Prologue

14.5K 219 3
                                    

Takot ang nadarama ni Melody. Hindi siya makapaniwala sa nasasaksihan. Naalala niya ang mga sinabi sa kanya ng kanyang Daddy,


"Princess, wag kang magtitiwala sa kahit na sino. I have a feeling na hindi na magtatagal ang buhay ko! Kung ano man ang mangyari, I want you to promise me na magpapakatatag ka, and that you will live...."


"Dad, what are saying? Hindi kita maintindihan!" kunot ang noo na tanong niya sa ama. Kakagaling lang niya nun sa pinapasukang university kung saan nag-aaral siya sa kursong conservatory of music. Actually,  second course na niya iyon. She graduated Business Management with Latin Honors, kahit pa kinuha lamang niya ang kursong yun dahil sa kagustuhan nang kanyang ama. At the age of 23, she's now the President of their company, at kasalukuyang tine-train ng kanyang daddy para siyang mamahala sa kanilang kumpanya sa oras na mag-retire na ang kanyang ama.


Mahina, ngunit mariin na muling nagsalita ang kanyang daddy na tila takot na may makarinig sa ano mang sasabihin nito, "Wala na akong oras na magpaliwanag, Melo! Just please listen to me. Kahit anong mangyari, promise me na you will do your best to be safe. Wag ka magtitiwala kahit kanino.... Hahanapin ka ni Atty. Leda, sa kanya ka lang makikipag-usap, Melody... Yung gitara, wag mong papabayaan yung gitara na niregalo ko sa'yo nung 18th Birthday mo....." 


Kahit hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng ama ay napilitan na lang mangako ang dalaga lalo at tila nahihimigan niya ang urgency sa tinig ng kanyang Daddy.


Kaya naman halos magtayuan ang kanyang balahibo ngayon sa nasasaksihan. Ang daddy niya ay nakabulagta, puno ng pasa at duguan. May apat na lalaki na humahaluglog sa kwarto ng ama. Asan ang Tita S-sylvia niya? Ang pangalawang asawa ng kanyang papa. Baka pinatay na ito ng mga lalaki? Yun ang mga nasa isip ng dalaga sa kanyang pinagtataguan. Gusto niyang saklolohan ang kanyang daddy, ngunit nakita niya ang nakikiusap na tingin sa kanya ng kanyang ama. Alam niyang nakita siya nito, and the look on his eyes were pleading her to just hide and not to make any noise. Sino ba ang mga lalaking ito?


 Halos manlaki ang kanyang ulo nang makita ang isang pamilyar na pigura na nakatayo sa harap ng kanyang daddy-- ang kanyang Tito Art, ito ang Vice President ng kanilang kompanya. He lit a cigarette, naka-tatlong buga ng usok bago ito muling nagsalita.


"Nasaan na ang kailangan namin? You can make things easy, Hernan!" mariin nitong bulyaw sa ama at pagkatapos ay sinampal ng napakalakas ang kanyang daddy. She heard her dad's moan na tila hirap na hirap.


"Wala kang makukuha sa akin, Arthur!! Patayin mo na lang ako, demonyo ka!!" kahit hirap na hirap ay narinig niyang sigaw ng kanyang daddy. Takot na takot na tinakpan ni Melody ang kanyang bibig, trying her best not to make any noise.


"Oh, don't be in a hurry, Sir! I will kill you, wag ka lang atat." ani ni Tito Art at pagkatapos ay tila demonyong humalakhak. Gustong pagtaasan ng balahibo sa katawan ang dalaga. She just couldn't believed what she is seeing. Ngayon lang niya nakita ang side na ito ng pagkatao ni Tito Art. He is always quiet, polite and smiling. Bata pa lang siya ay nasa kumpanya na nila ang lalaki. Kaya naman hindi siya makapaniwala na ito ang nakikitang nagpapahirap sa kanyang ama.


"Boss, wala!" maya maya ay pagbibigay alam ng isa sa apat na lalaking tauhan ng kanyang Tito Art. Tila nagpagalit sa lalaki ang narinig. Pasugod nitong dinamba ang kanyang daddy na nakahiga na sa sahig. Hinatak ang buhok ng kanyang daddy at pilit inangat ang ulo nito. Muling napa-aringking sa sakit ang lalaki. Pumikit si Melody upang hindi makita ang paghihirap ng kanyang daddy, kung hindi niya gagawin iyon ay baka hindi niya mapigilang lumabas mula sa pinatataguan.


"P*tang ina ka! Hindi ako nakikipaglokohan sa'yo. Nasaan na?" muli nitong sigaw sa Daddy Hernan niya. Pero imbis na matakot ay nakakaloko itong tumawa, at walang anu-ano ay dinuraan sa mukha ang lalaki. Bagay na lalong nagpagalit dito. Malakas nitong sinampal ang kanyang ama. Bumagsak ulit si Hernan sa sahig, putok ang nguso.


"Matapang ka ha! Hmm, kung wala dito ang hinahanap namin, siguradong na kay Melody, di ba?"


"Wala! Wag mong idamay dito ang anak ko. Wala siyang alam sa hinahanap mo. Ako na lang ang patayin mo...."


"HAHAHAHAH! Wag kang excited, darating tayo diyan! Isasabay na kita sa anak mo..." sukat sa narinig at napaatras ang dalaga, kaya naman hindi niya napansin na bumangga ang kanyang gitarang hawak sa pader. Enough to create a noise! Nakita niya na sabay-sabay napalingon ang mga lalaki sa gawi ng kanyang pinagtataguan.


"Takbo, Anak!! Takbooooooooooooooooooooooooooo...." ubod lakas na sigaw ng kanyang ama, at sinunggaban si Tito Art na hindi nakapaghanda sa gagawin ng ama. Sabay na bumagsak ang dalawa, kaya naman nagkaroon ng pagkakataon ang dalaga na makatakbo palabas.


"Habulin nyoooo!!!" narinig niyang sigaw ng lalaki sa mga tauhan. Takot na takot na nagtatakbo ang dalaga palayo sa kabahayan. If there is an edge that she have right now, iyon ay alam niya ang pasikot-sikot ng lugar na iyon. She grew up there! Kahit nakapikit, alam niya kung saan tatakbo. Hindi pa siya gaanong nakakalayo ng makarinig siya ng isang putok ng baril. Napatigil si Melody. Nagtatalo ang kanyang puso at isip kung babalik sa mansion.


"Papa...." takot at pangamba ang nararamdaman ng dalaga. Akma siyang babalik sa mansion ng maalala ang mga salita ng kanyang ama,


"Kahit anong mangyari, promise me na you will do your best to be safe. Wag ka magtitiwala kahit kanino...."


Hindi kaya alam na nang ama na maari itong mangyari kaya naman nasabi nito ang mga bagay na iyon sa kanya? She's contemplating on things nang makarinig siya ng mga kaluskos. Pikit matang muling tumakbo ang dalaga, hindi na niya nilingon ang kanilang tahanan,


"Babalikan kita, Papa! Babalikan kita..." hilam sa luha na nasabi ng dalaga sa sarili. 

Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon