XIII

5.2K 137 5
                                    

Magkasabay na naglakad ang tatlo sa gitna. Lahat ng makakakita sa kanila ay talagang iisipin na they are one happy, complete family.

"Sean, ang pogi ng Papa mo! Ang ganda din ng mama mo." masayang salubong sa bata ng isang kamag-aral na kasama din ang mga kanyang mga magulang. Melody flushed. Pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang mukha sa narinig na papuri. She expecting either Sean or Dion to correct the kid, but neither of them speaks. The more na lalong ikinapamula ng mukha nang dalaga. How could the kid thought of her to be Sean's mom and Dion's wife?

"Pero sabagay ha! Di na sila lugi sa akin. Cute ko kaya, sabi ng Daddy ko! He he he" pangungumbinsi niya sarili. Nakita niyang binuhat ni Dion ang anak sa kanang bisig, ngunit hindi niya inaasahan ang sumunod na ginawa ng lalaki. Inabot nito ang kanyang kanang kamay, and hold it tight. Nanlaki ang mga mata ni Melody, when she look at his way, ni hindi man lang ito nakatingin sa kanya, bagkus ay busy itong makinig sa sinasabi ng emcee sa harapan habang nagpapaliwanag sa mechanics ng game. Dahan-dahang tiningnan ng dalaga ang kanilang mga kamay na magkahawak. Gosh! His hand fits perfectly on her. Like it is destined to intertwine.

"Lord Jesus, grabeeeeeeeee! Promise po konti lang po ang kilig ko. Hmm, okay fine, overload kilig!!! Bakit parang may electric current akong nararamdaman? Sheeeyyyyyyyyymmmmmm! Ano ba 'to?" tili ng kanyang isip. When she glanced up, sakto naman na tumingin sa kanya ang lalaki. He smiles. And then she melt again. Pakiramdam ni Melody ay hindi na niya naririnig ang ingay sa paligid sa sobrang lakas ng kabog nang kanyang dibdib. Feeling niya mawawala na sa cage na kinalalagyan ang kanyang puso.

"Mr. and Mrs. Mercado!" naramdaman niya ang marahang paghila sa kanyang kamay ng lalaki as the emcee called his surname. Siya? Mrs. Mercado?!?

"Melody Mercado!! Sabagay ha, sounds good." muli na naman niyang usal sa sarili. Naramdaman ng dalaga na pinakawalan ng lalaki ang kanyang kamay at marahang ibinaba ang anak. Doon pa lang nag-stable ang paghinga ng babae, but she has to admit, nakaramdaman siya ng kahungkagan when Dion let go of her hand. Ngunit pinilit na lamang iyong ignorahin ng dalaga.

Nagsimula ang paper dance contest. Tumugtog ang isang bagong dance music sa ere. Nakita nilang nagsayawan ang lahat. Si Dion ay nakatayo lamang at bahagyang ginalaw galaw ang kanyang ulo, while Melody isn't really sure what to do. Huminto ang tugtog. They step inside the newspaper. Nang muling tumugtog, Sean immediately fold the paper into half.

Sa pangatlong beses ay tila ginaganahan na si Melody, at dahil talagang likas na competitive-- pati ang pagsasayaw ay kinarir na nang dalaga. Naiiling si Dion habang pinapanuod ang babae. Nandiyang nagsasayaw ito na mala-Sexbomb. Itinaas pa nito minsan ang kamay at inikot-ikot habang sumasayaw pababa. Amused na amused si Dion sa dalaga. She looks silly, but in a super cute way! Hindi mapigilan ng binata na tumawa ng malakas sa kakulitan ng kasama.

The way she talks, she's like an old soul trapped in a young woman's body. Minsan gusto niyang paniwalaan na 40 na ang babae. But then again, tuwing makikita naman niya ang kakulitan nito, parang hindi naman ito 23 years old. She looks like a 7 years old girl, minsan nga ay mas makulit pa kay Sean.

Nang muling huminto ang tugtog, Sean folded the paper again. Kasya na lamang ang isang paa ng lalaki kung titingkayad siya. He immediately removed his shoes, at pagkatapos ay walang anu-anong mabilis na pinasan si Melody. Hindi naging mahirap para sa lalaki dahil sa tangkad nitong 6'1, maning-mani lang para sa kanya na buhatin ang 5'3 lamang na si Melody.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Habang ang dalaga naman ay lubhang ikinagulat ang nangyari. She just found herself on his arms again. Hawak nito ang kanyang mga binti. He carried her like a sack of rice. Naramdaman niya na medyo nanginig ng kaunti ang amo, marahil dahil sa pagtingkayad sa isang napakaliit na papel.

"5, 4, 3" narinig niyang pagbibilang ng emcee. Ang ibang mga magulang ay nagsimula ng maglaglagan hanggang sa dalawa na lamang na pares ang matira sa gitna, sila at ang magulang ng kaklase ni Sean na nag-akalang siya ang Mommmy nito.

"2!" pakiramdam ni Melody ay napupunta na ang dugo sa kanyang ulo. Pero hindi iyon ang kanyang inaalala. Ang nagpapakabagabag sa kanya ay ang pagkakalapit muli ng kanilang katawan ni Dion. She can smell his manly smell, and the perfume that he used. So intoxicating, ngunit masarap naman sa ilong.

"1!" bago pa matapos ang pagbibilang ay hindi na kinaya ng isang pares at tuluyan na itong nabuwal.

"Yehey!!! We won, we won!!" narinig niyang tili ni Sean na masayang tumalon talon pa. Mabilis na inilapag ni Dion ang babae.

"Nanalo tayo!!! HAHAHAHAH!" masayang masayang sigaw din ni Melody na agad na yumakap sa binata. Mabilis naman siyang kinarga nito, but this time, holding her from her waist at inangat siya sa ere at inikut-ikot pa.

"Yeah! We won!!! HAHAHAHAH!" ani ni Dion. Pakiramdam ng binata, ngayon lang pa lamang siya ulit naging ganon kasaya. He could hear her laughter, and honestly, it's like a music to his hears. Tila nakalimutan ng dalawa na may ibang tao sa paligid, and when they realized that there are still people around them, doon pa lamang sila parang natauhan. Nang tumigil sa pag-ikot si Dion sa dalaga, lahat ng tao ay nakatingin na sa kanila, even Sean.

Nagkatinginan ang dalawa, at pagkatapos ay marahang ibinaba si Melody.

Isang malakas na "UYYYYYYYYYYYYY!!" narinig nila mula sa mga tao. Dion just smiles, pero nang balingan niya ang babae, he saw her blushed. Pulang-pula ang mukha ng dalaga.

"Hey, are you blushing, Melody?" he teasingly asked her. Tila lalo yata iyon ikinapamula ng mukha nito. 

"Ewan ko sa'yo, Sir! Saka Melo na nga lang po, Melody kayo ng Melody eh!" she pout pagkatapos ng ilang sandali ng tuluyan na itong makabawi. She heard Dion chuckle.

"Ayoko nga ng Melo! I like your name, Melody." he sincerely utter then met her gaze.

Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon