III

6.4K 176 2
                                    

Agad na sinundo ng driver si Tita Gertrude kasama ang mayordomang si Aling Susan. Pagkatapos siya ipakilala nang matandang babae sa dalawa ay agad na silang nagpa-discharge sa hospital. Habang nasa daan ay napagalaman nang dalaga na nakuha na ng isa pang tauhan ni Tita Gertrude ang sasakyan ng matanda.

"Mabuti nga po naisarado nyo po ang mga bintana at na-locked ang pinto, Mam! Kung hindi po ay baka nasimot na ang mga gamit nyo sa loob ng kotse nyo." si Manong Delfin, ang driver. Saglit na tila nag-isip si Tita Gertrude, at mga ilang sandali pa ay nakangiting humarap sa kanya.

"Delfin, we should be thanking the young lady here. May presence of mind siya to even thought of securing my car kahit pa nagkakagulo na." naramdaman niya ang marahang pagtapik ng matandang babae sa kanya. Nahihiya naman siyang ngumiti sa mga ito. 

Mga ilang sandali pa ay nakita na niyang pumapasok sa isang subdivision ang kanilang sasakyan. Kanina ng tumingin siya sa labas ay nabasa niya na nasa San Juan sila. Isa unipormadong katulong ang agad na nagbukas ng gate para sa kanila. 

Nagpalinga-linga ang dalaga nang tuluyan na silang makababa sa kotse. The house is big! Maganda ang pagkakagawa, halatang isang magaling na architect ang nag-design. It's a mix of modern and mediterraenean. Ngunit, kung tutuusin mas malaki pa din ang kanilang tahanan sa Davao. Bigla na naman siyang inatake ng lungkot, kaba at takot nang maalala ang iniwang tahanan. 

"Hey, who are you?" naputol ang pag-iisip ng dalaga ng marinig ang isang tinig. She instantly look to where the voice is coming from. Isang super cute na bata ang kanyang nakita. Probably about 6 to 7 years old. Marahil ito ang apo ni Tita Gertrude na kanyang aalagaan. 

"Hello! I'm Melody. What is your name?" she smiles, habang ginulo gulo ang buhok ng batang lalaki. Lagi niyang pinapangarap na magkaroon ng kapatid, pero hindi yun nangyari. Even with her Tita Sylvia, hindi siya nagkaroon ng kapatid. 

"Don't touch my hair! My Papa told me not to talk to stranger." he pouted na tila hindi nagustuhan ang paghawak niya sa buhok nito. Melody can't help giggling. Why, the kid is super cute! 

"Uhmm, well, I have introduced myself to you. So, I think we're no longer stranger! I am your Lola's friend. Now, can you tell me your name, sweetheart?" she gave her sweetest smile, it so far never fail her. Nakita niyang kumunot ang noo ng bata, pero mga ilang sandal ayi unti-unti  na itong ngumiti.

"Yeah! I think we can be friends. I always want to have friends, but my papa won't allow me to go out. I'm Sean! Will you be staying here with us?" ani nito na tila nahihiya pa din.

"Yes! I will be your Nanny. And I can also be your friend. I think you will like me to be your friend caue I am very cool!" masaya niyang sabi sa bata na naka-peace sign pa! Tila na-excite naman ang bata kaya naman ginaya din ang peace sign. Sabay silang nagkatawanan ni Sean.

"Oh, I see you have met Sean na pala, Melo!" si Tita Gertrude. Nakangiti ito sa kanilang ng bata nang malingunan ng dalaga.

"Yes, Tita! He is very cool!" sabi niya sa matanda at pagkatapos ay kinindatan si Sean. Ang bata naman ay hindi napigilang humagikgik.

Hindi makapaniwalang nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa si Tita Gertrude, "Oh wow! I can't believe na magugustuhan ka ng apo ko with just some seconds of being here."

