XVI

5.1K 158 10
                                    

Madami ang pumuri sa dalawa as they finally enter the school and settle on their seats. Si Sean naman ay di matatawaran ang saya. The kid is very happy na kahit man lang ng gabing iyon, pakiramdam niya ay buo ang kanyang pamilya.

Nang matapos ang lahat kumain ay muling umakyat sa stage ang principal. She greeted everyone, at pagkatapos ay inihayag na kung maari ay magkaron ng isang number ang bawat magulang sa magiging program nila tonight. Maang na napatingin si Dion kay Melody. Prod number? Anong alam niya doon?

"Oh, bat ganyan mukha mo, Sir?" bulong ng dalaga sa amo nang mapansin ang tila pagkabalisa nito.

"Prod number daw! Eh, anong gagawin natin? I can't sing, I can't dance. I'm sure ikaw din. So, should I tell the principal that we won't participating anymore?" ganting bulong sa kanya ng lalaki. Ngunit bago pa siya nakapagsalita ay narinig na nila si Sean na kausap ang ilang mga kamag-aral.

"I'm sure we will have the best performance. Sabi ng daddy ko, we're the team to beat!!" buong pagmamalaki na turan ng mga bata sa mga ito. Kung siya lang ang tatanungin, ayaw na rin niya sana to perform in front of the crowd. Hindi dahil sa kung a"no pa man, kundi dahil nag-aalala siya sa maaaring isipin ng mga tao. Sabi ng principal, mga magulang! Eh sino lang ba siya? Yaya siya ni Sean, hindi Nanay. But could she break his heart? Nakita niyang akmang tatayo si Dion, marahil para kausapin ang principal, ngunit maagap niyang pinigilan ang lalaki. She hold his arm tight. Gulat na napalingon sa kanya ang binata.

"S-sir, k-kung g-gusto nyo, I will accompany you na lang! Ang saya ni Sean eh, balato na natin sa kanya 'to." mahina niyang usal. Dion look at the girl, her eyes have so much love and compassion for his son na gustong matunaw at maiyak ng binata. Paanong may isang tao na ganito magmahal para sa kanyang anak? Pagmamahal na ipinagdamot miski ng sarili nitong ina. Atubili siyang bumalik sa pag-upo.

"Are you sure? Bukod sa pagiging gwapo ko, di ako masyadong talented." biro niya sa dalaga.

"Wow ha! Ang humble mo din ngayon. Try mo naman ding hindi maging humble." she teasingly rolled her eyes. Narinig niya ang mahinang pagtawa ng lalaki. Ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay agad na sumiryoso.

"So, what are we gonna do?" mahihimigan na naman sa tinig ng binata ang pag-aala. Melody smiles ear to ear.

"Watch and learn!" she smirk and then gave him a nod as if saying, "akong bahala sa'yo!" Naiiling na lamang ang binata.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Okay, we may call on Mr. and Mrs. Mercado!" isang masigabong palakpakan ang sumalubong sa dalawa. Kung kanina ay sobra ang confidence ni Melody, bigla siyang inatake ng nerbiyos as she heard the emcee calling them as Mr. and Mrs. Suskowww! Naging instant Mrs. Mercado na naman siya. "aarte ka pa ba?" tila nakakalokong tanong ng alter ego ng dalaga sa kanya.

Siyempre naman, choosy pa ba siya? Ang gwapo kaya ng "mister" niya. But still, nahihiya pa din siya to be called Mrs. Mercado kahit pa nga na she likes how it sounds. Kung magiging Mercado siya, sana ay sa tamang paraan, sana ay.... Melody shook her head! Ano ba pinag-iisip niya?

Naramdaman niya ang pag-akbay sa kanya ni Dion nang nasa stage na sila. Melody feels like her heart beat became unstable. Hindi siya kinakabahan sa gagawing prod number, she's more nervous dahil sa akbay na naman na iyon ng lalaki. His touch just never fails to give her that warm, fuzzy feeling.

Inabot ng dalaga ang gitara na nasa stage. Kanina ay pinakiusapan niya si Dion to ask the personnel if meron silang gitara, agad naman na pinakuha iyon sa music room ng mga bata. She adjust the guitar's capo, then look at Dion.

Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon