XXII

4.9K 149 9
                                    

Heto ka nanaman
Kumakatok sa aking pintuan
Muling naghahanap ng makakausap
At heto na naman ako
Nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang
Nagtitiis kahit nasasaktan

Ewan kung bakit ba
Hindi ka ba nadadala
Hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan nya
At ewan ko nga sa'yo
Parang bale wala ang puso ko
Ano nga bang meron siya
Na sa akin ay di mo makita

Kahit hindi nakikita ang luha sa mga mata ng dalaga, bakit pakiramdam ni Dion ay umiiyak si Melody? Her voice is just so emotional, and seems like talking to him.

Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko
Naghihintay lamang sa iyo

Melody could only hope that she is being able to send the thoughts of her heart to Dion through this song. Alam naman niyang walang patutunguhan ang kanyang nararamdaman. Ano nga ba ang laban niya kay Elizabeth? Bukod sa tunay na napakaganda ng babae, meron sila ni Dion ng isang magandang nakaraan; isang nakaraan na si Sean ang naging bunga. 

Hindi niya sanang gusto na dumilat, as it will just allow her tears to roll. Pero kailangan na niyang dumilat, her eyes are longing for his face. As soon as she opened her eyes, ang mga luha na kanina pa pinipigilan ay isa-isang pumatak. Then her eyes searches for him. Nandon ito, katabi si Elizabeth. He is staring at her. Napangiti ng mapakla si Melody. Baka siguro naaawa ito sa kanya kasi mukha siyang tanga sa stage na umiiyak mag-isa. Buong pagmamahal niyang tinitigan ang lalaki, as if dedicating the next lines of the song for him.

Heto pa rin ako
Umaasa ang puso mo
Baka sakali pang ito'y magbago narito lang ako
Kasama mo buong buhay mo
Ang kulang na lang mahalin mo rin akong lubusan.... 

Nakita niyang tila tatayo si Dion, na agad namang pinigilan ni Elizabeth. Pakiramdam ni Melody ay siya na ang pinaka-pathetic na babae sa buong mundo. How could she do this thing? Ni sa panaginip, hindi niya inisip na magagawa niya ito. Pero sino ba ang makakapagsabi kung ano pa ang kayang gawin ng isang tao para sa pag-ibig?

Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang iyong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko
Naghihintay lamang sa iyo.... 

Parang sasabog na ang puso ng dalaga sa sobrang sakit. Gusto niya sanang sabihin sa lalaki na siya na lang, na "ako na lang, Dion!" Ngunit paano ba niya iyon magagawa kung sa tingin niya, mula noon hanggang ngayon, si Elizabeth lang ang laman ng puso nito?

Ang mga tao naman ay dalang-dala sa pagkanta ng dalaga. If they only know na may pinatutungkulan ang awitin na iyon ng babae. Habang si Elizabeth naman ay lalong nag-ngitngit, buong akala niya ay magkakalat ito, but she didn't expected na magaling pala ang babae.

Nang halos hindi na makayanan ni Melody ang sakit, hininto niya ang pagkanta at dali daling bumaba sa stage. She almost trip down again, mabuti na lang ay maagap siyang nasalo ng lalaking bokalista. Inalalayan siya nito, at pinaki-usapan ang kanyang mga kabanda na sila muna ang tumugtog para mawala ang atensiyon ng mga tao sa babae.

Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon