Ako yung binubully nila dati, pinagkakatuwaan, sinasaktan nila...at tawag nila sa akin?
"Pangit"
"Lampa"
"Iyakin"
"Feeling maganda"
"Hampas lupa"
Ok lang kung sasabihan nila ako ng ganyan pero yung mas masakit na ginawa nila sa akin dati...ay yung gagamitin ka ng taong mahal mo.
"Ano dude? Kayo na ba?" sabi ni Hunter kay Ezekiel, nandito ako sa likod nila buti na lang may malaking puno dito at hindi ako kita.
"Oo dude, nakakasuka nga pagmumukha eh. Tuwing hinahalikan ko noo niya para bang katapusan na ng mundo. Grabe talaga dude, pero kasi gusto ko yung sports car mo eh." kaya pala kinaibigan niya ako. Oo nga naman sa mukha kong to sino ba naman kasing magkaka gusto diba?
"Hayaan mo dude sayong sayo na yung ferrari ko kapag nasaktan mo na yung nerd na yun. Para naman umalis na yun dito sa U.C (University of Coleman) nakakasuka kasi pagmumukha non talaga." bakit naman nila ako papaalisin dito? Eh anak ako ng mayari. Dapat sila yung umalis. Ang kakapal ng mukha.
"Bukas nga pala may date kami horror yata pupuntahan ko hahaha bukas ko na din yun ibreak, di ko na talaga kaya dude. Mahal na mahal naman niya ako kaya pani..." nagpakita na ako sa kanila gulat na gulat pa nga yung mga gago.
"Hindi na kailangan.. ako na tatapos. Break na tayo. Salamat ha kasi may natutunan ako. Ferrari lang ba gusto mo? Hayaan mo kapag nagkita ulit tayo sampong lamborghini ang ibibigay ko sayo. Thank you gift ko sayo. You'll regret this Zek. Goodbye." umalis na ako. Tinatawag niya ako pero hindi ako lumingon tumakbo na ako.
Magbabayad sila sa ginawa nila sa akin. Lalo na yung Coco's Squad na yan. Hindi na nila ako mabubully gaya ng ginagawa nila sa akin dati...
"Hoy nerd!" tawag sa akin ni Coco pero hindi ako lumingon kasi alam kong may plano na naman yan sila sa akin.
"Nerd bingi ka ba?" hinawakan ako ni Coco sa kamay para mapalingon ako sa kanya. "Hindi ka lang pala panget no? Bingi ka pa. Ito dalhin mo tong mga gamit ko sa classroom." hinagis niya yung mga gamit niya sa akin. Kinuha ko na lang at dinala patungo sa classroom namin.
"Ayan na sya!" mabubuhusan na naman siguro ako ng mabahong tubig, hindi ko alam kung ano ang nilalagay nila. Pagbukas ko na pinto may nagtapon ng itlog sa akin yun pa talagang itlog na bulok na.
"HAHAHAHAHAHA BAGAY YAN SAYO NERD!"
"UMALIS KANA KASI DITO!"
"HINDI KA BAGAY DITO NERD!"
Lumabas na lang ako ng classroom. Ganon na ba talaga ako ka panget? Tao din naman ako ah nasasaktan din ako pero bakit sila ganon sa akin.
NOON nasasaktan nila ako pwes sa pagbabalik ko hmmm ako naman ang gagawa non. Hintayin ninyo ang paghihiganti ko at magsisisi talaga kayong lahat.