I

7.3K 166 0
                                    

From Davao, dinala si Melody ng kanyang mga paa sa Maynila. Barko ang kanyang sinakyan papunta sa siyudad, yun lang kasi ang nagkasya sa kanyang pera. Ang bag lamang niya na may ilang pirasong damit, mga gamit sa school at ang gitara na niregalo sa kanya ng kanyang daddy. She's also wearing some pieces of jewelries that really cost some money. Gamit ang pera sa wallet, she bought herself a ticket to Manila. Nung una ay inisip niyang sa mga malapit na kamag-anak muna makitira. Ngunit hindi niya alam kung sino pa ang dapat pagkatiwalaan. Naalala niya ang bilin ng kanyang daddy, "wag magtiwala sa kahit na sino".


Pagkatapos ng mahigit tatlong araw ay nakarating ang dalaga sa Maynila. It is her first time to land her feet on this big city. Hindi alam ni Melody ang gagawin. All her life she's been sheltered by her Daddy. Lahat ng kailangan niya ay nakalatag na sa kanya. Marami silang kasambahay na gagawa ng mga bagay bagay para sa kanya. She's a sheltered princess! Kaya naman hindi maiwasan ng dalaga na matakot.


"Be strong, Melody! Kaya mo 'to." she wipe her tears. Sigurado siyang malaki ang tiwala sa kanya nang kanyang Daddy na she will survive, at di niya planong biguin ang ama.


She walk straight as if she knows where she is going. Kahit naman ngayon pa lamang siya nakatapak sa Maynila, alam naman niya na this place isn't really that safe. Nakabasa na siya ng tungkol sa siyudad, and although she is very attracted to the progressive way of life here, she is also very aware of the bad side of the city. Dagdag pa ang ilang mga kaibigan na nakapunta na dito. They were telling her stuff about Manila, and they informed her that this city isn't really for the faint of heart.


Nakaramdam ng pagkalam ng sikmura si Melody. Naalala niya, di pala siya kumain kagabi dahil sa kaiiyak. Ngayon ramdam na niya ang gutom. Nagpalinga-linga ang dalaga. Nakita niya ang isang maliit na kainan ilang dipa palabas sa pier. Humakbang palapit doon ang babae. Pinasadahan niya ng tingin ang mga pagkain sa eskaparante. Napangiwi ang dalaga. Never pa siya nakakain sa mga ganitong kainan, kaya naman hindi niya sigurado kung ano ang kakainin.


"Anong sa'yo, Miss?" nagulat si Melody sa malakas na boses ng tindera. She have to make up her mind, lalo nakita niya ang pagkabagot sa mukha ng tindera sa paghihintay sa kanyang isasagot. Marami kasi ang kumakain, tulad niya ay mga pasahero sa barko.


"L-ugaw na lang po!"


"May laman ba?" muli nitong tanong habang tinatakal na ang lugaw sa isang mangkok. Hindi malaman ng dalaga ang isasagot. Ano ba ang laman ng lugaw?


"Miss, ano may laman ba? Itlog, tuwalya, dugo?" ulit na tanong ng tindera sa kanya.


'I-itlog na lang po!" tila natataranta niyang sagot. Agad itong dumapot ng isang nilagang itlog at pagkatapos ay inabot sa kanya ang mangkok na may lugaw ksama ang nilagang itlog.


"May spoon and fork po kayo?" tanong niya sa tindera. Saglit itong natulala pagkarinig sa kanyang sinabi, habang ang ilan namang kumakain ay napatingin sa kanya as if she said something weird.


"Nandun ang kutsara at tinidor sa gilid, Miss!" hindi maintindihan ng dalaga kung bakit tatawa tawa ang tindera habang tinuturo sa kanya ang kinaroroonan ng mga utensils. She is acting as if she heard something funny. Ano ba ang nakakatawa sa kutsara at tinidor?

Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon