REINA'S POV
Akala ko kunti lang ang pupunta hindi ko inaasahan na sobrang dami pala. Mga investors yung mga iba sa kanila wow hahaha I don't know kung paano nila napapunta yang mga yan dito. Pero si kuya Kayden may surprise daw sa akin.
"Happy birthday apo." niyakap ko si lola. Siya kasi lahat nagasikaso dito.
"Thank you lola the best ka talaga." ngumiti siya sa akin.
"Yun kasi ang bilin sa akin ng lolo mo apo na dapat daw bonga yung birthday mo. Mag ayos kana ah magaayos na din ako." tumango lang ako at lumabas na din si lola. Nakakamiss naman si lolo sana nandito siya kasama namin.
"Ayusan kana po namin." ngumiti lang ako.
"Gusto ko yung makeup na simple lang." ayaw ko kasi yung halatang nakamake up ako, hindi ko bet.
"Sige po." dalawa sila yung isa nagaayos sa buhok ko at yung isa taga makeup ko naman.
"BRAD HAPPY BIRTHDAY!" nagulat din yung dalawa. Siraulo talaga to.
"Ginulat niyo naman kami, thank you." niyakap nila ako.
"Sa baba ka nalang namin hihintayin ha?" sabi ni Sam sa akin.
"Gandahan niyo beks ha." natawa naman yung dalawang beki.
"Sympre po." kaibigan sila ni lola from Ilocos din. Nagwave muna ako sa kanila bago sila lumabas ng kwarto.
"Ano pala name niyo?" dalawang oras na kaming magkasama dito hindi ko pa alam name nila.
"Ako nga po pala si Kyle kapag sa gabi Kylie po." natawa naman ako. Si Kylie este si Kyle yung nagmamake up sa akin.
"Ako naman po si Carlos po sa gabi Carla po." ano ba yan hahaha.
"Nice meeting you. Reina na lang tawag niyo sa akin." ayaw ko kasi talagang tinatawag akong Ma'am.
"Sure, Reina." habang nagcecellphone ako may biglang yumakap sa akin.
"Kuya." si kuya Kayden.
"Dalaga na bebe ko." nalungkot naman ako sa sinabi niya. "But don't worry kahit dalaga ka na ikaw parin naman no." nakakainis naman.
"May bagong bebe ka na eh." si Arianna hahaha.
"Iba naman yun." pinitik niya noo ko. "Hihintayin ba kita dito or sila na lang sasama sayo sa baba?" ang gaan ng loob ko sa kanila.
"Sila na, kuya." ngumiti naman sila sa akin.
"Oh sige. I love you." hinalikan ako sa ulo.
"I love you too, kuya." ngumiti muna siya sa akin bago lumabas. Sana all may lovelife na hahaha. Tapos na akong makeupan inaayos na lang yung buhok ko.
"Nagpipintas kayo metten." maganda daw ako.
"Thank you." sinuot ko na din dress ko. Si lola nagpagawa niyan. Stars yung pinalagay niya kasi para daw kasama ko si lolo sa birthday ko.