"Bakit naman po? He is a good boy naman po, Tita!" she smiles, habang si Sean naman ay at ease na nakahawak sa laylayan ng suot niyang tshirt na tila ayaw nang bumitaw

"Well, he is a good boy, yes! But he isn't really that friendly. Bukod pa sa hindi siya nasanay na madaming kalaro, ayaw kasi ng papa niya; nang anak ko, si Dion."

Nakaramdam ng awa ang dalaga sa bata. Siya man ay solong anak din, ngunit kahit kelan ay hindi ipinagkait sa kanya ng kanyang papa ang masayang childhood. Her dad let her play, meet friends, and have fun.

"Well, now you have a friend in me!" she smiles, at itinaas ang isang kamay para makipag-apir sa bata. Si Sean naman ay nagliwanag ang mukha at masigla ding tinanggap ang kanyang pakikipag-high five.

------------------------------------------------------------------------------------------- -------------------------------------------

Pagkatapos kumain ng hapunan ay agad siyang niyaya ni Sean na umakyat sa silid nito. Pumayag naman si Tita Gertrude at ipinaalam sa kanya na ang kanyang kwarto ay nasa ibaba, ngunit maari niyang samahan matulog ang bata ngayong gabi.

Excited na ipinakita ng batang lalaki ang kanyang mga laruan. Ang iba ay halatang mga bago pa lang at hindi pa nagagalaw. Naglaro sila, binasahan niya ng kwento si Sean at pagkatapos ay inaya na niya itong maligo upang matulog.

"Good night, Ate Melo!"

"Hmm, Sean? You forgot to do something!" kunot ang noo na muling bumangon ang bata mula sa kama nito at hinarap siya.

"What is it, Ate Melo?"

"Well, dapat di ba nagpe-pray ka muna? Hindi ba yon tinuro sa'yo ng daddy mo?" naupo siya sa gilid ng kama ng bata. Nakasuot na din siya ng pyjama at isang lumang tshirt na pinahiram sa kanya ni Aling Susan. Tita Gertrude promised her to take her to shopping the next day.

"Sinabi niya po sa akin yun, Ate Melo!"

"Oh, bakit hindi mo ginagawa? Don't you know that it is important to pray so that you won't have any bad dreams?"

"H-hindi niya po kasi tinuro how. He just told me to pray!" malungkot na usal ng bata.

"Awww! Well, don't worry, I will teach you." ngumiti siya kay Sean. Tinuruan niya ang bata ba mag-sign of the cross, at ilang bed time prayers. He is so smiling. Halata sa mukha nito ang kagustuhan na matuto. Pagkatapos magdasal ay hiniling nito na kung maaari ay tabi silang matulog. Melody felt his longing for his parents. Kaya naman walang nagawa ang dalaga kundi ang pagbigyan ang hiling ng bata.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Pakiramdam ni Melody ay may mabigat na nakadagaan sa kanya. Is she dreaming? Dahan dahan na nagmulat ng mata ang dalaga. Teka, mabigat talaga eh! Hindi panaginip. Naramdaman niya ang pagyakap ng isang estranghero sa kanya, at pagkatapos ay isang banayad na halik sa kanyang noo. Nanlaki ang mga mata ng babae. No, she ain't dreaming, naramdaman niya ang labi nang kung sino mang nakayakap sa kanya.

Balikwas na bumangon ang dalaga, at ubod ng lakas na sumigaw.

"Hellppppppppppppppppp! Sino ka wag kang lalapit? Tulungaaann nyooooo koooooooooo!" tili ng dalaga. Naramdaman niya ang pagbagon nito mula sa kama na tila nagulat din. Nakita niyang naglakad ito papalapit sa kanya.

"Wag kang lalapit sa akin! Wag kang lalapit!!! Hellpppppppppppppppppp!" ngunit hindi tumigil ang lalaki. Nakita ni Melody ang isang base na nasa side table, agad niyang sinunggaban yun at handa nang ipalo sa estranghero ang hawak, nang biglang bumukas ang ilaw...

"Sino ka?' she heard a husky, masculine tone.....

Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon