Mahihinang katok sa pinto ang gumising kay Melody. She check the time sa wall clock na nasa loob ng silid, kasama niya doon si Aling Susan. 10 am! Napabalikwas ng bangon ang dalaga. Mabilis niyang tiningnan ang higaan nang mayordoma. Wala na ito. Nagmamadali siyang tumayo at tinungo ang pinto upang pagbuksan kung sino ang kumakatok. Si Sean, ubod ng laki at tamis ang ngiti ng bata as she open the door.
"Good morning, Ate Melo! Lola don't want me to wake you up, cus she said you slept late last night. Pero you haven't eat breakfast yet eh, so I worry about you." napangiti ang dalaga sa narinig. Sean is really sweet, kabaligtaran ng kanyang papa. Hmp! Naalala na naman niya ang masunget na yun.
"Let's go, Ate Melo! Kain ka na, tapos laro na tayo!" hila sa kanya ng bata.
"Sige, sige! But first, let me get my toothbrush first, ok?" naiiling niyang sabi sa bata na marahan na tumango. Buti na lamang ay lagi siyang may dalang toiletries sa kanyang bag. Nang makuha na niya ang kailangan ay magkahawak na sila ng kamay nang bata na bumaba. Sa dirty kitchen sila tumuloy, ayon kasi kay Sean, kanina pa sila kumain ng almusal. Naabutan nila si Aling Susan doon na busy sa paghalo nang kanyang niluluto.
"Wow! Ang bango naman po niyan, Aling Susan. Pero teka, bakit po kayo ang nagluluto?" nakangiti niyang bati sa matandang babae habang si Sean naman ay tahimik na naupo sa isa sa mga upuan na nakapaligid sa isang maliit na table sa loob ng dirty kitchen na iyon.
Ang alam niya, meron cook ang mga Mercado, at si Aling Susan naman ay ang kanilang mayordoma.
"Naku, iha! Si Dion ay paborito ang mga luto ko. Kaya naman kapag nandito ang batang iyan, request niya na ako ang magluto." masigla nitong sagot na patuloy pa din sa paghalo sa harap ng stove.
"Ahh! Akalain mo, kumakain pala ang mga monster?" hindi niya napigilang mapangiwi pagkarinig sa pangalan ng lalaki.
"Ano yun, iha?"
"Heheheh! Wala po, Aling Susan. Eh, san po ako pwedeng mag-toothbrush?" pag-iiba niya sa usapan.
"Hindi ko pala nasabi sa'yo, nu? Pwede mong gamitin yung palikuran sa loob ng kwarto natin. May maliit din na lababo don. Pero tutal nandito ka na, pwede ka diyan sa maliit na lababo sa labas, meron din dun toothpaste, pwede mong gamitin iyon kung di ka naman maselan, iha! Kami kami lang ang gumagamit non dito." inginuso nito ang lababo na ilang hakbang lamang sa dirty kitchen na iyon pagkatapos. Mabilis iyong tinungo ng dalaga. Nakita niya ang toothpaste na tinutukoy nito at mabilis na nilagyan ang kanyang toothbrush.
"Pagkatapos mo diyan mag-almusal ka na, Iha! Etong si Sean kanina ka pa hinihintay. Himala nga at hindi nakasunod sa kanyang papa." medyo may kalakasan na sabi sa kanya ng matanda. Saglit niya itong tinapunan ng tingin habang patuloy pa din ang pagsisipilyo.
"Narkuooo kahit aagahgaasdasadadadasdad ako naman-asasadadasadadasasasxada si Sean asdadxasdaadaaxadsx di ako adsdsdsdsdasdsdsaaasdsds sasama arrrggghhhhh doon eh asdsdsdsdsdsx." lintanya niya kahit pa puno ng bula ang kanyang bibig dahil sa pagsisipilyo.
"Ah talaga? Bakit sino ba nagsabi sa'yo na sumama ka sa akin ha? And don't you know that it's not right to talk when your mouth is full? Hindi mo ba alam yang simpleng manners na yan ha?" awtomatikong nag-angat ng tingin si Melody na marinig ang tinig na iyon. Kung sa ibang pagkakataon, kikiligin siya sa boses na iyon. Why, it's so sexy! Deep, sexy and so masculine. Pero alam niyang ang nagmamay-ari ng boses na yun ay isang tao na bwisit na bwisit sa kanya.
She slowly turn her head. Nalingunan niya si Aling Susan na tila tinuka ng ahas sa kinatatayuan. Si Sean naman ay nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Habang si Dion naman ay nakahalukipkip na nakatingin sa kanya. He is till on his black pyjama, naka-white round neck na shirt.
"Kung hindi lang masama ugali nito, gwapo talaga eh!" bulong ng dalaga sa isip. Nag-apuhap siya ng sasabihin. She is just lost for words, which is rare mangyari. Sabi nga ng Daddy niya, she has a smart mouth.
"Heheheh! Joke lang naman yun, Sir! Di ka na mabiro. Ang seryoso nyo po naman!" she grinned while doing the peace sign. Si Aling Susan at Sean ay magkasabay na napangiti. But Dion's face just remain the same. Wala kang makikitang amusement sa mukha ng lalaki. And Melody knows, she is in trouble.
"Bakit? Kabiruan ba kita? Magkaibigan ba tayo?" seryoso nitong sagot na bahagya pang tumaas ang isang kilay.
"Heheheh! Oo nga naman. We're not friends! Oh e di sorry po. Ipagpatawad nyo po ang aking kapangahasan, Mahal na Hari! Okay na po? Ngiti na!!" she drew a smile on her lips.
"You think you're funny ha? Well, hindi ka nakakatawa! Let me remind you na employer mo ako, Yaya ka nang anak ko. Stop acting as if we're friends." seryosong sabi ni Dion at pagkatapos ay agad na tumalikod at umakyat pabalik sa silid nito. Naiwan naman na tila sinampal ang dalaga. Oo nga pala, Yaya pala siya dito. House help, katulong, kasambahay. She clear her throat, pakiramdam niya kasi ay may bigik sa kanyang lalamunan. Dati rati ay siya ang pinagsisilbihan, ngunit ngayon, iba na.
Hindi sa minamaliit niya ang kanilang mga kasambahay. Actually, they are family for them! Her dad treat each and everyone of them as part of the family. Lumaki siya na nakikisalamuha sa mga ito. Never siya hinayaan ng kanyang papa na lumaking mapagmataas.
Pero iba pa din pala pag pinamukha sa'yo ng isang tao na kasambahay ka lamang. It isn't a good feeling, parang ipinaramdam sa'yo na napakababa mo. She sigh!
"Tiis lang, Melo! Matatapos din ito." she whisper to herself habang pinipigilan na umiyak.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mula sa bintana ng kanyang silid ay palihim na sumilip si Dion nang marinig ang matutunog na halakhak ni Sean. Nung una inisip niya na hindi iyon boses ng kanyang anak. Never pa niya narinig na tumawa ito ng ganun kalakas. Pero nang lalong lumakas ang paghalakhak ay puno ng kuryosidad na tumayo si Dion at palihim na sumilip sa bintana. There he saw Sean laughing over something that annoying girl were saying. Ano nga pangalan non? Melody ba?
He wonder what is so funny for his son to laugh out loud. Sabagay, nakakatawa naman talaga ang mukha nang babaeng yun. Hindi napigilan ng binata na palihim na mapangiti nang maalala niya ang itsura ng babae noon nakaraang gabi habang mahigpit itong nakahawak sa hagdanan ng pilitin niya itong kaladkarin palabas sa silid ni Sean.
Honestly, gusto niya talagang matawa. She looks like a koala bear. Marahil kung hindi lamang siya sobrang pagod nung gabi na iyon, hindi niya mapipigil ang sarili na matawa. Akalain mong napagkamalan siyang rapist nito? That was the first! All his life, ang mga babae ang kusang lumalapit sa kanya. He never force any women. Ang iba nga ay halos ihain na ang kanilang mga sarili sa kanila. Kaya naman talagang gustong matawa ng binata when he was being accused as a rapist. Aaminin niya, tila may nasaling sa ego niya.
Totoo naman na hindi niya type ang babae. But, he have to admit na cute naman ito! Of course, hindi niya iyon sasabihin dito. He heard Sean laugh out loud again, this time mas malakas. Nang muli niyang balingan ng tingin ito ay nakita niya na gumugulong ang dalawa sa damuhan. They were rolling back and forth while laughing super loud. Napakunot ang noo ni Dion. Ayaw niyang nadudumihan ang anak, kaya naman agad siyang bumabas at lumabas upang sawayin ang dalawa.
Ano ba ang tinuturo ng babaeng ito sa anak ko? He is pissed.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)
FanfictionTiming is one of the most crucial part of love. Minsan makakahanap tayo ng tamang pag-ibig, pero sa maling panahon. Sa gitna ng panganib sa kanyang buhay, Melody found herself loving Dion; a 32 years old bachelor with a 6 years old son. Pinilit ng...