𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 14: 𝘋𝘦𝘢𝘯 🥀

103 1 0
                                    

KAYDEN'S POV

Ano ba nangyayari sa kapatid ko muntik na daw makapatay kanina ng studyante. Hindi ko akalain na aabot sa puntong yun. Nagaway pa daw sila Jay at Reina kasi napagalitan ng isa. Hindi pa naman marunong kumausap si Jayden.

From: Bebe Reina

Kuya pauwi kana ba? Bili mo naman ako ng Mcdo tapos SB. Please 🤤

To: Bebe Reina

Sige bebe

Hindi pa siguro yun kumakain. Ganon yun kapag wala siyang kasama sa bahay hindi yun kakain. Dumaan na lang ako ng Greenhills para isang bili na lang.

"Kuya Kayden?" nilingon ko naman yung tumawag sa akin.

"Ginagawa niyo dito? Gabi na ah." sabi ko sa kanila. Ganda talaga netong si Arianna.

"Hinihintay lang namin yung sundo, kuya." Arianna.

"Ganon ba? Gusto ko man kayong samahan dito kaya lang nagmamadali ako nagpapabili ng pagkain yung isa. Ok lang ba kung maauna na ako?" ngumiti si Arianna sa akin.

"Kakatapos lang namin kumain kanina eh, hahaha. Sige kuya ok lang." kumain na pala yun. Takaw talaga.

"Oh sige magiingat kayo ha. Lalo ka na. Ingat kayo." pinisil ko ilong niya. Ang cute nagblush siya.

"Sige kuya ako na bahala dito. Ingat ka din po." tumango ako at umalis na din. May inorder akong kwentas at bracelet para sa kanya. Uuwi naman yung bestfriend ko galing America pinasabay ko na. Naglakad na ako papunta sa Mcdo.

Nandito na ako sa condo ko. Hinihintay ko lang matapos kumain si Reina para kausapin tungkol don sa nangyari kanina.

"Halika dito sa tabi ko." sabi ko sa kanya. Nandito kami ngayon sa kwarto ko. "Bebe, ano yung nangyari kanina?" tinignan ko siya pero umiwas siya ng tingin. "Sabihin mo sa akin. Hindi naman ako magagalit eh." yumuko siya.

"Dahil alam na ng buong studyante na ako si nerd tapos pinakalat pa ng gf ni Ezekiel yung pictures ko noon, kaya ako nagalit kasi sinira niya yung plano ko." kaya naman pala galit na galit to.

"Gusto mo ba talaga gumanti, bebe?" napatingin siya sa akin. Uuwi na yung mahal niya eh. "What if may madamay? Pano kung mahal mo." nagtataka siya kung anong pinagsasabi ko.

"Kuya, ang gusto ko lang naman maranasan nila yung sakit na ginawa nila sa akin noon. Yung naranasan kong pangbubully nila, pangmamahiya sa akin. Yun lang, kuya." tumango ako.

"Promise me, bebe. Walang involved na patayan dyan sa paghihiganti mo." tumango siya at niyakap ako. "Hayaan mo si Jayden pagsasabihan ko yun." niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thank you, kuya. The best ka talaga." tapos hinalikan ako sa pisngi.

"Sympre ako lang naman matino sa aming dalawa hahaha. Sige na bebe gagawin ko muna paper works ko, you can stay here if you want basta wag ka lang makulit." ginulo ko buhok niya.

"Can I watch Netflix here?" tumango ako. "Yehey." tumayo na ako para gawin yung trabaho ko. "Kuya, pwede mag shopping bukas? Damit lang naman kasi wala na akong susuotin eh." hindi kasi dinala lahat ng damit iniwan dun sa bahay.

"Sige pero hindi kita masasamahan but you can use my card." ganon ako kabait sa dalawa. Kay Jayden? Bahala siya may pera naman siya.

"Magkaiba talaga kayo ng ugali. Sige kuya thank you. Gawin mo na po yung work mo." sabi niya sabay ngiti sa akin. Ginawa ko na lang para matapos agad.

𝐓𝐡𝐞 𝐍𝐞𝐫𝐝 𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon