𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 23: 𝘌𝘯𝘵𝘳𝘢𝘱𝘮𝘦𝘯𝘵 🥀

55 1 0
                                    

REINA'S POV

Ngayon na yung entrapment nila Coco at ni Balmes natatakot ako sympre pero magtitiwala ako sa mga NBI alam naman nila yung mga ginagawa nila.

"Nak, nasa baba na yung mga NBI at PDEA." nandito kasi ako sa kwarto ko. Sumunod ako kay mom lumabas. "Sana matapos na to." tumango ako.

"Sana nga mom." pagkababa namin ang daming taga NBI at PDEA. "Good afternoon po." bati ko sa kanila.

"Good afternoon din, Ma'am." nilapitan naman ako ni lola.

"Apo, may sasabihin ako sayo." kinabahan naman ako. "Hindi unang beses na may nagpapadala ng itim na box dito." nagulat kaming lahat sa sinabi ni lola.

"Ma, bakit ngayon mo lang sinabi?" mom. So maraming beses na pala.

"Kasi nga ayaw kong magalala kayo. Hindi nila alam yun." turo sa mga kasambahay at sa mga butlers. "Tuwing umaga nila pinapadala yung itim na box pangatlo na yun kahapon. Unang picture si Arianna yung sunod si Sam at ikaw yung panghuli apo malaki talaga yung galit sa inyo ng Coco na yun." OMG so kami nila Sam at Arianna yung target niya. "Kaya sa NBI ako humigi ng butler para sigurado talaga na walang mangyayari. Sorry, apo." nakakapanghina naman yung mga nalaman ko. "Pinilit kong bumalik si Arianna at Sam sa Europe para hindi sila galawin ni Balmes pero ikaw naman tong umuwi dito." pero bakit hindi sinabi ni Sam sa akin kahapon.

"Sasama pa ba kasi yan Ma kung alam niya." napatingin naman ako sa phone ko nag vibrate kasi.

From: Jericho

Reina, tutulong ako. Pinagbantaan nila buhay ng pamilya ko. Gusto ko na din to matapos.

To: Jericho

Punta ka nalang dito sa bahay

"May gusto pong tumulong sa atin kasi pinagbantaan daw po buhay ng pamilya niya." pinakita ko sa NBI yung text ni Jericho.

"Hintayin niyo don sa labas." buti na lang hindi sila nakauniform. Pinakain muna sila ni lola. Ako naman pumunta sa may garden may butler pang sumama sa akin.

To: Sam

Bakit hindi niyo sinabi tungkol kay Coco? Sinabi na lahat sa akin ni lola. Kunware gulat ka pa kahapon.

Paano nalaman ni Coco na dito kami sa ilocos uuwi galing Europe.

"Ma'am." nilingon ko naman yung nagsalita. Si butler Joe kasama si Jericho.

"Reina." tumakbo siya palapit sa akin at niyakap ako. Bigla na lang siyang umiyak. "Sorry ha kung naging masama ako sayo noon." hinagod ko likod niya.

"Ano ka ba wala yun, matagal na din yun eh." sinabi niya lahat ng plano ni Coco sa akin. Trinaydor pala siya noon ni Coco kaya ngayon gumaganti siya.

"Ma'am." tumingin kami kay butler Joe. "Yung plano po ganito." sinabi niya sa amin kung paano pagentrap kanila Coco. Lagi daw sila Coco at Balmes sa isang coffee shop sa vigan pagmamayari daw kasi yung ng pinsan ni Balmes. Kunyare daw pinsan ko yung isa sa PDEA officer ganon din kay Jericho may kasama na taga PDEA kung magtatanong daw si Coco kung bakit nandun kami ni Jericho sasabihin lang daw na nagkataon lang. Tapos si Jericho aayain niya si Coco para makapagusap sila, yung katulong namin kunyare bibili ng drugs kay Balmes ang go signal daw once na aabot na ni Balmes sa katulong yung drugs doon na sila huhulihin. Marami namang nakapalibot na police, NBI at PDEA sa labas ng coffee shop na yun at meron din sa loob ng coffee shop. Sana lang talaga maging successful to.

𝐓𝐡𝐞 𝐍𝐞𝐫𝐝 𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon