REINA'S POV
Nandito na kami sa bahay ni lola sa ilocos. Umalis sila may inaasikaso nagpaiwan lang ako dito sa bahay.
"Ma'am, para daw po sayo." inabot naman ng katulog yung itim na kahon.
"Salamat." kanino naman to galing.
From: Unknown
Welcome back bitch sana magustuhan mo yang gift ko sayo 😏
Hala sino naman to. Binuksan ko yung kahon.
"OMG!" hell no. May picture ako na nakalagay sa baso na puro dugo at yung picture na yun ay kuha ngayon, yung suot ko kasi ngayon nakashorts tapos white top. No way. OMG. Kailangan kong makita yung cctv dito sa bahay para malaman ko kung sino. Naglakad ako papunta sa kusina nandun kasi silang lahat kumakain.
"Ma'am?" sinara ko muna yung box. "Ok lang po kayo?" nakatingin sila sa akin.
"Sino nagbigay sayo neto?" tanong ko kay Marie.
"Lalake po eh. Bakit po?"
"Sa atin lang to ha wag niyo sabihin kanila lola." tumango naman silang lahat. "Yung laman ng box nato is picture ko na may dugo, kailangan kong makita yung cctv para malaman ko kung sino." nagulat naman sila sa sinabi ko.
"Sige po tara, check po naten yung cctv." tumayo silang lahat at sinamahan ako sa isang kwarto. Hindi ko alam na marami palang monitor. Sa kusina, sala at sa hallway may mga cctv pala akala ko lang sa labas lang ng bahay.
"Yung kahapon iplay mo." impossible naman na ngayon lang sila nagmamasid sa akin. Sure talaga ako kahapon pa. Tumingin ako sa monitor. Tangina nakakakilabot naman to at alam ko na din kung sino may pakana neto. Si Coco at kung sino pa yung mga kasabwat niya. "Stop mo." tinitigan ko ng maigi yung lalake nasa monitor. "Zoom in mo." hindi ko siya kilala. Huling balita ko kasi kay Coco naghihirap na siya.
"Kilala niyo po ba yan?" tanong sa akin ng butler.
"Hindi. Ngayon ko lang nakita yung mukha niya." walang ibang may galit sa akin kundi si Coco lang.
From: Unknown
Reina, nasa panganib buhay mo. Si Coco may plano siya sayo. Malakas na siya ngayon kasi bf niya drug lord. Magiingat ka. Sana hindi ka nalang umuwi.
-Jericho Santos
To: Jericho
Totoo ba yan? May nagbigay sa akin ng picture ko na may dugo.
"Pwede po naten matrace, Ma'am." ayaw kong madamay sila.
"Baka malaman nila lola." lalaban talaga ako kapag dinamay niya pamilya ko.
"Hindi po, kami po bahala." kinuha naman niya yung box na hawak ko. Lumabas na ako ng kwarto at umupo sa couch.
From: Jericho
Nagsisimula na siya Reina bakit ka pa kasi umuwi? Alam mo naman galit sayo si Coco.
To: Jericho
Para sa lola ko. Kukunin na kasi namin siya. Pwede ka ba pumunta dito sa bahay kailangan ko ng tulong.
From: Jericho
Girl ang layo ng ilocos but I'll try ha. Pangbawi ko na din sayo sa mga kasalanan ko sayo noon. Text na lang kita basta magiingat kayo lalo ka na.
To: Jericho
Sige salamat.
Kailangan malaman to nila Sam.