𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 8: 𝘞𝘦𝘭𝘤𝘰𝘮𝘦 🥀

112 3 0
                                    

REINA'S POV

"Rei! Bilisan mo na! Malalate ka na!" sigaw ni kuya sa akin.

"Ito na nga, kuya." sinuot ko na yung sapatos ko tapos kinuha ko na yung mga gamit ko. "Tara na, kuya." lumabas na din kami sa condo niya. Hindi kasi tumunog yung alarm ko eh buti na lang pumasok si kuya Kayden sa kwarto ko, kasi akala niya na umalis na ako.

"Bilhan na kita ng alarm clock." maliit na bagay lang naman yun.

"No need na kuya, may phone naman ako yun na lang gagamitin ko." kuya talaga.

"Ay hindi, mabuti na yung nakakasigurado tayo." sumakay na kami sa BMW niya. Ang daming kotse neto ewan ko ba kung saan pinapark yung mga yun. Iba na naman yung gamit niya ngayon yung X4.

"Sige kuya ikaw bahala." si kuya Kayden mas mahilig sa BMW at Audi.

"Rei, mamaya baka hindi kita masundo kailangan kasi kami ni Jayden sa kumpanya. Ipapasundo na lang kita ha." hanggang ngayon kasi hindi parin ok yung kumpanya. Hindi na din ako nagtanong kasi wala naman akong alam sa mga ganyan.

"It's ok kuya, pwede magmall muna kami nila Arianna? Friday naman eh." sa wakas talaga friday na hahaha.

"Sige, basta kasama niyo bodyguards mo. Mayayari talaga tayong dalawa nila mom." for safety na din.

"Opo, kuya. Dito na lang ako wag mo na ipasok sa loob. Ingat ka." nandito na kami sa U.C. Hinalikan ko siya sa pisngi.

"Sige. Magiingat din kayo mamaya." tumango ako bago lumabas. Nagwave muna ako sa kanya bago pumasok sa loob.

"Good morning po." bati ko sa security.

"Good morning din po. 5 mins na lang po mag start na po yung klase." sabi sa akin.

"Ay ganon? Sige po." tumakbo na lang ako papunta sa classroom namin. Second floor pa naman yun. Lintek na alarm clock na yan. Sira na beauty ko neto. Nandito na ako sa second floor dahan dahan kong tinignan yung room namin kung nandun na ba yung teacher buti wala pa kaya pumasok na ako.

"Anyare sayo? Binagyo ba sa condo ni mylabs?" what? Mylabs? 

"Tinakbo ko na 5 mins na lang daw eh." sabi ko sa kanya. "Si Sam? Late din?" umiiling siya. Lumapit sa akin at sabing...

"Ginagawa niya yung plano sa cr. Tapos yang upuan na yan sira na yan." oh. Yung upuan sa tabi ni Ezekiel.

"Good morning, students." si Mr. Castro? Akala ko wala na siya dito dahil sa nangyari.

"Good morning din, sir." bati namin sa kanya.

"Open your Geometry books on page 104." napakaseryoso na niya. Binuksan na lang namin yung libro sa pahina 104. "And then copy this." buti na lang walang masyadong ginagawa ngayon.

*KNOCK KNOCK* napatingin naman kami sa may pinto.

"Sorry I'm late, sir." si Sam lang pala.

"It's ok. Come in." pumasok naman siya.

"Excuse me Mr. Castro." si Mica. "This is Angel Lhyn Andrada new student." ito pala siya. Maputi lang siya pero hindi siya maganda. Mas maganda pa yung isang nerd dito eh.

"Siya pala yun?" sabi ni Arianna. "Chaka syet." gago talaga to hahahaha.

"Manahimik ka nga. Hahaha." sabay naming sabi ni Sam.

"Ako nga pala si Angel Lhyn Andrada, gf ni Ezekiel. Nice to meet you all." edi wow. Pakialam namin.

"Girlfriend yan ni Ezekiel jusko mas maganda pa si nerd dyan kaloka."

"Chakabels."

"Love potion."

"Angel? Hindi siya mukhang Angel eh, mukha kamong basahan."

Natawa na lang kaming tatlo sa mga sinasabi nila.

"You may take a sit. And copy this." wala namang ibang upuan kundi yung sa tabi ni Ezekiel eh. Good luck sa kanya.

ARIANNA'S POV

Ang panget ng welcome ng mga classmate namin sa kanya hahaha. Aalis din yan dito. Ang haba naman tong pinapasula...

"BOOOOGGGGSSSHHH" hindi na kami tumingin nila Arianna kasi alam na namin.

"HAHAHAHAHA ANO BA YANG GIRLFRIEND MO EZEKIEL LAMPA!" sigaw ng kaklase namin kay Ezekiel.

"Class quite." suway ni Mr. Castro. Tumingin ako sa kanila. Tinutulungan ni Ezekiel yung gf niya para makatayo. Umiiyak na nga eh. Girl punta kana sa cr ayusin mo kuno yang mukha mo hahaha.

"Pwede po mag cr?" nagpapaalam pa eh. Tumango naman si Mr. Castro. Papanuorin na lang namin dito sa phone ko yung mangyayari. May nilagay akong you phone doon para makita namin yung mangyayari.

"Look." pinapanood na namin yung mangyayari. Biglang bumukas yung pinto and there nahulog sa kanya. Para siyang duck eh hahahaha. Pumasok parin siya sa loob ng cr at naghugas. Kahit anong gawin mo girl basa ka na. May kinuha siya sa bulsa niya ay phone lang pala, itetext na niya si Ezekiel.

Ganyan kami mangwelcome dito sa U.C Angel hahahaha.

𝐓𝐡𝐞 𝐍𝐞𝐫𝐝 𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon