VIII

5.4K 145 2
                                    

Urong sulong si Dion sa tapat ng kwarto ng anak. Pagkatapos na mawala ang galit, napag-isip isip niya na tama si Melody. Love is so much better than fear. Ano bang nagawa niya? Sa kagustuhan niyang wag maalala ang ina ni Sean, ang babaeng kanyang unang minahal, lumayo siya sa anak. Kamukhang kamukha kasi ng dating kasintahan ang bata! He is her spitting image, so to say! At sa tuwing makikita niya si Sean. he reminds him of every pain she brought to his life.

Mahina siyang kumatok. I think it's time to just lick his own wounds without blaming the world for his pain. Ngunit nang ikatlong katok na wala pa ding nagbukas, marahan niyang pinihit ang doorknob. Hindi iyon naka-lock! He slowly open the door. There he saw Sean sleeping, beside him is Melody. Magkayakap ang dalawa. Pakiramdam ng binata ay may isang kamay na humaplos sa kanyang puso. Halata sa bata ang pagkasabik nito na may katabi matulog. He couldn't even remember when was the last time na tumabi siya dito na matulog. Mataman niyang pinagmasdan ang anak. He looks so peaceful and feeling comfortable beside that girl. Which is weird, cause if there's one thing na nakuha sa kanya ng anak, iyon ay ang hindi pagiging masyadong friendly. Like him, they don't trust immediately. Pero nagtataka siya kung bakit napaka-bilis na nagtiwala ng dito, which is really weird, dahil siya ay mainit ang dugo sa babae. O, baka dahil lang galit siya sa mundo, pati ito ay nadamay sa angst niya sa buhay.

Napadako ang tingin niya sa mukha ng dalaga. Ngayon niya lang 'to napagmasdan ng lubusan. Cute talaga 'to ha! She have a heart shaped face na may kaliitan. The jaw line though is really so obvious. Cute ang labi nito, parang laging naka-pout. She has a face na akala mo laging nakangiti at tila walang problema. Nasa ganon siyang pag-iisip ng mapadako ang kanyang tingin sa binti ng babae. Mabilis niyang iniwas ang tingin doon. He instead look for a blanket, kinumutan ang dalaga at pagkatapos ay lumabas na nang kwarto.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Si Melody naman ay tila naalimpungatan. Bahagya pa siyang nagulat ng makita ang kumot na nakabalot sa kanya. Sa naalala niya, she turn off the aircon kaya naman hindi na siya nagkumot.

"Hmm, baka nagising si Sean. Oh well!" mataman niyang pinagmasdan ang bata. Kanina ay nakatulog ito na lubhang malungkot. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng awa dito. She knows how it feels na walang nanay. Pero pinilit naman iyong punan ng kanyang daddy. Samantalang ang batang ito, tila laging walang time para sa kanya ang kanyang papa. She sigh! Gustong-gusto niyang tulungan si Sean, yet she has her own battle to face, bukod pa sa pakiramdam niya ay talagang mainit ang dugo sa kanya ng ama nito.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

(DAVAO)

"Ano nang balita? tanong nang nasa kabilang linya kay Art. 

"Hinahanap na si Melody ng mga tauhan ko! Don't worry, she'll be in our hands lalo ngayon na pinaghahanap na siya ng mga pulis." nakangising sagot ng lalaki.

"Siguraduhin mo lang, Hernan! Kailangan mahanap ang batang yun bago pa siya makapagsalita sa mga nakita niya." mariin na usal nang nasa kabilang linya.

"Sinabi ko nang wag kang mag-aalala. I will handle everything! Di niya tayo matatakasan. At lalong hindi niya matatakasan ang batas." sukat sa sinabi ni Art ay sabay na humalakhak ang dalawa.

Nang gabing tumakas si Melody, yumao na din ang ama nitong si Hernan. Pinalabas nila na ang dalaga ang siyang salarin sa pagpanaw nito. Binayaran nila ang ilang mga tao upang magbigay ng salaysay sa mga awtoridad. They made it appear na matagal ng may hindi pagkakaunawaan ang mag-ama na ang dahilan ay ang kagustuhan ni Melody na magsarili at umalis na sa poder ng kanyang papa. Naging kapani-paniwala ang lahat. Now, even the authority is after her. Alam ni Art na kung hindi sila, ang mga pulis ang unang makakahanap sa dalaga.

"Pasensyahan na lang tayo, Melody! Anak ka ni Hernan, at nakita mo pa ang lahat kaya naman damay ka na din dito." bulong ni Art sa sarili.

Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon