"This is soooo fun, Ate Melo!" masayang sigaw ni Sean habang pagulong-gulong silang dalawa sa damuhan.
"Siyempre naman! Lahat ng action stars, cool! Kaya cool din tayo!! Yeaaahhh!" sagot naman ng dalaga. Nagyaya kasi ang bata na maglaro sila pagkatapos niyang mag-breakfast. Gusto sana ni Sean na maglaro sila ng computer game. But she intead suggested na maglaro sila ng street games.
"Street games?" tila takang taka na tanong sa kanya ng bata. Mataman itong pinagmasdan ni Melo. Sinisigurado kung hindi ito nagbibiro na hindi alam kung ano ang street games.
"You mean, hindi ka naglalaro sa labas, Baby?" she asked nang masigurado niyang hindi talaga ito nagbibiro. Magkasunod itong umiling na naka-pout pa ang mga labi. "Ganun? Eh bakit di ka naglalaro?" muli niyang tanong pagkaraan ng ilang sandali.
"Ayaw ni Papa! Ayaw niyang madumihan ako! Saka pag napiwasan daw ako, baka magkasakit pa ako." inosente nitong sagot sa kanya. Hindi alam ng dalaga kung ano ang dapat maramdaman. Oo nga at talaga naman maari kang magkasakit kung matutuyuan ng pawis dahil sa paglalaro, but then, playing outside is what make anyone's childhood much memorable.
Ang Daddy man niya ay protective din sa kanya nung siya ay bata at maliit pa. She's his princess. But, he always allow her to play outside, makipaglaro kasama ang ibang bata maging ang mga anak ng kanilang mga tauhan. He allow her to get dirty, to stumble, to hurt her knees. Lagi na tuwing lalapit siya sa kanyang daddy na umiiyak dahil sa pagkadapa, he would just kiss her wounds tapos parang magic na biglang nawawala yung sakit. Melody felt like there's a huge lump on her throat as she remembers her daddy. Siguro lumaki nga siyang walang kinagisnang ina, but her daddy's love filled everything she could be missing. Pakiramdam nga niya, sobra sobra pa! Lumaki siyang puno ng pagmamahal.
She blink her eyes couple of times para mapigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo sa kanyang mata. She misses her daddy so much, but now isn't the time to be so dramatic. Pinilit niyang ngumiti at muling humarap kay Sean.
She tells him about her happy childhood. Ang paglalaro niya sa labas kasama ang kanyang mga kaibigan. Nakita niya ang pagningning ng mga mata nang bata. He really looks so amused and interested sa mga kwento niya. He wanted to try the drop and roll game where-in they will pretend to be superhero, ngunit atubili ang bata nung una.
"But what if I get dirty? My Daddy won't be happy about it!" malungkot nitong sabi na tila nawala ang excitement na nararamdaman. Nilapitan ito ni Melo at ginulo-gulo ang buho.
"Then I will give you a bath! Problema ba yun? You can always take a bath after!" nakangiti niyang assurance sa bata. Sukat sa kanyang sinabi ay muling nagliwanag ang mukha ni Sean.
Habang naglalaro ay talaga namang masayang-masaya ang bata. Parang ngayon lang nakawala sa kwadra. He is laughing as if there's no tomorrow. Masaya naman si Melody na marinig ang tawa nito.
"Hey, what do you think you two are doing?!!" gulat na gulat na magkasabay na lumingon ang dalawa sa pinagmulan ng tinig. Si Dion ang nakita ng dalaga. Nakatayo ito few inches away sa kanilang dalawa ni Sean, and base on the look of his face, Melody knew she's in trouble again.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Ano? Uulitin ko pa ba? Anong ginagawa nyong dalawa?" tila kulog na gumuhit ang tinig nito, which scares Sean. Mabilis itong sumiksik sa dalaga. Naramdaman ni Melody ang panginginig ng bata.
"Uhmm, drop and roll, Sir! Sali po kayo?" she grinned; hoping it will cool down Dion's head.
"Don't try to be funny!!" seryoso pa ding sabi nito sa dalaga.
"Eh hindi naman po ako nagpapatawa, Sir! Drop and roll po talaga ito. Sinagot ko lang naman po ang tanong nyo."
"Shut up!! Who do you think you are?" gulat na napatanga si Melody sa amo. She didn't expect him to raise his voice that loud. Oo nga't may pagka-masunget ang amo, but she never thought that he could be this rude and scary.
Binalingan nito ang anak, "Sean, anong sabi ko sa'yo? Di ba ayokong nagdudumi ka!! Why are you not listening to me?" bulyaw ng lalaki sa bata, dahilan upang lalo itong matakot at magsimulang umiyak.
"Umakyat ka sa kwarto mo, now!!!!" muli nitong sigaw. Nanginginig na tumayo ang bata, maagap itong tinulungan ni Melody.
"You don't have to shout to Sean! There's no need naman eh. Pwede mo naman siyang pagalitan na hindi ka sumisigaw." mahinahon niyang pangangtwiran habang inaalalayan si Sean. Inis na binalingan siya ni Dion na salubong ang makakapal na kilay.
"Don't tell me what and how to discpline my son! Yaya ka lang dito!"
"Aba teka nga! Sumusobra ka na ha! Sandali nga...." hinarap niya ang bata na nakayakap pa din sa kanyang bewang. She cupped the kid's face and made him met her gaze, "Sean, umakyat ka na sa kwarto mo ha!" magtutuos lang kami nitong gwapo nga, pero sobrang sama namang ugali mong Papa.... gusto sanang idagdag ng dalaga, but she just instead gave him a smile. Ayaw niyang marinig ng bata ang kanyang mga sasabihin. Ganun din kasi ang kanyang papa sa kanya, he sheltered her sa mga ganitong pangyayari.
Nang tuluyan ng makapasok sa kabahayan ang bata ay taas noon niyang hinarap ang lalaki.
"Ano po bang problema nyo sa akin, Sir? Alam ko naman kung ano lang ako dito sa pamamahay nyo, kaya hindi nyo na kailangang ipamukha sa akin. Akala ko nung una, masunget ka lang talaga eh, pero hindi ko akalain na mapagmataas ka pala. Na hobby mo pa lang ipamukha sa isang tao ang posisyon niya.
Pasensya na po kung nadumihan si Sean. Pero gusto ko lang naman na maglaro siya, maglibang siya. Bakit, Sir, when was the last time na nakipaglaro kayo kay Sean?" nakita niya na saglit na nagbago ang reaksyon ng binata. Hindi niya alam kung namamalikmata lamang siya, but she saw pain crossing Dion's eyes. Ngunit kagyat din itong nawala ng muli itong tumingin sa kanya. Blanko muli ang ekspresyon nito.
"Wala kang alam! Please don't talk as if you knew everything around here." mahinahon ngunit mariin pa din nitong sabi sa kanya. Saglit na natigilan si Melody. Bakit pakiramdam niya ay may pain ang bawat salitang binitawan ng lalaki? Or, nag-i-imagine na naman ba siya?
"Siguro nga, wala akong alam, Sir! But if there's one thing na alam ko ngayon ay concern ako kay Sean. At ang pagkakaron niya ng takot sa'yo ay hindi maganda."
"Why, what's wrong with that? Hindi ba dapat meron talagang kinakatakutan ang isang bata para gawin niya ang mga tama?" mabilis nitong sagot sa kanyang mga sinabi.
"Takot? Hindi ba pwedeng sa pagmamahal mo disiplinahin si Sean? Hindi maganda ang takot, doon nagsisimula na magtago ang mga bata. Mas maganda siguro na maging kaibigan ka ng anak mo. Iparamramdam mo sa kanya na pwede niyang sabihin lahat sa'yo. Na hindi mo man maintindihan sa una, pipilitin mong unawain siya. And that in you, he have a friend! Di ho ba mas maganda ang ganon, Sir Dion? Love is better than fear. Excuse me po!" yun lang at tuluyan na itong pumasok sa kabahayan. Habang si Dion naman ay naiwan na natitigilan. Ayaw man niyang aminin, pero tama ang babae. Sa pag iintindi niya ng sariling sugat, he forgot being a father to his son. For the longest time, akala niya sapat na naibibigay niya ang lahat sa anak.
Melody's question echoed on his ears once again, "when was the last time na nakipaglaro kayo kay Sean?" Kelan nga ba? He sighed! Miski siya hindi na matandaan....
BINABASA MO ANG
Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)
FanfictionTiming is one of the most crucial part of love. Minsan makakahanap tayo ng tamang pag-ibig, pero sa maling panahon. Sa gitna ng panganib sa kanyang buhay, Melody found herself loving Dion; a 32 years old bachelor with a 6 years old son. Pinilit ng...