KAYDEN'S POV
Bumawi ako kahapon kanila Reina at Vanessa. Kunting shopping tapos nag roadtrip kaming tatlo. Wala si Jay eh busy sa kumpanya at lovelife nya haha. Papunta kami ni Reina sa bahay ko. Yes. May bahay akong pinagawa dito sa Amsterdam. Ang pagkakaalam ni Reina bahay to nila Jay at Mica hahaha.
"Bakit tayo pupunta doon sa bahay nila kuya, Jay?" nilingon ko sya.
"Ipapacheck lang kung tapos na ba ayusin yung pool." nagkaproblema kasi yung pool. May basag kasi na tiles doon tsaka lang nila napansin nung nilagayan na nila ng tubig.
"Sayang kuya kung bahay mo lang yun ako magaayos ng mga gamit don." bahay ko naman kasi talaga yun kaya hindi sayang. Tsaka yung P.A ko yung inutusan ko bumili ng mga gamit sa bahay.
Nakarating na din kami dito sa bahay ko. Ang ganda na nya.
Pwede na siguro lumipat haha. Excited na din ako tumira dito.
"Actually bebe bahay ko talaga to haha." napanganga sya sa sinabi ko.
"Really? OMG. Tara na kuya pasok na tayo." hinila na nya ako papasok sa bahay. Nagikot ikot kaming dalawa. Ito na yung pinagpaguran ko no day off. Worth it naman pala. "Aalis ka na pala sa bahay? Sila kuya Jay din aalis na after ng kasal nila ni Mica." halata sa boses nya yung lungkot.
"Pwede naman kayo pumunta dito ni Nessa anytime." sabi ko sa kanya.
"Iba parin kasi yung kasama ka namin don sa bahay." niyakap ko na lang sya. "Hindi ka naman pinapaalis nila mom ah." natawa ako sa sinabi nya.
"Oo nga bebe pero matanda na ako..."
"Hahahaha kuya naman kasi." hinila ko sya papunta sa taas.
"Hayaan mo hindi muna ako magaasawa hangga't hindi pa kayo kinakasal ni Zed pangbawi ko na yun sayo." wala akong balak talaga magpakasal.
"Ok na ba kayo?" umiiling ako.
"Let's not talk about her. Uwi na tayo anong oras na din oh." hindi namin kasama si Vanessa kasi may practice ng volleyball akalain mo yun naglalaro pala yung pagong hahaha.
From: Aimee
Kuya...
To: Aimee
Oh bakit?
From: Aimee
Pwede pasundo? Kakatapos lang ng practice eh 😁
To: Aimee
Sige hintayin mo kami dyan
"Sunduin muna naten si pagong nagtext eh."
"Pagong hahahaha." ang bagal kasi kumilos eh. "Kuya, may work ka ba bukas?" araw araw naman hahaha.
"Oo. No day off ako diba, bakit?" kahit ako yung mayari ng kumpanya hindi pwede na hindi ako papasok.