XIX

4.9K 143 9
                                    

Hindi malaman ni Dion kung matatawa o ano sa narinig. Is she even serious? Hindi na napigilan ng binata na humalakhak. That's the most stupid thing he heard for this year.

"What's funny?"  takang tanong ni Elizabeth sa dating kasintahan na wala pa ding humpay sa pagtawa. Naiiling na tumingin sa kanya ang lalaki, na patuloy pa din sa pagtawa.

"Are you kidding me? Mawawala ka ng anim na taon, then bigla ka na lang babalik dito, ia-announce mo na kukuhanin mo si Sean dahil kasi hindi ka magkaanak at binabantaan ka ng asawa mo na hihiwalayan? Saan na napunta ang utak mo, Elizabeth?" hindi pa din makapaniwala na sabi ng binata.

"B-akit hindi? May karapatan din ako sa anak ko, Dion! At sa ayaw at gusto mo, kukuhanin ko ang anak ko." Elizabeth raised her voice. Doon pa lang tumigil sa pagtawa ang lalaki.

"Karapatan? Well, I have some news for you, Elizabeth. Tinapon mo na lahat ng karapatan na meron ka kay Sean nung iniwan mo ang anak mo. You can try getting him, but you have to fight me! Dadaan ka sa ibabaw ng aking bangkay." mahinahon ngunit mariin na usal ni Dion. Sukat sa kanyang sinabi ay napaatras ang babae. Nawala na yata talaga ang pagmamahal ng lalaki sa kanya. Sa totoo lang, nandito din siya dahil nagbabakasali siya na muli siyang tatanggapin ni Dion. Kasal siya kay Rodrigo, ang matanda ngunit mayaman na producer na kanyang sinamahan ng iwan niya ang lalaki at ang kanyang anak.

Akala niya, magiging masaya siya sa piling nito. Oo nga't naiibigay nito lahat ng kanyang gusto sa aspetong materyal, pero unti-unti din itong nagbago. Lalo nung siya ay umidad na. Hindi iilang beses na nalaman niyang may karelasyon ito na mas bata, mas maganda, mas kaakit-akit sa kanya. Doon niya pinagsisihan ang pag-iwan kay Dion. Hindi siya naging masaya. Lalo pa siyang tuluyang nalugmok sa kalungkutan ng malaman sa kanyang doktor na may tumor siya sa matris. She underwent an operation. Isang operasyon na naging dahilan ng kanyang pagkaalis ng matris. Dahil din sa operasyon na yun, ipinaalam sa kanya ng kanyang dokot na hindi na siya maaring magkaanak kailan pa man.

Pero sa nakikita niya ngayon, tila malabo na siyang makabalik sa buhay ng kanyang mag-ama! Dion obviously have moved on. Bagay na nakakapagtaka. Paanong mangyayari yun? Sinigurado niya na updated pa din siya sa buhay ng lalaki, at wala siyang nalaman na naging nobya nito, kaya naman inisip niya na siya pa din ang minamahal ni Dion after all this time.

But seems like she's wrong! Dahil kung pagbabasehan ang pakikitungo nito sa kanya, sigurado siyang may iba nang minamahal ang binata.

"Pwes, kukuhanin ko si Sean hanggang sa mapilitan kang muli akong tanggapin!" hiyaw ni Elizabeth sa isip. Mabilis siyang tumakbo paakyat sa hagdanan na lubhang ikinagulat ng lalaki.

"Sean, Sean, anak! I'm your mom! Sean!!" hiyaw ni Elizabeth. Ang unang pinto ng silid na kanyang napasukan ay walang tao.

"Hey, wag kang mag-eskandalo dito!" pilit na pinipigilan ni Dion ang dating kasintahan. Ngunit tila wala itong balak na magpaawat. She seems determine to look for their son. Hanggang sa nakarating ito sa harap ng pinto ng silid ng anak, she open it harshly. Maagap itong napigilan ng binata, ngunit napansin niya na natigilan ang babae. Nilingon ng lalaki kung saan nakatingin si Elizabeth-- there he saw Sean sleeping so peacefully, beside him is Melody. Magkayakap ang dalawa.

Pakiramdam ni Dion ay muling may humaplos sa kanyang puso sa nakikitang ayos ng dalawa. Ngunit tila nakabawi na si Elizabeth at determinadong kuhanin ang anak. Akmang lalapitan nito ang anak ng biglang may marahas na humila dito palabas ng silid ng bata. Maging si Dion ay gulat na napalingon-- ang kanyang Mama, si Gertrude.

"Sige, subukan mong guluhin ang apo ko! Kakasuhan kita ng tresspassing. Tao ka naming tinanggap dito, magpakatao ka din." mariin na bulyaw ng matandang babae kay Elizabeth na halata sa mukha ang gulat. Maging ang ina ni Dion ay kilala niyang mahinahon. Ngayon lamang niyang narinig na nagtaas ito ng tinig.

"I-im sorry, Tita! Gusto ko lang makausap ang anak ko." tila natauhan na paliwanag nito sa matadang babae.

"Naiintindihan kita! Pero hindi sa ganitong paraan. For now, umuwi ka muna kung saan ka tumutuloy. Bumalik ka dito bukas pag kalma ka na. You have my word." ngayon ay mahinahon na ang matandang babae. Saglit na nag-isip ang babae. Kung gusto niyang makapasok muli sa buhay ng kanyag mag-ama, hindi niya dapat galitin ang matandang babae. Alam niya kung gaano kalaki ang impluwensiya nito kay Dion.

"O-okay, Tita! I will go for now. Babalik na lang po ako bukas." mahinahon na niyang usal. She kiss the old woman. She's about to give Dion a kiss pero mabilis na umiwas ang lalaki. Tila napapahiyang tinungo ng babae ang kanyang sasakyan.

"You'll be mine again, Dion! You'll see..." bulong ni Elizabeth sa isip.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Gaya nga ng inaasahan ay bisita ulit nila ang babae kinabukasan. Habang naghihintay ito sa sala, binibihisan naman ni Melody si Sean. Si Dion naman ay tahimik na nakasandal sa pader ng kwarto ng bata. Kung siya lang, ayaw na sana niyang pagdaanan ito ng anak. Bakit kailangan pa nitong makilala ang kanyang ina? Hindi ba't iniwan na sila nito? But, sinabi sa kanya ng kanyang ina na huwag ipagkait sa bata ang karapatan nito na makilala ang totoong ina. He contemplate sa mga sinabi ng kanyang mama. And eventually, he decided that she has a point. Gagawin niya ito upang maging buo ang pagkatao ng kanyang anak.

"Eh sino ba siya, Ate Melo?' narinig ni Dion na tanong ng kanyang anak sa babae. Tinapunan siya ng tingin nang babae habang sinusuklay ang maikling buhok ng bata. Her eyes are asking him permission kung siya ba ang sasagot sa tanong na iyon ni Sean. He nod.

"Sean, yung magandang babae sa ibaba, siya ang Mommy mo. Di ba ang ganda nya, noh?" she tries her best to sound so cool, kahit pa pakiramdam niya, her voice is trembling.

"M-mommy ko? Eh san siya nanggaling? Bakit ngayon ko lang siya nakita?" tila naguguluhan na tanong ni Sean sa babae.Nakita ni Dion na lumuhod si Melody sa harap ng kanyang anak at pagkatapos ay masuyong hinawakan ang mukha ng bata.

"Eh hindi mo siguro maiintindihan sa ngayon, Sean! Maybe when you grow up a little more. Pero for now, di ba dapat you are happy na nandito ang Mommy mo? Ako nga walang mommy eh, di ko nakilala ang mommy ko, kaya dapat masaya ka." muli niyang paliwanag dito. She saw him pout. At pagkatapos ay mabilis siyang yinakap. Mag-ama nga, mahilig bigla na lamang mang-yakap! sabi ni Melo sa sarili.

"But I already have you, Tita Melody!" maya maya ay usal ng bata. Nagkatinginan sila Dion at Melody sa sinabi ni Sean.

"W-well, hmm, p-ero h-hindi mo naman a-ako Mommy! She's your mom. Hindi ka ba masaya na makikilala mo ang mom mo?" she stammered. She's seriously lost for words.

"Uhmm, masaya! But I'm happier when I'm with you and Papa." muli na namang pahayag nito. Dion can't help smiling! Ano nga ba ang sabi nila? Hindi nagsisinungaling ang mga bata! Napagpasiyahan niyang lapitan ang anak. Lumuhod din siya ay yinakap si Sean at Melody.

"Shoooccckksssssssss! Ano 'to? We're one big happy family?" nagtumitili na naman si Melody. Ano ba 'tong mag-ama na 'to? Ang su-sweet!!!

"Sean, me and Tita Melody are always here for you! We love you. But your mom wants to meet you. I hope you'll give her a chance." paliwanag ng binata habang kulong pa din sa kanyang bisig ang dalawa. Tila nakakaintindi namang tumango tango ang bata.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, kanina pa pala sila pinagmamasdan Elizabeth. Nainip kasi siya sa paghihintay sa ibaba kaya napagpasiyahan niyang akyatin na ang anak. At ito nga ang tagpo na kanyang naabutan. Hindi siya maaring magkamali. The way Dion look at that girl, ganun ganon siya dating tingnan ng lalaki.

"So, siya pala ha? I need to get rid of her! Siya ang sagabal sa pagbabalikan namin ni Dion. Sagabal para maging isang masayang pamilya kami kasama si Sean." ngit-ngit na bulong ng babae sa sarili.

Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon