"Come in, Iha!" narinig ni Melody ang tinig ng Tita Gertrude pagkaraan ng kanyang tatlong katok sa pinto. She inhale again before pushing the door. Nakita niyang nakaupo ang matandang babae sa swivel chair, sa harap naman nito ay nakaupo si Dion. And he isn't smiling!
"Maupo ka, iha!" itinuro nito ang upuan sa tapat ng lalaki. Napalunok si Melody. Pakiramdam niya ay pinatawag siya sa principal's office at itong lalaki na 'to ang nagrereklamo sa kanya. She have never been to the any principal office because of an offense. Never, mabait kaya siyang estudyante, bukod sa talagang takot siya na ma-principal's office. Ngunit ngayon, naisip niya na ganon marahil ang pakiramdam na may nagawang mali at pinatawag ng principal. Nakaka-kaba!
She sat in front of the guy, na hindi man lang nagtaas ng tingin. He was just staring sa coffee mug na nasa harapan nito, as if trying to find answers there.
"Well, pasensya ka na sa nangyari, iha!" sabi ni Tita Gertrude pagkaraan ng ilang saglit na katahimikan. Sukat sa sinabi ng ina ay marahas na nag-angat ng tingin ang lalaki sa harapan.
"But, Ma? Why are you saying sorry to her?" maagap nitong protesta.
"Dionisio!! Di ba napag-usapan na natin 'to? She is a woman, hindi ka niya kilala. Normal reaction yun na ipagtanggol ang sarili niya!" mariin ngunit malambing na turan ng matandang babae sa anak. Parang gustong matawa ni Melody nang marinig ang tunay na pangalan ng lalaki. Dionisio, kaya naman pala Dion ha! Tsee! Ang baho pala ng pangalan mo. hmp!
"Eh kasi naman, bakit dun niya kailangan matulog sa kwarto ni Sean? And besides, Ma, kung nakita ko siya, I won't even attempt to make a pass on her kasi...."
"Stop it, Dion! Hindi kita pinalaki ng ganyan, iho!" nagpalipat-lipat ng tingin ang dalaga sa mag-ina. Hindi niya alam kung ano ang iisipin. She is very grateful that Tita Gertrude is on her side, pero di rin niya maiwasang mainis dahil pakiramdam niya ay allergic sa kanya ang lalaki.
"Okay, I'm sorry, Mama! But, I don't want to argue with you. Ayokong ipagkatiwala ang anak ko sa hindi natin kilala. Ni hindi nyo man lang hiningian yan ng police clearance. For all we know, modus operandi nila yang pagtulong na yan para makapasok sa bahay ng mga bibiktimahin nila.." lintanya ng lalaki. Nanlalaki ang mata na napatingin si Melody dito.
"Aba! Sobra na talaga 'to. Chaka na nga tingin sa akin, mukha pa akong kasama sa budol budol gang ang peg ko? This ain't right anymore!" muling naisip ng dalaga, kaya naman hindi na niya natiis na hindi magsalita.
"Ah, mawalang galang na nga po! I'm sure ako yung tinutukoy mo, noh? Well, hindi ako miyembro ng budol budol gang. Ang hard mo magsalita ha! Sa cute kong 'to? Hellooo? And your mom almost had a heart-attacked, ano plinano ko din na atakihin sa puso si Tita Gertrude?" binalingan niya ang matandang babae na tila nangingiti sa isang tabi.
"Ang weird ng mag-inang 'to! Naisip ng dalaga. Yung anak, bwisit sa akin! Yung mudra, parang nag-e-enjoy na sinasagot ko yung anak niya! Weirdos!!" tumikhim ito ng mapansin ang pagtitig niya. Kaya naman nagpatuloy siya sa pagsasalita.
"Pasensya na po ha, Tita! Kaya lang masama ang tabas ng dila nitong anak nyo eh. Bakit ba parang inis na inis ka sa akin? Okay, sorry sa nagawa ko kanina! Pero nagawa ko lang naman yun kasi hindi naman kita nakita nung dumating ako. It wasn't my intention to make a scene." she exclaims. Ngunit to her surprise, imbis na sumagot ang lalaki ay mabilis nitong tinakpan ang kanyang bibig gamit ang hintuturo.
"Sssshh! Ang daldal mo. Sobrang ingay mo! Your voice is just irritating." usal nito na kinapanlaki ng kanyang mata. May sasabihin pa sana siya ng pumagitna na muli si tita Gertrude sa kanilang usapan.
"That's enough bago pa kayo magpakapikunan! Dion, I understand your concern. But, you know how good I am in assesing people. And my gut is telling me that Melody here is a good person. I will make a compromise to you, iho! Let her stay for a month, if she prove that she's trustworthy, ipangako mo na hindi ka na aalma na magiging regular na employee na natin siya. Deal?" Tita Gertrude flashes her sweetest smile. Ngiti na alam niyang hindi matitiis ng kanyang anak. Her son could be anything, but he is such a loving son.
Ilang buntong-hininga ang pinakawalan ng lalaki na tila labag sa loob ang narinig, ngunit mabilis din namang umayon pagkaraan ng ilang sandali.
"Alright! But, don't blame me if something bad happen, ok? I am telling you, this girl is no good." tila sumusuko nitong usal at pagkatapos ay mabilis na tumayo palabas ng library. Nakakailang hakbang pa lamang ito ng muling tawagin ng kanyang mama,
"Dion, iho! May nakakalimutan ka yata?" ani ni Tita Gertrude na inusli ang nguso. Mabilis itong bumalik at binigyan ng isang halik sa noo ang kanyang mama.
"Good night, Ma! I'll to you again tomorrow. I'm so tired!" he whisper. Kung sa ibang pagkakataon ay mapapangiti si Melody sa nasasaksihan. She always find it sweet when a guy loves his mom so much. Kaso wrong timing, bwisit din siya sa harap harapang panglalait ng lalaking ito sa kanya.
Ha! Tomorrow is another day. And she have a feeling na Dion Mercado will make her stay here difficult. Napabuntung-hininga na lamang ang dalaga sa naisip.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)
FanfictionTiming is one of the most crucial part of love. Minsan makakahanap tayo ng tamang pag-ibig, pero sa maling panahon. Sa gitna ng panganib sa kanyang buhay, Melody found herself loving Dion; a 32 years old bachelor with a 6 years old son. Pinilit ng...