𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 18: 𝘔𝘰𝘥𝘦𝘭? 🥀

83 1 0
                                    

REINA'S POV

Nandito ako ngayon sa shop ko may dumating kasi na supplies galing London eh kailangan kasi na ako ang pumirma. Pwede na din ako umalis after ko dito.

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo. Pinaupo ko po muna sya sa may reception area." sabi sa akin ng staff ko. Sino naman yun? Nakarating na ba sila Sam? Hindi man lang nagsabi.

Naglakad ako papuntang reception area. Makakatikim talaga sa akin tong si Sam hindi man lang nagsabi sa akin.

"Gail, asan na yung naghahanap sa akin?" ganito kasi yung sa shop ko may receptionists hahaha.

"Ayan po sya, Ma'am." tinuro yung babaeng naka tube dress halos iluwa na yung dibdib nya sa laki neto. Edi wow ate ikaw na may boobs, hiyang hiya naman boobs ko sayo.

"Yes? Can I help you?" tumayo siya at ngumiti sa akin.

"Yeah. I'm Stephanie, from BMM." Beauties Model Management.

"Oh. Hi, nice to meet you Ms. Stephanie. I'm Reina, what brings you here?" wag niyang sabihin kukunin nila akong model hell no. Naaahh.

"What brings me here is...we need a model and my friend recommended...you." what? Sino ba friend niya? Recommended daw?

"W-wait...who is your friend btw." ngumiti sya sa akin.

"Him." sabay turo sa kakapasok lang. Sino ba to? Pano ba niya ako kilala?

"Lucas?" yung pinsan ko kaibigan nya?

"You know him?" tumango ako.

"I'm her cousin Steph, sorry my bad." natawa naman si Stephanie.

"Naughty. I think you should tell her, I need to go I still have meeting to catch up. See you around and nice to meet you, Reina." ngumiti ako sa kanya.

"Nice to meet you too, Stephanie." lumabas na si Stephanie ng shop. "What was that, insan?" ngumisi naman tong mokong nato. Lucas Adrian Coleman.

"Sorry na insan, yung shop mo kasi ang napili niya tapos kahapon lang din nya sinabi na kukunin daw niya bilang model yung owner." ano ba yan, bakit ako?

"Alam niya ba na ako yung mayari neto?" tumango sya. Jackass naman. "Alam mo na ayaw ko sa mga ganyan, pinakahate ko talaga yan." para lang sa akin pagmomodel ang pinakahirap na trabaho kasi bihis dito bihis doon at ang dami pang pinapagawa.

"Alam din ni Stephanie yun insan tsaka para lang naman sa magazine eh." pahamak naman tong si Lucas.

"Magpapaalam lang ako kanila mom." tumango sya.

"Sige insan call me kung pinayagan ka pero I'm sure naman papayagan ka nila..kailangan ko na din umalis." hayys. Sana talaga hindi.

"Sige ingat ka." lumabas na sya ng shop. "Gail, ikaw na lang kaya mag model diba gustong gusto mo yun?" gusto niya kasi maging model maraming agency na kaya yung pinuntahan nya kaya lang ayaw siya tanggapin.

"Naku Ma'am gusto ko man po sana eh kaya lang hindi naman ako yung mayari netong shop." pwede naman siguro yun. "Bakit po ayaw niyo subukan? Maganda naman po kayo." natawa naman ako sa sinabi nya.

"Nakakapagod kaya yun, try kong kausapin si Lucas kung pwede ikaw na lang." sabi ko sa kanya.

"Sana po pwede hehe." paano ba to. Lucas talaga nakakaasar.

To: Lucas

Insan kailangan ba talaga ako? Itong si Gail na lang staff ko gustong gusto nya kasing maging model eh. Give chance to others 😊

𝐓𝐡𝐞 𝐍𝐞𝐫𝐝 𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon