XXVI

5.5K 131 7
                                    

Nakangiting tinungo ni Atty. Leda ang kinatatayuan ni Melody. Tila hindi nito napansin ang lalaking kanina pa ay masama ang tingin sa kanya, si Dion.

"Mrs. Mercado agreed na makuha na natin ang gamit mo! At, alam na niya ang mga nangyari." masaya nitong turan sa kanya. He even gently caress her right cheek, na lalong nagpadilim ng tingin dito ni Dion.

"Ehem!" tumikhim ang binata. Doon pa lang tila napansin ng abogado ang kanyang presensiya. Humarap ito sa lalaki. Pakiramdam ng dalaga, there's some kind of tension in the air. Saglit na nagsukatan ng tingin ang dalawang lalaki. Matangkad ng kaunti si Dion sa abogado, habang ang balat naman ni Manolo ay mas maputi kaysa sa lalaki. Both are handsome, just different kind. Si Atty. Manolo ay yung masasabi mong boy next door look. Matangkad, chinito, maputi. Habang si Dion naman ay nasa Hunk na kategorya. Every inch of the guy is a hunk.

"Ah eh, hmm, Attorney, this is Dion Mercado! He is Mam Gertrude Mercado's only son. Dion, this is Atty. Manolo Leda III, my legal counsel." pagpapakilala ng dalaga sa dalawa. She knows she have to clear the tension; tension na hindi niya maintindihan kung saan nagmumula.

Si Manolo ang unang naglahad ng palad. Dion stare at his hand first, bago inabot iyon. They shake hands. Nang magbitiw ang dalawa ay binalingan siya ni Dion. He is staring at her like they haven't seen each other for a long time, kahit pa ang totoo ay ilang araw pa lamang ang nakakaraan. 

"Can we talk?" ang tinig nito ay puno ng pakikiusap. Gusto ng dalaga na patuloy na magtampo, pero paano? Just by hearing his voice sounding like this, parang gusto na niyang takbuhin ang lalaki at yakapin. Tiningnan siya ni Manolo, probably making sure if everything's alright. She nod.

"Okay, pupunta muna ako sa garden, Melody! Call me if you need anything." nakangiting paalala sa kanya ng abogado. Tila hindi nagustuhan ni Dion ang huli nitong sinabi, but then itinikom na lamang niya ang kanyang bibig.

Nang tuluyan ng makaalis ang binata abogado, pakiramdam ni Melody ay nagra-rumble na naman ang kanyang puso sa sobrang kaba. She have to wait until her heart and breathing become stable bago hinarap ang lalaki. Ngunit bago pa man siya makapagsalita ay mabilis na siyang naikulong ng binata sa mga bisig nito. He hug her so tight.

His warm embrace feels like home. Like she comes home after a long journey. Di mapigilan ng dalaga na mapaluha! Ilang araw na niyang pinipigilan na maiyak. Hindi niya gusto na magmukhang mahina. Kailangan niyang bigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama at linisin ang kanyang pangalan. But Dion's embrace is so soothing, so comforting, pakiramdam niya, his arm is like a resting place.

"I-i'm sorry, Melody! I-i'm so sor...."

"Sssshhh! Just hug me tight!" pigil niya sa ano pa mang sasabihin ng lalaki. Gusto niyang kalimutan muna ang kanyang mga problema, gusto niyang kahit sandali, she'll find peace. At sa loob ng mga bisig ni Dion, nakakaramdam siya ng kapayapaan.

Mga ilang minuto pa silang nanatiling magkayakap. Si Dion ang unang bumitaw. He cupped her face.

"Hindi totoo ang binibintang nila sa akin. Hindi ako..."

"Sssshhh! Kahit hindi ka magpaliwanag, naniniwala ako sa'yo. I'm sorry kung hindi man lang kita pinakinggan. But believe me, pinuntahan kita sa kwarto mo. Pero ang sabi ni Elizabeth, umalis ka na daw."

"Eh hindi naman ako umalis! She throw me out." Melody pout, bagay na nagpahagikgik kay Dion. Oh, how he misses those pout!

"I know! Sean told me. Pero hindi ko na binanggit kay Elizabeth na alam ko na ang kanyang ginawa. I instead search for your name on the internet. Doon ko nalaman ang mga information about sa'yo. Sinundan kita sa Davao, pero walang makapagsabi kung nasaan ka. Ang alam nila, nasa kulungan ka na. But when I went there, wala ka na daw. Nakalabas ka na daw." hindi makapaniwala ang dalaga sa mga naririnig. Dion followed her on Davao?

Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon