"Good morning, Baby! Breakfast is ready!" hindi makapaniwalang binalingan si Melody ng tingin ni Sean nang maabutan nila si Dion sa dining room. He is wearing a red apron sa ilalim naman ay puting t-shirt at naka-itim na shorts. Napalunok ang dalaga. Normally, feminine ang dating pag may suot ng apron, but Dion broke all those rules. He is extremely sexy!
"Ang sarap naman ng "breakfast" tuuuuuuuuu!" bulong ni Melody sa sarili. "Aba, Melody! Ang landeh mo yata this morning! Kung anu ano iniisip mo. Magtigil ka nga diyan." ngunit maya maya lang ay pagalit niya sa sarili. Alam niyang kailangan niyang alisin ang tingin sa lalaki, but she feels like na-glue ang mga mata niya dito. Kung hindi pa hinila ni Sean ang kanyang kamay ay may pakiramdam siya na hindi siya makakagalaw sa kinatatayuan.
"Ate Melo! Breakfast is ready na daw po." narinig niyang sabi ng bata. Tila doon pa lamang niya naalala na kasama pala niya ang bata. "Teka lang naman, Sean! Parang mas masarap pa sa breakfast na nasa table ang papa mo eh!"
yun ang nasa isip ni Melody, but then she chose to just zip her mouth. Ngumiti na lamang siya kay Sean at nagpaubaya na lamang na hilahin siya nito paupo sa mahabang dining table. Agad na sinalubong ni Dion ang anak at masayang kinarga at dinala sa isa sa mga upuan na nakapalibot sa mesa."Arrgghhh! You're so heavy na pala, baby!" kunwari ay nahihirapan ito habang inilalapag ang bata. Bagay na nagpahagikgik dito. Hindi maiwasan ni Melody na mapangiti. Masaya siya na makita ang magagandang kislap sa mga mata ni Sean. Akmang uupo na sana siya sa tapat ng alaga nang pigilan siya ni Dion.
He instead pulled a chair sa tabi ni Sean, "Mmm, you can sit here, Melody!" pakiramdam ng dalaga ay lumipad siya sa outer space as he utter her name.
"Sheeeyyyyyyymmm! Ngayon ko lang na-realized na ang ganda pala ng pangalan ko! Melody! Waaaaaaaa I used to hate my name, pero bakit parang gumanda nung si Dion ang bumanggit. bwahahahahah!" muli na naman usal ng dalaga sa sarili.
Kahit pakiramdam niya ay lumulutang pa din siya, she obliged to sit. Nakita niya na naupo na din ito sa tabi ni Sean. Ang seating arrangement nila ay si Dion, si Sean at siya. Kung may ibang makakakita na hindi sila kilala, iisipin ng mga ito na they are one big happy family. Gustong matawa ni Melody sa naiisip, "Asa ka pa, Melo!" panonopla niya sa mga kung anu-anong bagay na nasa kanyang isip.
"Tikman mo 'tong special fried rice na 'to, Baby! I cooked this for you." nilagyan ng lalaki nang fried rice ang pinggan ng anak. Nakita ng babae na tila kinilig ang bata.
"Dama kita diyan, Sean! Nakakakilig naman talaga yang Papa mo." tili na naman ng dalaga sa isip. Nagulat na lamang siya ng biglang lagyan din ng fried rice ng lalaki ang kanyang pinggan, at pagkatapos ay tipid siyang nginitian.
"Ayyyyyy! Ano kayang nakain nito ngayon? Kailangan malaman ko para maluto ko araw-araw. HAHAHAHAH! O, baka naman, Lord Jesus, nagmimilagro po ba kayo? End of the world na po ba? waaaaaaaaa! Baka naman panaginip lang 'to." marahan niyang sinampal sampal ang sarili habang nakapikit. Only to see both Dion and Sean looking at her when she open her eyes. They are looking at her as if she's some kind of weird creature.
"What are you doing, Ate Melo? Why are you hurting yourself?" takang tanong sa kanya ng bata. Si Dion naman ay halatang nagpipigil ng tawa.
"Ha?! Ano kasi, ano 'to! Facial exercise, Sean! Pampaliit ng mukha, you know. He he he!" paliwanag niya sa dalawa at pagkatapos kunwari ay pinagpatuloy ang ginagawa. Sukat sa narinig ay hindi na napigilan ni Dion ang mapatawa. Why, the girl looks so silly but in a cute way! Si Melody at Sean naman ngayon ang nagkatinginan.
"Why?" tanong ng binata habang hindi pa din mapigilan ang pagtawa. Pakiramdam niya ay magla-lock jaw na siya because of too much laughing.
"B-because you're laughing, Papa!" matapat na sagot ni Sean sa kanya. Unti-unti nawala ang pagtawa ni Dion sa narinig. Ganon na ba siya katagal na hindi tumatawa kaya naman his son already find it strange?
"Why, baby, ayaw mo bang tumatawa si Papa?" ginulo gulo niya ang buhok ng anak. Pinaalala niya sa sarili na dalhin na sa barberya ang anak, mahaba na ang buhok nito.
"Of course not, Papa! I like you laughing. I like seeing you happy." masaya nitong sagot at buong pagmamahal na yumakap sa kanya. Pakiramdam ni Dion ay may mainit na kamay na humaplos sa kanyang puso. He can't help but to cry. Nakalimutan niyang kung may nawala man, may mga tao pa na lubos na nagmamahal sa kanya, isa na doon si Sean. Iniabutan siya ni Melody ng tissue. He sincerely smile at her, at pagkatapos ay inabot iyon at bahagyang pinunasan ang mga luhang naglandas sa kanyang mga mata. Babawi siya sa anak! He will make up for every time they lost.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)
FanfictionTiming is one of the most crucial part of love. Minsan makakahanap tayo ng tamang pag-ibig, pero sa maling panahon. Sa gitna ng panganib sa kanyang buhay, Melody found herself loving Dion; a 32 years old bachelor with a 6 years old son. Pinilit ng...