung aalis sila mom." sabi ko sa kanya.
"Lola." hinila niya ako para malapitan si lola. Ate naman hahaha.
"Ano yun, apo?"