XII

5K 127 2
                                    

Saka lang natauhan si Melody nang maramdaman niyang marahan siyang inilapag ni Dion. He removed his shades, inilagay ang salamin de kulay sa dibdib at pagkatapos ay mabilis na inayos ang malaking sako.

"Jezzzkeeeelleerrrdddd! Feeling ko na-paralyze ako! Paano ba ako gagalaw?" bulong nang dalaga sa sarili. Alam niyang kailangan niyang gumalaw, pero pakiramdam niya ay napako siya sa kinauupuan.

"Papa!!!! You are here!!!" nakita niyang hindi magkamayaw si Sean sa sobrang saya nang makita ang kanyang ama. Priceless, that's how Melody can describe his smile. Hindi pa nga napigilan nitong tumalon at pumalakpak sa sobrang kagalakan. Habang si Dion naman ay ginulo-gulo lamang ang buhok ng anak. She can also see a trace of smile sa kanyang amo.

"Ano? Whacha doing, you two? Hurry up! Kailangan natin manalo!" masigla nitong sigaw sa kanilang dalawa ni Sean na natutulala pa din sa presence ng lalaki. Hindi talaga nila inasahan ang pagdating ni Dion. Si Sean ang unang natauhan. Maliksi itong pumasok sa loob ng sako, habang si Melody naman ay tila natitigilan pa din.

"Hey, you still can't move, Melody?" tanong nito sa dalaga, pagkatapos ay mabilis na lumapit sa kanyang kinaroroonan. Akma siyang muling bubuhatin ng binata nang matauhan ang babae.

"S-sir, kaya ko na po!" mabilis niyang pigil sa amo sa tangkang muling pagkarga sa kanya. Hindi niya alam kung saan niya nakuha ang lakas to run and go inside the big sack. Nakangiting sumunod sa kanya si Dion. Mabilis nitong inayos ang sako. Nagulat pa ang dalaga nang inabot ng lalaki sa kanya ang pulang tshirt na iniwan niya sa ibabaw ng kanilang mga gamit na dala dala nila ni Sean.

Nagtataka niyang tiningnan ang tshirt, "Hey, what are you waiting for, Melody? Wear the shirt na!"

"P-pero po, Sir! P-para sa mga moms lang 'to." she stammered. Nakita niyang ngumiti ng ubod ng tamis ang lalaki sa kanya. Pakiramdam ni Melody ay muli na namang sumirko ang kanyang puso. There's just really something about Dion's smile that could fasten her heartbeat. Ganon ang epekto ng mga ngiti ng amo sa kanya.

"Yeah, pero wag na nating hanapin ang mga wala. Tayo ang nandito, Melody. And today, we are a team!" nakangiti nitong sagot sa kanya.

"Yeah!!!!!! We are the team to beat!" Sean screams. Wala na yatang makakasira sa kaligayahan ng bata.

"Right! So, ready? Awoooo awoooo!!" Dion wear his game face on, bago binalingan ng tingin ang dalaga at marahan tinanguan. Melody just gave him a nod back at pagkatapos ay sabay nang tumalon papunta sa finish line.

They finished second dahil na din sa pagkakadapa ng dalaga. But seems like Sean couldn't care less if they win or not, mas mahalaga sa bata na naroroon ang kanyang papa.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Ang sunod na contest ay paper dance. Kailangan buhatin ng mga tatay ang mga nanay sa tuwing titigil ang tugtog habang paliit ng paliit ang diyaryong tinatapakan. Ang mga anak naman ang siyang magtutupi ng diyaryo.

"Mr. and Mrs. Mercado- ito po ang newspaper for your team!" inabot ng isa sa mga teacher kay Melody ang diyaryo. She really felt awkward, di niya alam kung tatanggapin ito o hindi.

"E-eh kasi po, eh kasi po, Ma'am! Errrrrr...." utal na usal ng dalaga habang ang guro naman ay takang nakatingin sa kanya. She really don't know what to say. Kaya naman sobrang nagulat siya ng abutin ni Dion ay diyaryo mula sa guro. 

"Thank you, Ma'am!" nakangiti nitong pasasalamat sa guro na pinilit ngumiti dahil sa pagtataka sa inasal ng inaakala niyang Mrs. Dion Mercado.

Biglang nakaramdam ng pagka-awkward si Melody. Ibig bang sabihin, sasali sila sa paper dance when it is supposedly for parents? Si Dion ang bumasag sa katahimikan na namagitan sa kanila.

"Okay lang ba, Melody? Sumali tayo for Sean?" he is smiling so sweetly.

"Suskowwww!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Makakatanggi ba ako sa mga ngiting yan? Kahit yata ayain mo akong iwanan ang Earth, o-OO ako eh!" muli na naman bulong ng dalaga sa sarili.

"Ano, okay lang ba, Melody?" ulit na tanong nito sa kanya.

"Hmm, okay lang naman po sa akin, Sir! Eh kaso kayo ang inaalala ko. Err, yaya lang naman po ako ni Sean. Baka ano pa isipin ng mga tao!" Melody felt like there's a huge lump on her throat. Kahit alam niyang hindi naman siyang tunay na yaya, bakit masakit pa din isipin na magkaiba ang kanilang mundo ng lalaking kaharap?

"Don't worry about me! I can take care of myself. Mas malala pa sa maari kong marinig ngayon ang mga narinig ko na. They can't fazed me anymore. Besides, you are not just a Yaya! You are my son's friend, and now, you are my friend, too." she really felt the sincerity on his voice. Malayong malayo sa Dion na nakabangga niya 2 months ago. Hindi maiwasan ng dalaga na mapangiti ng maalala ang kanilang unang pagtatagpo. She glanced up only to met his eyes. Mabilis na nagbawi ng tingin si Melody. Hindi niya kaya ang makipagtitigan sa lalaki, alam niyang never siayng mananalo.

"Well, o-okay, Sir Dion! Let's do this for Sean." nakangiti niyang sagot sa binata. Nakita nilang papalapit si Sean na hindi pa din nawawala ang saya. Napangiti ito ng ubod ng laki nang makita ang hawak na diyaryo ng ama. 

"Ibig sabihin sasali tayo, Papa?" he asked them with so much excitement. Nagpapalit-palit pa itong ng tingin sa kanilang dalawa. Nagkatinginan muna sila bago magkasabay na tumango. Bagay na lubhang nagpasaya sa batang lalaki. Mabilis nitong tinalon ang ama.

"Thank youuuuuuu, Papa!" he screams in so much happiness. Masayang masaya naman si Melody para sa munting kaibigan. Alam niyang iyon ang gusto ni Sean. Ang makasama at maka-bonding ang kanyang Papa Dion.

Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon