𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 4: 𝘚𝘶𝘴𝘱𝘦𝘯𝘥𝘦𝘥 🥀

138 3 0
                                    

REINA'S POV

Nandito na ako sa school maaga kasi akong hinatid ni kuya Kayden eh. Pupunta kasi yun sa kumpanya at wala namang maghahatid sa akin kaya sumabay na ako.

"OMG totoo ba tong video? Si Coco at si Mr. Castro?"

"May girlfriend yang si Mr. Castro diba?

"Oo si Ms. Madrigal. 5 years na nga sila eh."

Hindi na ako nakinig sa tsismis nila, bahala na sila dyan. 5 years na pala sila? Ang tagal na pala nila eh. Sana all. Hahahaha.

To: Sam, Arianna

WRU? Nabalitaan na ng ibang studyante hahaha

From: Arianna

Nandito na kami sa room brad.

Hindi ko na nireplyan naglakad na lang ako papuntang room. Habang naglalakad ako nakasabay ko pa sila, Ezekiel.

"Good morning, Reina." bati sa akin ni Ezekiel.

"Good morning." binati ko na lang din. Ganern parin pala yung boses niya. Cute parin naman. What? Ano ba tong pinagsasabi ko.

"Ganda mo pala talaga." sabi sa akin ni, Mateo. Ngumiti na lang ako.

"Ahhm pasensya kana Reina ha, ganyan talaga yan. Babaero kasi." lahat naman kayo babaero.

"Sige una na ako." hindi ko na siya hinintay magsalita naglakad na ako ng mabilis. AWKWARD hahahaha. Pagkapasok ko sa room namin I saw Coco she's fucking crying. Kulang pa yan sa ginawa mo sa akin Coco. Abangan mo yung susunod. Nilapitan ko mga kaibigan ko.

"Anyare dyan?" tinanong ko pa eh alam ko naman yung dahilan.

"Dahil sa kumakalat na video at pictures nila ni Mr. Castro." sabi naman ni Sam sa akin.

"Malalagot sa akin yung nagpakalat ng video at pictures." Coco. Really girl? As far as I know eh scholar ka lang dito.

"May relasyon ba kayo ni Mr. Castro, Coco? May gf kaya yun si Ms. Madrigal." sabi ng kaklase namin sa kanya. "Pero alam mo ba na bawal yang ginagawa ninyo ni sir?" hindi naka sagot si Coco sa tanong nya, kasi alam naman talaga niya na bawal pero tinuloy parin.

"Shut up. Wala kang karapatan sabihan ako ng ganyan." napangisi na lang kami nila Sam at Arianna.

"Coco, pinapapunta ka sa office ni Dean." lagot na. Tumayo na si Coco at lumabas ng room. "Ahm Reina ikaw din po pinapapunta ka niya." nagkatinginan kaming tatlo. Damay ako?

"Bakit ako kasali?" hindi pwede to. Akala ko maayos pagkagawa ng plano kahapon?

"Ay hindi po, nandun po kasi kuya niyo po." ay shotang gala hahahaha.

"HAHAHAHAHA! Ano? Puntahan mo na don" siraulo talaga tong dalawa. Pati mga kaklase namin tumawa din.

"Sige. Bye." kinuha ko na yung gamit ko tsaka lumabas. Ano kaya ginagawa ni kuya dito. At sinong kuya naman yung nandun? Hahahaha.

Nandito na ako sa office kita dito sa labas sila Mr. Castro, Ma'am Madrigal at si Coco. Salamin lang kasi siya pero soundproof.

"Kuya Kayden." niyakap ko siya ng mahigpit.

"Asus naglalambing si damulag. May gusto kang ipapabili no? Kaya ka nanglalambing." kilala na talaga ako ni kuya.

"Hindi ah. Ano nga pala ginagawa mo dito kuya?"

𝐓𝐡𝐞 𝐍𝐞𝐫𝐝 𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon