Ginugol ni Dion ang mga sumunod na araw sa pagbawi sa anak. Kung wala din lamang siyang shooting, he is spending most of his time with Sean. Isa kasi siyang sikat na model- both locally and internationally. Just recently, he started having a career in showbiz. Every now and then, lumalabas na siya sa ilang mga TV Programs and movies. Halos nasa kanya na ang lahat-- almost! Not until his fiancee left him- Sean's mother. His once perfect world shattered.
Elizabeth was his life. Everything he ever wanted for in a woman. Parehas silang modelo, nagsisimula pa lamang siya sa career niya nang makilala niya ang babae. It was love at first sight! Una pa lamang niyang kita kay Eli, as what he fondly call her, nabihag na nito ang kanyang puso. Bakit hindi? Wala yatang hindi napapalingon sa babae sa kagandahang taglay nito. Sobrang ganda na tila nanghahalina. She's tall with a long, wavy, dark brown hair, almond shaped eyes and a body to die for. Hindi na niya tinigilan ang babae hanggang sa ito ay kanyang mapasagot. Pakiramdam niya ay lumulutang siya sa langit when she finally gave him her YES. Akala ni Dion, iyon na ang pinakamasayang araw ng kanyang buhay. Ngunit mas hinigitan pa ang kaligayahan na yon nang sabihin sa kanya ng kasintahan 7 years ago na nagdadalang-tao ito. He was so happy, so ecstatic! Ginusto niyang pakasalan si Elizabeth agad, but she refused. Ayon dito, mas gusto niyang magpakasal pagkatapos niyang makapanganak. Kahit pa hindi komporme ang binata sa desisyon nito, he just agreed sa kagustuhan ng fiancee- he loves her too much.
When he first held Sean on his arms, napaiyak siya! Oo, aaminin niya may kasamang takot ang pagluha na iyon, pero mas lamang ang kaligayahan. He was scared because he was just 25 years old. Bata pa siya, ano ba ang alam niya sa pagkakaroon ng anak? But when he held him on his arms, parang nawala lahat ng takot at pangamba sa kanyang puso. Isa ang sinigurado niya, gagawin niya ang lahat para sa kanyang anak at para sa babaeng pinakamamahal, for Elizabeth.
But after she gave birth, tila unti-unting nagbago ang babae. Hindi nito gusto na alagaan ang anak. She preffer to go back to modelling. Bagay na hinayaan na lamang ni Dion. Marahil ay dahil sanay ito na may career. Pero dalawang taon non si Sean nang magising na lamang sila isang umaga na wala na si Eli. She have left a letter asking for his forgiveness, at upang ipaalam na hindi na pala gaya ng dati ang nararamdaman nito para sa kanya.
Sinubukan niyang hanapin ang fiancee, pero mahirap talaga yatang hanapin ang ayaw magpahanap. Nagkaroon ng bulung-bulungan na sumama ito sa isang mayaman na matandang direktor sa New York. Pakiramdam ni Dion ay paulit-ulit siyang pinapatay, never mind the pity look people around were giving to him whenever they see him.
Sinubukan niyang wag na lamang pansinin ang usap-usapan. He even ignore questions about her. But, everytime na titingnan niya ang anak, pinapaalala nito si Eli. Tila nanadya ang tadhana na lumalaking kamukhang-kamukha ni Sean ang ina. Kaya naman hindi niya namalayan na pati sa kanyang anak ay unti-unti siyang lumayo.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Umuwi si Sean nang hapon na iyon na tila matamlay. Agad naman iyong napansin ni Melody.
"Oh, what's wrong, Sean?" tanong niya sa bata habang tinutulungan itong alisin ang bag na nakasabit sa likod. Lalong lumungkot ang mukha nito na bumuntunghininga pa.
"Kasi may family day kami next week, Ate Melody!" malungkot pa din nitong turan.
"Talaga? Wow! Maganda kaya yun. Nung nag-aaral ako, favorite ko yun. Madaming activities saka....." napahinto sa pagsasalita ang dalaga at kunot ang noo na binalingan ng tingin ang bata na talaga namang napakalungkot pa din.
"Teka nga! Bakit ba ang lungkot mo?" tanong niya muli dito.
"I'm sure kasi na hindi na naman ako makakasama. Lagi naman akong di nakakasama, Ate Melody." tila mangiyak-ngiyak na paliwanag nito sa dalaga. Hindi maiwasan ni Melody na malungkot din. Ngayon alam na niya kung bakit sambakol ang mukha nito ng dumating kanina. Nilapitan niya ang bata at hinimas himas ang likod.
"Oh, wag ka nang mag-alala! Eh di sabihin natin sa Papa mo. Di ba promise niya, he will be available for you from now on." pang-aalo niya sa bata. Saglit na nagliwanag ang mga mata ni Sean na kagyat din nawala.
"Pero baka busy si Papa! May work kasi siya lagi. He needs to work. Si Lola naman can't come kasi di na niya kaya ang mga activities. So, hindi na lang ako uma-attend."
"Hmm, ganon ba? What if kausapin ko ang papa mo?"
Nakita niya na muli itong nag-angat ng tingin. May munti siyang kasiyahan na nasisilip, but there's also uncertainty, "B-baka pagalitan ka lang ni Papa, Ate Melody!" ani nito pagkaraan ng ilang sandali, yuko na naman ang ulo.
"Ay, naku! Yan ba ang inaalala mo? Sanay naman akong pinapagalitan nun, no big deal! HAHAHAHAH! Immune na nga ako oh!" masaya yang pagbibiro sa bata na ikinangiti nito.
"There you! See? Mas cute ka pag naka-smile! Don't worry, akong bahala! Kakausapin ko si Papa mo."
"What if sabihin niya na he can't come?" Sean innocently pout.
"Kung hindi siya makakapunta, eh di ako na lang sasama sa'yo!" she winks. Doon na tunay naman na nagliwanag ang mukha ni Sean. Hindi makapaniwalang tinitigan siya ng bata, at pagkatapos ay bigla siyang niyakap ng napaka-higpit.
"Thank you, Ate Melody! I'm happy that you're here. Sana wag ka na lang umalis. I hope you will stay with us forever." usal ng bata sa dalaga habang mahigpit pa din itong nakayakap sa kanya.
Si Melody naman ay natigilan. Forever!! Ahhhh! Masasabi kaya niya sa bata na hindi siya magtatagal ng ganon katagal sa buhay ng mga ito. That she has a life to mind and problems to solve back in her hometown. Mariing pumikit ang dalaga. Alam niyang mahihirapan siyang umalis once the time comes for her to leave.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)
FanfictionTiming is one of the most crucial part of love. Minsan makakahanap tayo ng tamang pag-ibig, pero sa maling panahon. Sa gitna ng panganib sa kanyang buhay, Melody found herself loving Dion; a 32 years old bachelor with a 6 years old son. Pinilit ng...