XXV

4.9K 162 9
                                    

Tahimik na naghihintay si Melody sa sala ng mga Mercado. Mula sa Davao ay lumipad sila pabalik sa Manila, dahil na rin sa suhestiyon ng kanyang abogado.

Sa naman library ay nag-uusap sila Mam Gertrude at Atty. Leda. Pinapaliwanag ng abogado sa ginang ang mga pangyayari, at upang makuha ang mga gamit na kanyang naiwan sa tahanan nito kasama na ang gitara.

Hindi mapakali ang dalaga. Alam niyang maaring sumungaw sa pinto o bumaba mula sa kanyang silid si Dion. Paano niya papakiharapan ang lalaki? But she have to admit, kahit na nagtatampo siya, she misses him so much.

"So, the murderer is back! Anong ginagawa mo ditong kriminal ka?" agad na nag-angat ng tingin ang dalaga sa pinagmulan ng tinig. Si Elizabeth, as usual, she's all dolled up! Hindi mo yata makikita ang babae na hindi nakaayos eh.

"I-i'm not here para manggulo. May kailangan lang kaming kuhanin at aalis na din kami." mahinahon na paliwanag ng dalaga kay Elizabeth. Narinig niya ang paghalakhak nito na puno ng pang-uuyam. Hindi niya maintindihan kung bakit napakainit ng dugo ng babae sa kanya.

"Aba! Hindi ka lang din pala murderer, magnanakaw ka na din pala. At anong nanakawin mo sa bahay na 'to?" pagpaparatang nito sa kanya. Nais ng magpantig ng tenga ni Melody sa mga naririnig, but as much as possible, kailangan niyang pigilan ang sarili. Hindi niya gusto na patulan ito, after all, ina pa din ito ni Sean. And she love the kid!

Akma niyang tatalikuran na lang sana ang babae nang mabilis nitong hilahin ang kanyang braso. Napalakas ang hila ng babae kaya naman bumagsak sa sahig si Melody. Gulat na gulat ang dalaga sa ginawa nito.

"Ano bang problema mo, Elizabeth? Wala naman akong ginagawang masama sa'yo ha! Ano bang pinuputok ng butse mo sa akin?" pigil pa din ang galit na tanong niya sa babae. Kaya niyang tanggapin lahat ng sasabihin nito, pero ang muli siyang saktan ay tila sobra na yata. Pinagpagan niya ang sarili at tumayo.

"Anong problema ko? Ikaw ang problema ko! Dahil patuloy mong nilalandi si Dion. You are acting as sweet, innocent girl pero isa ka pa lang mamatay tao, kriminal! I knew it, nung una pa lamang kitang makita, I know you're a bad news." ano ang sinasabi nito? sinong nilalandi niya? That would be the last thing na gagawin niya nung mga araw na iyon. Falling in love with someone would be the last thing na maiisip niya, moreover, ang landiin ang lalaki. But it just happen! Nangyari na lang.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo, wala akong nilalandi!" mariin niyang sagot sa akusasyon ng babae. Muli na naman itong humalakhak ng nakakaloko.

"Ah talaga? Anong akala mo sa akin, bobo ha? Alam kong mahal mo si Dion." natigilan si Melody. Sa aspetong yan, she's guilty! Totoong mahal niya ang lalaki. Bagay na agad napansin ni Elizabeth, bagay na tila lalong nagpagalit dito.

"O, hindi ka makasagot, di ba? Kasi tama ako! Malandi ka! Kung wala ka sana, dapat nagkabalikan na kami ni Dion. Dapat hindi ko na kailangan pang gamitin si Sean para muli siyang bumalik sa akin.Oo nga't ang unang pakay ko dito ay kuhanin ang anak ko para mapaligaya ang matanda kong asawa, pero nang muli kong makita si Dion, nagbago na ang isip ko. Mas gusto ko na ngayon na mabuo ang pamilya ko. Na maging akin na ulit si Dion, kahit pa ibig sabihin nun ay gamitin ko ang anak ko para muli siyang makuha!" Melody can't believe what she's hearing.

"P-pero di ba kasal ka na? May asawa ka na!" 

"Boba ka talaga, noh? Matanda na iyon, malapit nang mamatay. Pag nakuha ko ang kayamanan niya, pwede na kaming magsama ni Dion. We can live a happy life, kaso lang nandiyan ka eh! Sagabal ka sa pagmamahalan namin!" muli na namang mariin na sabi ni Elizabeth. Pakiramdam ni Melody ay nagtayuan lahat ng kanyang balahibo sa narinig.

"Alam mo, Elizabeth, you don't deserve to have a family! You don't even deserve na magkaroon ng asawa. You are selfish, a scheming bitc!!. Maging ang sarili mong anak kaya mong gamitin para lang makuha ang gusto mo. God, you're a monster! Hindi ko maintindihan kung paano kang minahal ni Dion. You clearly don't deserve him, not even Sean. You know what you deserve? You deserve to be alone!" hindi niya napigilan na ibulalas lahat ng nasa kanyang puso. Sukat sa kanyang sinabi ay akma siyang sasampalin nito, ngunit maagap iyong naiwasan ng dalaga. Pero tila determinado si Elizabeth na masaktan siya, kaya naman muli nitong sinubukan na saktan siya--- only to hear Dion's voice roaring on the air--

"Tumigil ka, Elizabeth!" magkasabay nilang nilingon ang pinanggalingan ng tinig. Nakatayo si Dion sa harap ng pinto, nasa tabi nito si Sean na umiiyak. Hindi malaman ni Melody kung ano ang gagawin. And damn it! Nanlalambot na naman siya makita lamang ang binata.

Si Elizabeth naman ay tila biglang umamo. From a tigeress, bigla itong naging isang tila maamong tupa. Mangiyak-ngiyak pa nga ito na lumapit sa dalawa. Nang hahawakan sana nito ang anak, mabilis na tumakbo si Sean papunta kay Melody at mabilis na yumakap sa babae. Naguguluhan man ay lumuhod na lang din ang dalaga at yinakap ang bata. She misses this lil guy so much.

"D-dion! I-it's not my fault! Siya kasi eh, sinugod niya ako. She tried hurting me, kaya naman lumaban ako. Murderer talaga ang babae na yan na yan. I think we should call a police!" ani ng babae sa malambing na tinig. Sinubukan nitong yakapin ang binata, ngunit maagap nito na marahang itinulak ang babae. Gulat na napatingin si Elizabeth sa lalaki.

"Stop the act, Elizabeth! Narinig namin ang lahat, narinig namin ni Sean. And if I were you, aalis na ako dito bago ko makalimutan na babae ka!" mahinahon ngunit may pagbabanta sa tinig ng binata. Si Elizabeth naman nagulat sa kanyang inasal, ngunit pagkaraan lamang ng ilang saglit, agad itong nakabawi.

"Kung papaalisin mo ako, isasama ko ang anak ko!" pagbabanta nito at tinungo ang kinaroroonan ng bata na agad nagtago sa likod ni Melody.

"O sige, tanungin mo ang bata kung kanino niya gustong sumama! Sean, kanino ka sasama?" binalingan ni Dion ang anak.

"Mommy,I'm sorry po pero di ako sasama sa inyo. I love you, but you've hurt me. Kay Daddy lang ako, and I want Tita Melody to be my mommy!" ani ng bata habang humihikbi. Nagalit si Elizabeth sa narinig. Pasugod nitong hinila ang braso ng bata na nagpa-aringking sa sakit dito. Dadaluhan sana ni Dion ang anak ngunit naunahan siya ni Melody. She quickly grab Elizabeth's hair, and pull her away from Sean. Kinaladkad nito ang babae palayo sa bata.

"Ikaw babae ka, matagal na akong nagtitimpi sa'yo eh! Sumusobra ka na. Pati anak mo sasaktan mo? Hindi kinaya ng kapal ng make-up mo ang kapal ng mukha mo eh, noh?!" pinilit na inaabot ni Elizabeth ang buhok ni Melody pero lubhang malakas ang dalaga. Itinulak nito palabas ng pintuan ang babae.

"Humanda ka sa akin! Pagsisihan mo ang ginawa mo sa akin!"

"Bahala ka sa buhay mo! Bumili ka ng kausap mo." sarcastic na bulyaw niya sa babae. Mabilis itong sumakay sa kotse at pinaharurot palayo ang sasakyan.

Mabilis na binalikan ni Melody si Sean nang masiguradong nakalayo na si Elizabeth.

"Nasaktan ka ba, Sean?" nag-aalala niyang tanong sa bata. The kid smiles, bittersweet. Alam niyang nalulungkot din ito sa pag-alis ng ina. Yinakap niya ito, hindi niya maintindihan kung paanong nakakaya ni Elizabeth na ipagpalit ang batang ito sa pansariling mga pangarap.

"Sean, umakyat ka muna ha, Anak! Magpahinga ka muna." muntik ng mapatalon ang dalaga ng marinig ang tinig ni Dion. For few minutes, nakalimutan niyang naroroon din pala sa paligid ang lalaki. Melody feels like her heart beat fasten. Nagririgodon na naman ang kanyang puso, she is losing breath, and she's shaking. Mula noon hanggang ngayon, ganoon pa din ang epekto ng binata sa kanya.

Bumitaw ang bata mula sa kanyang pagkakayakap, and planted a kiss on her right cheek, pagkatapos ay tumakbo na paakyat sa kanyang silid. An awkward silence! Hindi alam ni Melody kung ano ang gagawin. Unti-unti siyang tumayo. When she turn around to face Dion, hindi niya namamalayan na nakalapit na pala ito sa kanya. Now, he is just few inches away from her.

"H-hi!" he greeted her with that husky, masculine voice. Whooo! She misses that voice. She's been longing to hear that voice. 

"Melody, we're done!" sasagutin pa lamang ng dalaga ang pagbati ni Dion nang sabay silang mapalingon sa pinanggalingan ng tinig, si Atty. Manolo Leda III. He is smiling like the usual! Tinapunan ito ng tingin ng babae, but when she turned to look at Dion, madilim ang mukha nito.

Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon