XXIV

4.7K 140 3
                                    

Melody landed her feet sa kanyang lupang sinilangan, sa Davao. Pagkatapos siyang ipagtabuyan ni Elizabeth, magulong-magulo ang kanyang isip. Lahat ng gamit na dala dala niya noong dumating siya sa Maynila ay naiwan pa niya sa tahanan nila Dion. Ang tanging nadala lamang niya ay ang kanyang wallet, at ang suot na pares ng hikaw na hindi din naman biro ang halaga.

Inisip niyang mag-apply muli ng trabaho, o di kaya ay umupa muna ng maliit na kwarto sa isang mumurahing hotel. But, she knows na panandaliang solusyon lamang iyon sa kanyang problema. Sooner or later, kailangan din niyang harapin ang mga suliranin. At higit sa lahat, she have to see her dad, miski man lang kung nasaan ito nakalibing.

Melody inhale the fresh Davao air. Biglang pakiramdam ng dalaga ay gusto niyang umiyak. Buong akala niya hindi na siya muling makakabalik dito. Davao has always been home for her, pero bakit ngayon pakiramdam niya, something is missing? Or, is it someone? Melody shook her head! Hindi ito ang tamang panahon para abalahin pa ang sarili sa iba pang bagay bukod sa kanyang sarilining suliranin. Ang alam lang niya, halo-halo na ang sakit na nasa puso niya na hindi na niya sigurado kung nagpa-function pa ba ito.

Inayos ng dalaga ang suot na salamin sa mata at ang kanyang cap. She have decided na sa pulisya tumuloy. Kung talagang wanted siya gaya ng sabi nang mga taong pumunta sa bahay nila Dion, then isusuko niya mismo ang kanyang sarili sa mga ito. Gaya nga ng sinabi ng kanyang Daddy, trust no one! Kaya naman kailangan niya munang siguraduhin ang kanyang kaligtasan.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gulat ang lahat ng mga Kapulisan sa kanilang bayan ng dumating doon ang dalaga, at sinuko ang sarili. Dahil nga sa maliit lamang ang kanilang bayan, agad iyong kumalat sa mga mamayan hanggang sa mga karatig barangay.

Matapos kuhanan ng mugshot ang dalaga ay agad itong ipinasok sa loob ng kulungan. Hindi alam ng babae kung paano niya maipagtatangol ang sarili. Wala na siyang pera, hindi pa niya alam kung sinu-sino ang dapat niyang pagkatiwalaan. Pero teka, ang kanyang Tita Sylvia? Kailangan niyang malaman kung ano ang nangyari sa kanyang madrasta. Baka matulungan siya nito. Maaari din itong tumestigo at patunayan na magandan ang kanilang relasyon ng kanyang ama.

Pumikit ng mariin si Melody. Pakiramdam niya ay talagang mag-isa na lamang siya.

"Ms. Romero, may bisita ka!" narinig niyang sigaw ng hepe ng kapulisan. Takang napatayo ang dalaga. Sino ang maaring kanyang maging bisita? Puno ng pagtataka na tinungo ng dalaga ang visiting area. Isang matangkad na lalaki ang kanyang nakita. Sa tingin niya ay matanda lamang sa kanya ng ilang taon. The guy is so well-groomed. He's wearing a white long sleeve na naka-rolyo pataas. May itim din itong necktie.

"Miss Melody Romero? I'm Atty. Manolo Leda III." he extended his hand to her. Atubili naman itong tinanggap ng dalaga. Atty. Leda? She didn't expected him to be this young. Ang buong akala niya, matanda na ang sinasabing Atty. Leda ng kanyang Daddy. Although she never met Atty. Leda in person, madalas ay nababanggit ng kanyang ama na mabuti niya itong kaibigan.

"Uhmm, well, you're probably thinking na I'm too young to be Atty. Leda." napangiti si Melody nang tila nababasa nito ang kanyang nasa isip. Then she realized, ngayon pa lamang siya muling ngumiti after a couple of days.

"Yes, you're right, Atty. Leda! I pictured you as a man probably on his late 50's. I didn't thought that you're that young!" nakangiti niyang muling turan. Ang lalaki naman ay hindi na din napigilan na mapangiti. Inalis nito ang salamin sa mata, kaya naman lalong nakita ang pagka-tsinito ng abogado.

"Uhm, well, I didn't expected you to be this beautiful as well!" parang gustong matawa ni Melody. Kung sa iba pang pagkakataon, siguradong namula na siya sa papuring natanggap, pero paano niya magagawa iyon if she's currently behind bar. 

Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon