Tama ba ang narinig niya? The guy has the nerve na tanungin kung sino siya? Siya kaya itong manyakis na bigla na lang tumabi sa kanya. Pinagmasdan ito ni Melody. Infairness naman sa "manyak" na 'to ha! Gwapo, actually gwapo is an understatement. Sobrang gwapo kahit pa halata sa mukha nito ang pagod. Magulo ang medyo alon along nitong buhok, halatang hindi pa nadadaanan ng suklay. Pero hindi yun naging kabawasan sa pagkagwapo nito. In fact his unruly hair only made him even look sexier. Ruggedly handsome, yeah, that's the right term! Yun ang nasa isip ng dalaga.
"Ano ka ba, Melody? Manyakis kaya yan! Di porke't gwapo, excuse na sa pagiging manyak!" naghuhumiyaw na palag ng kanyang utak.
"Hey, who are you? What are you doing here?" sa isang iglap ay nakalapit agad ang lalaki sa kanya, and grabbed her arm.
"Ouch! Let go of me. You maniac, you perv!!" daing ng dalaga ng sapilitan siyang itayo ng lalaki at hinila palabas ng kwarto ni Sean.
"Maniac? Perv? Sinong mamanyakin ko, ikaw? Have you seen yourself in the mirror lately, Woman?" taas ang isang kilay nito, puno ng animosity ang tinig.
"Aba! Maniac ka na nga, napaka-rude mo pa!!!!!" gigil na gigil na sigaw ni Melody dito. Aba! Anong ibig sabihin nito? Na panget siya? Cute kaya siya, sabi ng daddy niya! So, nagsisinungaling lang ang daddy niya? Di siya makakapayag!!! Her dad is never a liar.
But the guy won't stop. Mukhang desidido talaga itong kaladkarin siya hanggang sa ibaba ng kabahayan, kaya naman ng malapit na sila sa hagdan ay kuntodo ang kapit ng dalaga sa puno ng hagdanan. She looks like a koala bear!
Napahinto ang lalaki. Hindi niya alam kung maiinis o matatawa sa itsura ng babae, "Hoy, bumitaw ka diyan!" sigaw niya dito pagkaraan ng ilang sandali. Nakita niyang lalong hinigpitan ng babae ang yakap sa puno ng hagdanan.
"Hindi ako bibitaw dito!! Hindi ko hahayaan na magtagumpay ka sa binabalak mo sa akin. I will protect my dignity and my virginity with my life. Dadaan ka muna sa napaka-perfect kong katawan." sigaw nito sa kanya.
"Miss, first, I'm already losing patience! Second, you are not really that desirable. Third, hindi kita type! Kaya bumitiw ka na diyan or else....."
"Aray ko! Sobra na 'to ha! Walang pakundangan ang bibig. Maganda ako, maganda ako, maganda akooooooooo." gusto sanang isigaw ni Melody sa pagmumukha ng lalaki. But she chose not to. Baka isipin nito, apektado siya sa pang-aasar nito!"
"Or else ano? Ipapatay mo akoooooo? Gagawin mo akong chop-chop girl? Ihahagis mo ang katawan ko sa bakanteng lote? Hoy, napanood ko na yan sa SOCO. Alam ko na yan! Para sabihin ko sa..........." hindi pa natatapos ng dalaga ang sasabihin nang bigla siyang hilahin ng lalaki at ipasan na tila isang sako ng bigas.
"Eeeeeeeeeeee! Ibaba mo ako!! Ibaba mo akooooooooo! Tulungan niyooo koooo! Rapeeeee! Rappeeeeeee! Parang awa nyo na!!!" nagsisigaw si Melody habang hinahampas ang likod ng lalaki. Pero sa nakikita niya, hindi nito iniinda ang suntok niya. Why, the guy has a nice body! Yung tipong sa gym na nag-aalmusal, nananghalian, nagdi-dinner at nagmi-midnight snack.
"Hoy, Melody! Mare-rape ka na nga eh, pinupuri mo pa yan! You have to protect your purity and your freshness." muli na naman sigaw ng dalaga sa utak. Ngunit likas na malakas ang lalaki. Hindi mapigilan ng dalaga na maiyak na lamang! Kailangan na lamang yata niyang tanggapin na mawawala na ang virginity na iningatan niya for 23 years. Ang kanyang consolation na lang ay ubod ng gwapo ang kanyang rapist. Hindi na din masama!
Jeessskeelleerrrddd! Ang landi mo, Melo!! Mare-rape ka na lang, gwapo pa iniisip mo.
Pabalibag siyang ibinaba ng lalaki sa sofa ng marating nila ang first floor. Mabilis na gumana ang kanyang utak. Nakita ni Melody ang isa ulit na flower vase, mabilis niya yung kinuha at pikit mata na hinampas sa likod ng lalaki. Napayuko ito dahil sa ginawa niyang pagpalo.
"What the...?" hawak nito ang batok, ngunit mabilis na nakabawi at ilang hakbang lamang ay narating na nito ang kanyang kinatatayuan. Ubod lakas na hinila muli ng lalaki ang kanyang braso. Pakiramdam ni Melody ay sasaktan siya ng binata kaya naman napapikit na lamang ang dalaga sa desperasyon, nang biglang bumukas ang ilaw sa buong kabahayan.
"What's happening here? Dion, anong ginagawa mo sa kanya?" malakas na tinig ni Tita Gertrude ang nagpahinto sa lalaki. Agad na napadilat si Meldoy, at maang na napatingin sa lalaki. Dion? Tama ba ang narinig niya? Eto ba ang anak ni Tita Gertrude?
"Papa! You're home!!" si Sean na mabilis na tinakbo ang kinaroroonan ng ama. Habang si Melody naman ay tila binaon sa kinatatayuan.
"Gees! I'm so dead!" yun lang at nawalan na nang malay ang dalaga.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Daddy, daddy, daddy!" sigaw ni Melody. Ngunit tila hindi siya naririnig ng ama. Patuloy lang ito sa paglakad ng mabilis, so fast that she can't keep up. Umiiyak na hinabol ito ng dalaga, ngunit kahit tila anong bilis ng kanyang takbo ay hindi niya maabutan ang kanyang daddy. She scream in desperation.
"Ate Melo, Ate Melo! Wake up, wake up!" mahihinang pagyugyog sa kanyang balikat ang nararamdaman ni Melody. She slowly open her eyes. Nung una ay hindi niya maalala kung nasaan siya, but when she saw Sean's smiling face, bigla niyang naalala ang lahat. And she realized, it's only a dream na nakita niya ang kanyang Daddy. Lalong hindi napigilan ng dalaga ang maiyak.
"Ate Melo, what's wrong? Why are you crying?" concern na hinimashimas ng bata ang kanyang likod as if it will console her.
"Nothing, Baby! I just saw my Daddy in my dream. I missed him so much!" mabilis niyang pinunasan ang mga luha bago muling humarap sa bata.
"Hush, Ate! Don't be sad. I'm sure your papa is safe and sound. And I'm sure he always miss you." inosenteng pag-aalo ni Sean sa kanya. Ginulu-gulo ng dalaga ang buhok ng batang lalaki, "sana nga, baby! sana nga safe si daddy ko." bulong niya sa sarili.
Mahihinang katok sa pinto ang pumukaw sa dalawa. Sean immediately open the door. Si Aling Susan, ang mayordoma.
"Uhmm, Melody, pinapatawag ka ni Mam Gertrude sa library! Ako muna ang titingin kay Sean." pagbibigay alam sa kanya ng matandang babae. She smiles, kahit pa sobra ang kaba niya na baka paalisin na siya ng mga ito dahil sa nangyari.
"Sige po!" sagot niya at pagkuway binalingan ang bata. "Sean, tulog ka na ha! It's late na! Good night!" she planted a kissed on his hair.
"Good night, Ate Melo! See you tomorrow." nakangiti nitong sagot sa kanya. Natigilan ang babae, ngunit ilang sandali lang ay pinilit niyang ngumiti. Hindi siya sigurado kung narito pa din ba siya kinabukasan. She inhale as if she could get strength from the air, pagkatapos ay pumikit. So much happening sa kanya. Ang kanyang dating tahimik na mundo, ilang araw lang ang lumipas ay ibang-iba na. Parang napanghihinaan na nang loob ang dalaga, pero kailangan niyang gawin ito. She have to survive, until the right people finds her or vice versa.
"For you, Daddy! I'll be strong!" she whispers bago tinungo ang library.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)
FanfictionTiming is one of the most crucial part of love. Minsan makakahanap tayo ng tamang pag-ibig, pero sa maling panahon. Sa gitna ng panganib sa kanyang buhay, Melody found herself loving Dion; a 32 years old bachelor with a 6 years old son. Pinilit ng...