Tama ba ang kanyang narinig? Maang na tinitigan ng dalaga si Dion. Ang puso ni Melody ay talaga namang nagwawala sa labis na kilig.
"S-someone like me? W-why?" ani niya pagkatapos ng mahabang katahimikan. Nakita niya ang pag ngiti ni Dion, at pagkatapos ay muling siyang tinitigan sa mga mata.
"Why not? You are pretty, you are kind, your are compassionate, you are very brave, witty, talented and intelligent. Nasa sa'yo na yata ang lahat. And I'm sure you will make one man lucky to have you someday." nakangiting sabi sa kanya ng lalaki. Ang kaninang kilig na naramdaman niya ay tila napalitan ng lungkot. Someone like me, but not exactly me. Yun ang pagkakaintindi ng dalaga sa sinabi ni Dion. Shocks! Bakit masakit? Pero wala siyang karapatan na maramdaman yun. Besides, hindi din naman siya naging tapat sa lalaki. Hanggang ngayon ay wala itong kaalam-alam sa tunay na dahilan ng kanyang paglisan sa Davao.
Oo, aminin niya na unti-unti nang nahuhulog ang kanyang loob sa lalaki. But she knows na walang patutunguhan ang kanyang nararamdaman. Unang-una, he still hasn't moved on. Pangalawa, meron din siyang sariling problema na kailangang harapin sa Davao.
Pakiramdam ng dalaga ay sasabog ang kanyang ulo sa pag-iisip. Tumayo si Melody, kailangan niyang iwasan at kalimutan ang nararamdaman. It's the rightest thing to do! Akma siyang lalakad palayo ng maramdaman niya ang pagpigil sa kanyang kamay ni Dion. Hinila nito pabalik ang kanyang kamay, at walang anu-ano ay kinulong siya sa mga bisig nito.
"Sheeeeeeyyyyyyymmmm!!!! Iiwas na nga ako eh, ano 'to? Parang mawawala na sa cage ang puso ko!!!" gulat na tili ng dalaga sa isip. She worried na baka marinig ng binata ang malakas na pagtibok ng kanyang puso dahil sa yakap na iyon. Naramdaman niya ang paghagod ng lalaki sa kanyang buhok. It feels so good she have to close her eyes.
"Thank you, Melody! I am so grateful, and I want you to know that I'll forever be around. I care for you, I really do. Thank you for being a good friend to me and to Sean..." his voice is full of emotions, hindi na namalayan ng dalaga ang pagtulo ng kanyang luha.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ang mga sumunod na araw ay naging napakasaya para kila Dion at Melody. Alam nang dalaga na soon, babalik na siya sa dati niyang buhay, but she can't help falling for the man. Yes, she's in love with Dion! Pilit niyang iniiwasan, but everyday, the guy is giving her more reason for her to fall in love more and more.
Pero sabi nga, not all goods things lasts. Galing ang dalawa sa pamamasyal kasama si Sean isang hapon ng abutan nila ang hindi inaasahang bisita-- si Elizabeth.
Tila tinuka ng ahas si Dion ng mapasukan sa kanilang sala ang babae na nakaupo sa couch, nakaupo naman sa tapat nito ang kanyang mama. Si Tita Gertrude ang unang nakabawi.
"Oh, nandito na pala kayo!" nakangiti nitong salubong sa kanila. Si Melody naman ay takang napatingin kay Dion. Anong nangyari dito? Parang kanina lang ay ang saya nila. Hindi niya maiwasang tapunan ng tingin ang babae na nakaupo sa loob ng sala. Napakaganda dito, tila isang Santa nung ancient time. Parang nakita na niya ang mukha ng babae. San ba niya ito nakita? Parang si.... Sean! Doon muling napatingin si Melody sa babae. Hindi kaya, ito ang ina ni Sean? Nasabi sa kanya minsan ni Aling Susan na kamukhang-kamukha ng bata ang kanyang mama.
"Melody, pwedeng iakyat mo muna si Sean sa taas? May pag-uusapan lamang kami!" narinig niyang sabi sa kanya ni Tita Gertrude. Tila natauhan naman ang dalaga na nilapitan ang bata na halata din sa mata ang pagtataka. Malapit na sila sa hagdanan ng salubungin sila ng babae. Parehas silang nagulat ni Sean ng bigla na lamang yakapin nito ang bata.
"Sean, ang laki mo na....." mangiyak-ngiyak na usal ng babae. Habang ang bata naman ay tila natakot. Marahas nitong itinulak ang babae, pagkatapos ay tumakbo at yumakap kay Melody. Ibinaon pa nito ang muka sa tiyan ng dalaga. Gulat na gulat ang estrangherang babae sa inasal ng bata. Akmang susundan nito si Sean nang dumagundong sa kabahayan ang tinig ni Dion na tila ngayon pa lamang nakabawi.
"Umakyat na kayo sa itaas, Melody!" naramdaman ng dalaga ang tensiyon sa paligid. Mabilis niyang inakay ang bata at marahang tinanguan ang babae.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ano kaya ginagawa nang babaeng yun dito?" maging si Aling Susan ay tila hindi mapakali. Mga trenta minutos na nang makaakyat silang dalawa ni Sean. Melody sigh! So, si Elizabeth nga iyon. Parang gustong mangliit ng dalaga. Why, she's really sooo very beautiful! Yung tipong pag hinanap mo ang definition ng "beautiful" sa dictionary, makikita mo dun yung pangalan at picture nung babae. Ganon ito kaganda!
Marahan niyang hinimas ang buhok ni Sean na nakatulog marahil sa pagod at takot na din. Higit sa lahat, sa bata at kay Dion siya nag-aalala. Ano na namang bang mangyayari sa bata? Lately bumabalik na ang ngiti nito, gumaganda na ang relasyon nito sa ama, ano kayang mangyayari sa pagbabalik na iyon ni Elizabeth. She close her eyes, hanggang sa hindi niya namamalayan na nakatulog na pala siya sa tabi ng bata.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"B-bakit ganun? Bakit hindi ako kilala ng anak ko, Dion?" may halos galit ang tinig ni Elizabeth. Inabot nito ang bag at kumuha ng sigarilyo. Sisindihan sana ito ng babae ngunit mabilis na nakuha ni Dion.
"Walang naninigarilyo sa bahay na 'to!" malamig na sabi ng lalaki sa dating kasintahan.Nakita niya sa sulok ng kanyang mata na tila natigilan ang babae, at pagkatapos ay ngumiti ng nakakaloko bago muling naupo sa couch.
"Why, di ka pa din nagbabago! You're still Mr. Clean." mapakla nitong turan na sinundan pa nang tila nakakainsultong halakhak.
Mataman itong pinagmasdan ni Dion. Ilang taon ba niyang pinangarap ang paghaharap na ito? Hindi na yata niya maalala! Nung una, pinangako niya na kung muli niyang makikita ang babae, yayakapin niya ito ng mahigpit at sasabihin na kalimutan na lamang nila ang lahat. Pero walang Elizabeth na dumating!
Nandiyang naisip din niya na sumbatan ang babae pag muli niya itong nakita. Isusumbat niya lahat ng sakit na kanyang naramdaman. Lahat ng paghihirap, kahihiyan na kanyang hinarap dahil sa pangloloko nito sa kanya.
But now, staring at her, wala siyang kahit na anong maramdaman. He isn't mad at her anymore, pero hindi din naman siyang masaya na makita ang babae. He feels nothing, but indifference towards the mother of his son.
"Cmon, stop beating around the bush, Elizabeth. Bakit ka nandito?" mahinahon ngunit matabang pa din niyang tanong sa babae. Si Elizabeth naman ay hindi mapigilan mapataas ang isang kilay. Si Dion ba talaga ang nasa kanyang harap? Ang lalaki na dati ay kulang na lang halikan ang kanyang paa sa sobrang pagmamahal sa kanya, ngayon ay halos ayaw na siyang tingnan? Ano't nagbago ang lalaki? She stood up slowly, nang-aakit.
"Hey, calm down! Why don't we talk first, you know, for old time sake!" buong tamis siyang ngumiti sa lalaki.
"We don't have anything to talk about, Elizabeth. And catching up are only appropriate for people with good memories. You, on the other hand, has nothing to offer but bad memories. So, please lang, just tell me why are you here?" parang gusto ng mainis nang lalaki sa inaasal ng babae. Bakit ba hindi niya nakita ang ugaling ito noon? She's manipulative, she's scheming.
"Okay then, yan ang gusto mo? I'm here para kuhanin ang anak ko. Hindi na ako magkakaanak, Dion. At binantaan ako ni Rod na iiwan kung hindi ko siya mabibigyan ng anak. Pumayag siya na kuhanin namin si Sean, at dalhin sa America....."
BINABASA MO ANG
Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)
FanficTiming is one of the most crucial part of love. Minsan makakahanap tayo ng tamang pag-ibig, pero sa maling panahon. Sa gitna ng panganib sa kanyang buhay, Melody found herself loving Dion; a 32 years old bachelor with a 6 years old son. Pinilit ng...