𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 3: 𝘊𝘰𝘯𝘧𝘶𝘴𝘦 🥀

173 3 0
                                    

EZEKIEL'S POV

Ako nga pala si Ezekiel Asher Hughes, 20 years old. May isang kapatid si Tracy Angela Hughes, she's 17 years old. My family own 1 companie, 2 condos and 1 hotel.

"Dito na pala sila nagaaral no? Ano kayang section yan sila."

"Ang ganda at sexy nong kasama niya."

Napatingin naman kami ng mga barkada ko sa bagong pasok na dalawang babae. Oo nga ganda nya kapatid nya siguro yung kasama niya.

"Ganda dude oh." sabi sa amin ni Hunter Elias Ramos. siya talaga yung napapasimuno lagi. Yung kay nerd din dati siya yun.

FLASHBACK

Ano dude? Kayo na ba?" sabi ni Hunter sa akin. Actually maganda naman talaga si nerd eh. Kung nagaayos lang siya maganda talaga siya.

"Oo dude, nakakasuka nga pagmumukha eh. Tuwing hinahalikan ko noo niya para bang katapusan na ng mundo. Grabe talaga dude, pero kasi gusto ko yung sports car mo eh." angelic face si nerd. Kaya lang natatakpan ng malaking salamin yung mukha niya. Kaya lang naman ako pumayag eh dahil gusto ko yung sports car niya, matagal ko na kasi gustong magkaroon ng ferrari.

"Hayaan mo dude sayong sayo na yung ferrari ko kapag nasaktan mo na yung nerd na yun. Para naman umalis na yun dito sa U.C nakakasuka kasi pagmumukha non talaga." kung hindi ko lang talaga kaibigan nasapak ko na to eh.

"Bukas nga pala may date kami horror yata pupuntahan ko hahaha bukas ko na din yun ibreak, di ko na talaga kaya dude. Mahal na mahal naman niya ako kaya pani..." niyaya ko si nerd lumabas bukas ewan ko ba sa sarili ko bigla bigla na lang lumabas sa bibig ko.

Hindi na kailangan.. ako na tatapos. Break na tayo. Salamat ha kasi may natutunan ako. Ferrari lang ba gusto mo? Hayaan mo kapag nagkita tayo ulit sampong lamborghini ang ibibigay ko sayo. Thank you gift ko sayo. You'll regret this Zek. Goodbye."

"Trixie! I-is n-not what you think.." hinabol ko siya pero hindi ko na siya naabutan. Binalikan ko yung kaibigan kong gago.

"Ano sabi dude?" umiiling ako.

"Hindi ko na siya naabutan."

"Hayaan mo na yun dude, ayaw mo non hindi na naten yun makikita dito." tumango na lang ako.

Nabalitaan ko na lang na hindi na pumapasok si nerd sa U.C kahit professor walang kaalam alam kung nasaan siya. Hindi naman siguro yun nag bigti no.

Sorry talaga nerd hindi ko sinasadya kung nasaan ka man ngayon sana masaya ka na.

END of FLASHBACK

Hangang ngayon hinahanap ko parin siya kahit sa social media hindi ko mahanap.

*KRIIIIINNNNGGGG* tunog ng bell. Ibig sabihin kailangan na namin pumasok, Math class pa naman kami ngayon. Pagkapasok namin sa room nakita namin yung babae kanina. Classmate pala namin siya.

"As you can see may bagong classmate kayo. Please introduce yourself." si Mr. Castro, terror yan. Tumayo naman siya at humarap sa amin.

"I'm Reina Brooklyn...Coleman. Miss me?" huh? Anong miss me? Sino ba siya? May classmate ba kami dati na Reina ang pangalan? Parang wala naman.

𝐓𝐡𝐞 𝐍𝐞𝐫𝐝 𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon