XXVII

5.1K 134 4
                                    

"Kanina pa may dalawang lalaki dito na paligid-ligid, nakakatakot!" pagbibigay alam ni Aling Susan kay Dion at Melody. Ang matandang mayordoma ang tila ninerbiyos. Parang gustong mahiya ng dalaga. Kasi if not for her, malamang hindi nagkakaron ng banta sa buhay ang tahanan na ito. Tila nabasa naman ni Dion ang kanyang nararamdaman, mariing pinisil ng binata ang kanyang palad.

"Hey, cheer up! Huwag kang mag-alala, bago lumipad si Mama papuntang Japan, she made sure na protektado tayo dito. Hindi sila makakapasok sa bahay na 'to, this ain't Davao, hindi na ito sakop ng kanilang kapangyarihan." his words are giving her assurance. Ngumiti si Melody. Alam niyang hindi hahayaan ng lalaki na may mangyari sa kanya. She trust him, miski ang kanyang sariling buhay ay ipagkakatiwala niya sa binata. He is her superman!

Nang kinatanghalian ay nagpaalam si Dion upang tumungo sa Camp Crame. Ayon sa binata, he will ask for further assistance sa kakilala ng kanilang pamilya na isang general. Nangako naman ito na babalik kaagad, at sinigurado nito sa kanya na safe sila sa loob ng bahay. Nakita niyang may dalawa pa ngang dagdag na security guard upang magbantayNang tuluyan ng makaalis ang binata ay inabala ng dalaga ang sarili sa pagtuturo kay Sean ng homework nito. Lumipas ang isang oras ng ipaalam sa kanya ni Aling Susan may babaeng naghahanap sa kanya. Kinabahan si Melody. Sino ba ang maghahanap sa kanya?

"Sino daw po siya?" hindi maiwasan ng dalaga na kabahan.

"Eh, Tita mo daw siya, Tita S-sylvia?" ani ni Aling Susan. Nanlaki ang mata ng dalaga ng marinig ang pangalan ng kanyang madrasta. Buhay ang kanyang Tita Sylvia, buhay siya! Patakbong tinungo ni Melody ang gate. Nakatayo doon ang kanyang Tita Sylvia, pasugod niya itong yinakap. Hindi niya mapigilan na maiyak. Buong akala niya pati ito ay pinatay na din ni Tito Art.

"Okay lang! Kilala ko siya. Tita ko siya!" pigil niya sa mga guard ng akmang pipigilan ang kanyang madrasta. Her Tita Sylvia has always been very good to her. In fact, itinuring siya nito na hindi na iba. Ito ang tumayong pangalawa niyang ina. Minahal siya nito na parang tunay nitong anak.

Muli silang nagyakap ng tuluyang makapasok sa kabahayan. Ubod ng pagmamahal na yinakap siya ng kanyang madrasta.

"Princess, I'm so happy to heard that your safe!" masaya nitong turan sa kanya.

"Oh, Tita! Masaya din po ako na you are safe. Buong akala ko, pinatay ka na din ni Tito Art." she paused. "T-tita, wala po akong kasalanan sa pagkamatay ni...."

"Ssshhh! I believe you! Sinabi na sa akin ni Atty. Leda ang lahat. Sa kanya ko nga nalaman kung nasaan ka." masuyo nitong hinaplos ang kanyang buhok. Napapikit si Melody. Gustong-gusto niya dati kapag hinahaplos ng kanyang Tita Sylvia ang kanyang buhok, agad siyang nakakatulog.

"Mabait po si Atty. Leda! Siya ang tumulong sa akin na makalabas sa kulungan." nakangiti niyang paliwanag sa madrasta.

"Talagang mabait ang mga Leda. They've been very good to our family. Pero anak, maging sila ay ginigipit ni Arthur. Kaya ako nagpunta dito. Ayaw ipaalam sa'yo ni Manolo dahil baka maghinala ka, pero nasa kamay nila Arthur ang matandang Leda, ang Papa ni Manolo. Sa tingin ko, Manolo made an agreement kay Art ka na nito sa kanya oras na matagpuan ka nito." sukat sa sinabi ni Tita Sylvia ay hindi maiwasan ng dalaga na kutuban. Kanina pa nga ay may mga lalaking nakitang paligid-ligid sa kabahayan ng mga Mercado, paano malalaman ng mga ito kung nasaan sila, eh si Atty. Leda lang naman ang may alam kung saan siya nagkukubli? Nagkamali ba siya ng pinagkatiwalaan?

"P-pero po ang s-sabi ni Daddy, sa kanila lang ako dapat magtiwala..." sapo ng dalaga ang kanyang ulo na pakiramdam niya ay mabibiyak na sa sobrang sakit. Nilapitan siya ng kanyang madrasta at hinagod hagod ang kanyang likod.

Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon