𝘾𝙝𝙖𝙥𝙩𝙚𝙧 24: 𝘋𝘢𝘯𝘨𝘦𝘳 🥀

74 1 0
                                    

KAYDEN'S POV

Nandito lang kami sa bahay, balak namin mauuna na lang kaming bumalik sa Europe kasi mukhang natakot si Reina sa nangyari kahapon.

"Sir, may mga police po sa labas." ano na naman meron?

"Papasukin mo." tumayo ako at naglakad papunta sa garden area, nandito kasi sila mom. "May mga police po." sabi ko sa kanila. Agad naman silang tumayo at sinundan ako papasok ng bahay.

"Good afternoon po." bati ng mga police kanila mom.

"Good afternoon, anong meron?" tanong ni lola sa kanila.

"Ma'am, nakatakas po si Coco." tangina. Nasa kulungan na nakatakas pa.

"Si Coco nagtext sa akin." pinakita ni Reina yung text sa amin at sa police.

"Magtuos tayo Reina hindi pwedeng ganito na lang. Napaka hayop niyo ni Jericho magkita tayo mamayang 8PM malapit sa coffee shop at wag kang magsusumbong sa mga police.

"Baliw na yang babae na yan." sabi ni mom. Akala ko tapos na.

"Alam na kaya ni Jericho na nakatakas si, Coco?" sabi ni lola. Nasa hotel siya nakacheck in ngayon.

"Pupunta ako." tumingin kaming lahat sa kanya. "Pero kailangan ko din ng tulong niyo, sir." tumango naman yung mga police. "Entrapment po ulit gagawin naten, ok lang po ba yun?" wala din akong makitang paraan paano mahuli yung Coco na yun.

"Ok lang po, kami na din po bahala sa mga ibang backup po naten. Balik na lang po kami dito before mag 8PM po." nasa movie ba kami o di kaya teleserye? Umalis na din yung mga police.

"Anong meron?" tanong nila Jayden at Zed na kakababa lang. Inutusan kasi sila ni lola ayusin yung mga cctv sa buong bahay.

"Another entrapment ulit mamayang gabi." napanganga naman yung dalawa.

"Bakit? Diba tapos na?" tanong ni Zed.

"Yun din ang akala naten pero hindi. Nakatakas si Coco at gusto niyang magtuos sila ni Reina." umiiling naman yung dalawa. "Babalik na lang yung mga police mamaya nagtawag pa ng mga backup." sabi ko sa kanila.

"Wag niyo iparating kanila ninong mo panigurado stress na naman yun." umalis kami ni Jayden na may iniwan ng trabaho so si ninong ang gumawa non.

"Kumain na muna tayo." sira na utak non kasi ikaw ba naman gumamit ng pinagbabawal na gamot. Naglakad na kami papunta sa dining area para kumain. Yung katulong naman ok na siya bukas daw pwede na siya makauwi dito.

"Papunta na po dito si Jericho at sabi niya dalawa daw kami haharap kay Coco mamaya." dapat kasi diretso mental na yung babaeng yun. Baliw. Kumain na lang kami.

Kakatapos lang namin kumain, nandito ako ngayon sa kwarto ko. Magpapahinga lang saglit.

From: Unknown

Ingat kayo lagi mylabs

Blinock ko yung number niya at dinelete yung message niya. Gumagawa ka talaga ng paraan ha. Makatulog na nga muna.

REINA'S POV

On the way na kami sa vigan at kasama namin yung yung mga police. Nasabi ko na din sa kanila yung plano namin ni Jericho ang hindi lang namin alam kung may kasama ba si Coco mamaya. Magsusuot parin kami ng bulletproof vest at may tracker parin kami ni Jericho. Yung ibang backup namin nasa vigan na.

"Sir, may kasama si Coco dalawang lalake mga armado sila." see? Madaming connection si Coco at sobrang kapal ng mukha niya talaga. Baliw na yun.

"Ma'am, ibibigay namin to sa inyo." pepper spray. Marunong naman akong humila ng buhok eh hahaha. "At ito po, isang pindot lang po for backup." hindi ko alam kung ano to. Maliit siya na remote. At may dala din kaming cellphone para marinig ng mga police yung mga nangyayari.

Nakarating na kami dito sa coffee shop at mukhang sila Coco na yun.

"Magiingat po kayo, nasa paligid lang po kami." tumango kami ni Jericho at lumabas na ng kotse. Lumingon naman si Coco at yung kasama niya sa direksyon namin ni Jericho.

"Tangina natatakot ako." bulong ko kay Jericho.

"Kaya naten to, Reina." ngumisi sa amin si Coco tapos yung kasama niya palinga linga parang may hinahanap.

"Good at sinama mo tong traydor kong kaibigan." gusto ko na lang tumakbo. "Pasok tayo sa loob." nagkatinginan kami ni Jericho at palihim kaming tumingin sa kotse ng mga backup namin. Sa bf niya din pala tong coffee shop? Sa tabi ng coffee shop kung saan yung unang entrapment kaya siguro walang tao dito. "Bilis!" sigaw niya sa dalawang lalake na binubuksan yung pinto ng coffee shop. Pinasok kami sa loob ng sapilitan.

"Ano ba kasing gusto mo, Coco?" tanong ni Jericho kay Coco bigla na lang siyang tumawa. Baliw ka na talaga.

"Bakit mo ako trinaydor ha?! At dito ka pa talaga kay Reina nakipagsabwatan." tumingin naman sa akin si Jericho.

"Sino ba ang nauna? Ako ba? Sinong trinaydor kami noon? Alam mo Coco ang dami mong inggit sa katawan, look at you now." kinuha ni Coco yung baril na hawak nung lalake. "Sige iputok mo." tinutok ni Coco sa akin yung baril agad naman humarang si Jericho. "Tiniis ko ugali mo Coco ang hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan mo tong gawin. Kung naging mabait ka lang sana noon edi sana marami kang kaibigan ngayon. Yung ginawa naten kay Reina noon pinagsisihan ko yun, humingi ako ng tawad sa kanya ang akala ko hindi niya ako papatawa..."

"Shut up! Hindi mo alam pinagdaanan ko simula nong tinalikuran niyo ako. Akala ko pa naman kaibigan ko talaga kayo." may tumulo na luha sa mga mata niya. "Oo aaminin ko naiingit ako sayo Reina kasi you can have everything that I can't have. Family and friends yun yung wala ako..."

"So kailangan mong gawin to ha? Itong si Jericho kaibigan mo naman to family mo na din siya." sabi ko sa kanya. Pinokpok niya yung ulo niya gamit yung baril na hawak niya at tinutok niya sa amin yung baril. Kinapa ko yung remote at pinindot ito.

"Go iputok mo." sabi ni Jericho sa kanya. "Iputok niyo!" biglang bumukas yung pinto at mga police pala.

"NOOOOO! BITCH!" hinila kami agad ng police palabas doon sa coffee shop.

"Hindi po ba kayo nasaktan?" umiiling ako.

"REINNNAAAAA/JERICHOOO!"

"DAPA!"

"BANG BANG BANG" tumingin ako sa likod si Coco may tama ng mga baril.

"S-si C-coco." naiiyak kong sabi kay Jericho.

"Love." agad kong niyakap si Zed at umiyak. "Ssshh tapos na." humagulgol na ako.

𝐓𝐡𝐞 𝐍𝐞𝐫𝐝 𝐑𝐞𝐯𝐞𝐧𝐠𝐞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon