XIV

5.4K 140 5
                                    

"We would like to extend our gratitude to everyone who come to this annual event. Sana po ay magkasama pa tayo sa susunod na taon. To end our event, inaanyayahan ko po kayo sa isang maliit na salo-salo later tonight. Let's celebrate the succesful event. Sana po ay makapunta kayo. Maraming salamat po!" isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng lahat nang matapos na magsalita ang principal ng eskwelahan.

"Papa, I'm going to say bye lang to my friends. Susunod na lang po ako sa inyo sa car." kahit sobrang nakakapagod ang maghapon para kay Sean, mababanaag pa din sa mukha ng bata ang labis na kaligayahan. At, masaya si Melody sa nakikitang kaligayahan ng munting kaibigan.

"Okay, sige, anak! But be fast ha. Pagod na si Ate Melody. Kailangan niya mag-rest for the party tonight." ginulo gulo ni Dion ang buhok ng anak, then gave his son a wink. Habang ang dalaga naman ay natigilan sa narinig. Party? Ibig sabihin pupunta sila sa party ng school tonight?

"Tara na? Sa car na lang natin hintayin si Sean." maya-maya lang ay baling sa kanya ng lalaki. Gusto niyang sabihin dito na hindi na naman kailangan na isama pa siya sa salo-salo mamaya, pero pinili na lang niya munang manahimik. Mamaya na lang niya kakausapin ang binata, for now all she wanna do is to rest and take a long shower. Pakiramdam ng dalaga, lahat yata ng muscles sa kanyang katawan ay sobrang nagamit ngayong araw na ito.

Nang makita niyang naglakad na ang kanyang amo, mabilis na tumayo si Melody. Nakaramdam siya ng konting pagkirot sa kanyang kanang paa, kaya naman paika-ika ang kanyang naging paglakad. Bagay na agad naman napansin ni Dion. Kaya naman nagulat na lamang ang dalaga ng huminto ang lalaki, at biglang naupo, patalikod sa kanya. 

"S-sir?" gulat na tanong niya nang makita ang ginawa ng kanyang boss.

"Come, ipapasan kita!" he gave a smile, at pagkatapos ay tinapik pa ang dalawang balikat. "Wait! Ano daw?! Ipapasan daw ako?" pakiramdam ng dalaga ay munti na namang natorete ang kanyang utak. Ngunit hindi pa gaanong nakakabawi si Melody sa kanyang pagkaka-torete ay bigla na lamang hinila ng lalaki ang kanyang kamay. She was obliged to wrap her arm around his shoulder dahil sa pagkagulat. Her body is shaking. Ano ba meron sa araw na 'to? National buhatan day ba? Aba! Kotang-kota na siya sa buhat ni Dion ha!

"E-eh, Sir, uhmm, ibaba nyo na lang po ako. Mamaya din naman po mawawala na yung sakit ng paa ko baka nabigla lang yung ugat. N-nakakahiya naman po sa inyo, baka po nabibigatan kayo sa akin. S-saka ka....."

"Ssshhhh! Don't worry about me. I know na sobrang pagod ka na, and it's all because of us. Saka ang gaan mo lang kaya, I think wala ka pa yatang 90 lbs. eh!" narinig ni Melody ang mahinang pagtawa ng lalaki.

"Ha! Ang yabang nito! Sexy kaya ako."

"Sexy ka diyan! Ang payat mo kaya. Dapat kumain ka ng madami tapos mag-vitamins ka para magka-korte naman yang katawan mo." muli na namang pangangasar ni Dion sa babae. He really like it pag naasar ito, she's just the cutest.

"Hmp! Yabang! Ibaba mo na lang nga ako, kapalit pala ng pagpasan mo sa akin ay ang pang-ookray mo. Tsssseeeeeee!" inis na turan ng dalaga, bagay na nagpalingon kay Dion-- ngunit dahil sa ginawang iyon ng binata, halos magdikit na ang kanilang mga mukha. Melody could smell his breath, ganon kalapit na ang kanilang mga mukha. Their eyes met. Mga ilang segundo din nagtagpo ang kanilang mga mata, bago unti-unting lumapit ang mukha ni Dion sa dalaga. Must be the happy atmosphere, pero pakiramdam ng binata, he should kiss the girl.

Habang si Melody naman ay nahigit ang hininga. Hahalikan ba siya ni Sir Dion? Yun ang nasa utak ng babae. Alam niyang kailangan niyang umiwas, but there's some powerful force instead that made her close her eyes as if that's the rightest thing to do at the moment.

"Papa!!! Ate Melo!!! Naunahan ko pa po kaya! I'm really fast!! ha ha ha ha"  tinig ni Sean ang nagpabalik sa dalawa sa kanilang mga huwisyo. Si Dion ay agad na inilayo ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga. Si Melody naman ay agad na nagmulat ng kanyang mata. Parang gusto niyang mapahiya sa naging reaksiyon. "What was that, Melo? Anong kalandian yun? Magpapahalik ka ba talaga sa lalaking yun? You don't even have your first kiss yet, pero magpapahalik ka ba talaga dapat sa isang lalaki na hindi mo naman boyfriend? Melody, tinapon mo na ba lahat ng values mo dahil lang sa gwapo 'tong amo mo?" kastigo ng dalaga sa sarili. She isn't the type to just give in that easy sa mga advances ng kahit na sinong lalaki. Oo nga't wala pa siyang first kiss. Maaring hindi pa siya nagkakaron ng first boyfriend, pero modesty aside, marami naman ang mga binatang nanliligaw sa kanya. At, kahit nga hindi naman siya lumaki na may kasamang ina, her dad made sure na na-instill nito sa kanya ang mga values na dapat meron ang isang babae.

And she was doing great in following all those things that her father taught her, not until few minutes ago. Pinakiramdaman ng dalaga ang lalaki. Busy na ito sa pakikipag-usap sa anak na tila walang nangyari. Nagpapasalamat na lamang siya na ganun nga ang naging kilos ni Sir Dion, kung hindi ay hindi niya alam kung paano pakikiharapan ang amo. "Kung hindi ka ba naman kasi kiri, Melo eh! Papikit-pikit ka pa. Kuma-Kathryn lang ang peg? For all we know, nadala lang yun ng moment! Tama! Nadala lang yun ng moment, he really didn't mean to kiss you. Wag kang bisyosa!" muli na naman niyang pagalit sa sarili.

Hanggang sa marating nila ang sasakyan ng binata at maging sa makauwi sila ay hindi na nagbanggit nang kahit na anong tungkol sa kamuntikang halik na iyon ang kanyang boss. She felt relief! At least hindi na kailangan pag-usapan, dahil in all honesty, she's feeling awkward.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Diretso agad ang dalaga sa kanyang silid. Hindi niya alam kung paano titingnan muli sa mata ang kanyang amo without remembering happened earlier sa school. She's just thankful na hindi na din siya pinigilan ng mag-ama. Sean just gave her a kiss on her cheeks. Habang si Dion naman ay tinanguan lang siya. May mumunting kirot na naramdaman ang dalaga sa naging reaksiyon ng binata.

Agad siyang nahiga at hindi na nag-abalang maligo muna. Bakit pakiramdam niya ay parang nasasaktan siya? Hay naku! Pati sarili niya hindi na din niya maintindihan. Hindi ba't dapat nga ay masaya siya na hindi na lang ini-open ng amo ang nangyari? At least, hindi awkward. Pero bakit nasasaktan siya? Dahil ba kasi parang nag-iba ang treatment nito sa kanya? He was warm the whole, not until that incident. Bigla bigla ay parang naging distant na naman ito sa kanya.

Hindi namamalayan ni Melody na nakatulugan na pala niya ang pag-iisip na yon. Mahihinang yugyog sa kanyang balikat ang nagpamulat sa dalaga. Si Aling Susan. Napabalikwas siya ng bangon nang tuluyan ng mamukhaan ang matandang babae.

"Eh, iha! Pasensya ka na at nagising kita ha! Pero si Dion ay pinapapagising eka ka. Kailangan mo pa daw maghanda sa parte nyo sa skul ni Sean." nakangiting sabi sa kanya ng mayordoma. Inabot niya ang cellphone na nasa kanyang gilid. Alas-5 na nang gabi. Mahaba na din pala ang kanyang naitulog.

"Party? Kasama daw po ako sa party?" ulit na tanong niya sa matandang babae para masigurado ang kanyang narinig.

"Oo, Iha! Hindi ka ba nasabihan ng batang yun? Siya ang nagpagising sa kin sa'yo. Kailangan mo na daw mag-prepare!" paliwang nito sa kanya.

"Ahh! Ganon po ba? Sige, pakisabi na lang po kay Sir Dion, mag-aayos na po ako at bababa na lang po ako." she tries her best to give her a smile, kahit pa sa loob loob ay gustong mag-ngingit ng kanyang loob. "Hmp! Balik na naman sa power tripping. Tssseee! Isasama ako sa party na hindi man lang tinatanong kung gusto ko bang sumama o hindi!!! Kuuuuuuu!" tili ng dalaga sa isip. 

Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon