XXIX

5.7K 148 4
                                    

Tahimik na pumasok sa isang malaking warehouse sila Dion, Atty. Manolo Leda at Elizabeth. Ingat na ingat ang tatlo na makagawa ng kahit na anong ingay.

"Mga hayup kayo! Ako lang kailangan nyo, di ba? Palayain nyo na ang bata." sabay sabay silang nagkatinginan ng marinig ang tinig ni Melody. Kumuha ng bakal na pamalo si Dion, habang ang abogado naman ay inilabas ang lisensiyado nitong baril. Tinungo nila ang pinang-galingan ng boses ng dalaga.

Nakita nila si Melody na nakatali ang mga kamay, habang nasa tabi nito ang umiiyak at takot na takot na si Sean. Napansin din nila ang mga pasa sa mukha ng dalaga. Nagtiim ang bagang ni Dion. Pakiramdam niya ay gusto niyang pumatay dahil sa nakikitang ayos ng babaeng minamahal. Susugurin na niya sana ang kinaroroonan ng dalawa ngunit maagap siya napigilan ni Manolo. Umiling ang abogado bilang pagtutol sa kanyang ano mang gagawin. 

"Hahanap tayo ng tiyempo!" bulong nito sa kanya. Nakakaintinding muling bumalik ang binata sa kanyang kinauupuan. Nakita nila ang isang babae at isang matandang lalaki, hula ni Dion, ito si Sylvia at Art. Hinila ng babae ang buhok ni Melody. Kitang-kita ng binata ang pag ngiwi ng dalaga sa sakit.

"I'm afraid you're not in the position to give us command, my dear stepdaughter!! Kami ang masusunod dito. Pero sige, pagbibigyan kita. Papakawalan ko ang batang 'to, kung ibibigay mo sa amin ang kailangan namin. Nasaan ang mga susi sa safety deposit ng Daddy mo?" mariin na tanong ni Sylvia kay Melody.

"Sinabi ko na ngang wala sa akin! Naibigay ko na kay Atty. Leda, at sigurado akong ngayon, pinaghahanap na kayo ng mga awtoridad. Kaya sumuko na lang kayo, mga demonyo kayo!!!" matapang na sigaw ng dalaga sa madrasta. Tumawa ng malakas si Sylvia, at pagkatapos ay malakas na sinampal ang babae, kaya naman napasigaw si Sean sa takot.

"Bad ka! You're a witch. Wag mong saktan si Ate Melody. Bad ka, bad ka, bad!!" umiiyak na sigaw ng bata kay Sylvia, bagay na lalong ikinatawa ng babae. Akma nitong sasampalin din ang bata ng mabilis na naiharang ni Melody ang sarili, kaya naman ang dalaga ang sumalo ng sampal ng kanyang stepmother. Napapikit si Dion sa kanyang kinatataguan, gusto na niyang magwala sa sobrang galit. Nakita niyang lumakad si Manolo sa kabilang side, sinenyasan siya nito na manatili sa pwesto. Nakuha niya na kailangan nilang maghiwalay ng pwesto.

"Wow! Acting like a real mother ha! I'm impressed! Kung sabagay, balita ko ay mayaman at gwapo ang tatay ng batang 'to. I won't be surprise kung binigay mo na ang sarili mo sa lalaking yun. I knew it, you're just like your mom. Santa pa kunwari, santa santita!!" pakiramdam ng dalaga ay kumulo ang kanyang dugo pagkarinig sa tinuran nito laban sa kanyang Mommy. Matagal ng nanahimik ang kanyang Mommy, at hindi ito ganong klaseng babae. Her mom is known for being kind, beautiful, and classy. Everything this woman in front of her is not. Kaya naman ng niyuko siya ulit ng babae ay hindi na niya napigilang duraan ito sa mukha.

Nanlaki ang mata ng babae sa kanyang ginawa, ngunit lubha ding nagpagalit sa kanya. Si Art ay agad na kumilos at hinila si Sean. Si Elizabeth ay lumabas mula sa pinagtataguan ng makita ang ginawa ng lalaki. Mula sa pinagtataguan ay napanganga sila Dion at Manolo sa ginawa ng babae. 

"Hoy, teka nga! Di ba yang babaeng yan lang naman ang kailangan nyo? Bakit pati anak ko dinadamay nyo?" sigaw ni Elizabeth sa mga ito. Ngunit agad din itong napatigil ng makita ang dalawang goons na nasa likod ni Sylvia. "Akala ko mga pulis Davao kayo?" turo nito sa dalawa na agad nag-ngisian.

"Well, what do we have here? Sino naman 'to?" baling ni Sylvia sa dalawang tauhan.

"Eh, Mam, yan po yung asawa ni Mr. Mercado. Siya din yung tumawag sa amin para ipaalam kung nasaan si Ms. Romero." sagot ng isa na kamukha ni Max Alvarado. Nagtatanong ang mga mata na napatingin si Melody sa babae. Akala niya, Elizabeth could be so mean, but she didn't expected that she would go this low.

"A-akala ko p-pulis kayo eh!" Elizabeth stammered. Sabay-sabay na nagtawanan ang apat. Tuluyan na nitong nakuha ang atensiyon ng mga ito kaya naman sinamantala iyon nila Manolo at Dion. Tahimik na lumapit si Dion sa likod ni Melody na nagulat ng may biglang humawak sa kanya. When she saw Dion's face, pakiramdam ng dalaga ay gusto niyang bumunghilit ng iyak. Inilagay ng binata ang isang daliri sa tapat ng bibig, like telling her not to make any noise. She non.

"HAHAHAHAH! Maganda ka sana ha, boba ka lang!" sigaw ni Sylvia sa babae pagkatapos nitong tumawa ng pagkalakas-lakas. Ikinagalit iyong ni Elizabeth ang marahas na itinulak si Sylvia, akma itong sasapakin ni Art ng mabilis na pinalo ng hawak na bakal ni Dion ang matandang lalaki. Bulagta si Art. Ang lalaking kamukha ni Paquito Diaz ay agad na inilabas ang baril at itinutok kay Dion, pero isang putok ng baril ang umalingawngaw sa ere, galing iyon sa baril ni Manolo.

Tinalon ni Dion ang isa pang lalaki. Habang si Melody naman ay hinila ang buhok ni Sylvia. Pinilit lumaban ng nabiglang babae, pero dahil nga mas bata ang una ay napahiga na lamang ito sa lapag. Nakita nang dalaga ang baril na nahulog ni Art, mabilis niya itong kinuha at itinutok kay Sylvia.

"Sige, iputok mo! Kaya mo?" Sylvia grinned. Isang nakakalokong ngisi. Melody hold the gun so tight, nanginginig siya sa galit. Ito ang babaeng pumatay sa kanyang Daddy, it would have been fair if she shoot her, too.

Ngunit pagkaraan ng ilang saglit ay marahan niyang ibinaba ang baril. Umiiyak siyang umiling!

"Ano hindi mo kaya?!" sigaw ni Sylvia sa dalaga.

"Hindi ko gagawin dahil sa hindi ko kaya! Pero dahil ayokong maging katulad mo. Kung papatayin kita, ano na lang magiging pinagkaiba ko sa'yo? I won't be like you! Ayokong maging katulad mo. Batas na ang bahala sa'yo!!" mariin niyang sigaw sa babae, at pagkatapos ay tumayo palayo lalo't narinig niya na ang pagdating ng mga pulis. Nadampot na si Art at ang dalawang tauhan ng mga ito.

Ngunit iyon ang maling nagawa ni Melody, dahil ilang hakbang pa lamang siyang nakakalayo ay mabilis na kinuha ni Sylvia ang baril at itinutok sa kanya,

"Kung ikaw hindi mo kaya, ako kaya ko! Magsama na kayo ng Daddy mo sa impyerno!!" sigaw ng babae at mabilis na kinalabit ang gatilyo. Buong akala ng babae ay katapusan na niya, ngunit isang katawan ang humarang para saluhin ang bala, si Dion. Duguan ang lalaki na bumagsak sa lupa, mabuti na lang maagap iyong nasalo ni Melody. Ang mga pulis naman ay mabilis na hinuli si Sylvia na nagsisigaw na tila nawawala na sa matinong pag-iisip. What money can do to someone!

"Dion, b-bakit mo ginawa yon?" umiiyak na usal ni Melody sa binata na kanyang yakap. Masuyo nitong hinaplos ang kanyang mukha, at sa nahihirapang tinig, he whispered,

"Nothing I won't give just for you, my Melody! You are my life, and losing you would mean ending my life. M-mahal na m-mahal kita." yun lang at nawalan na ito ng malay. Si Sean ay tinakbo ang ama. Umiiyak ang bata, bukod pa sa takot at trauma na nasaksihan.

"Ano masaya ka na? Nagulo mo na ang buhay ni Dion? If not for you, hindi naman kami madadamay sa gulo ng buhay mo eh! Will you be happy na mawalan ng ama si Sean ha, Melody?" hilam sa mata na tiningala ni Melody si Elizabeth. Dumating ang mga medics at agad na isinakay sa ambulansiya si Dion. Habang si Manolo naman ay tinulungan na tumayo si Melody. Sasamahan sana niya sa loob ng ambulance si Dion, ngunit nakita niyang nakasakay na si Sean na umiiyak habang yakap ito ni Elizabeth. Binalingan muli siya ng babae,

"Please, Melody, kung mahal mo talaga si Dion at Sean, you will give us chance na mabuo ang pamilya namin. Kung talagang mahal mo si Dion, lalayo ka na sa kanya. Kasi hanggang nandiyan ka, palagi na lamang magugulo ang buhay niya. At, lalong mawawalan ng chance na mabuo namin ang pamilya namin. Please, Melody!" natigilan ang dalaga sa pag-akyat sa ambulansiya. Pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang puso sa sobrang sakit. May punto si Elizabeth, nag dahil sa kanya-- nailagay ng lalaki ang buhay nito sa panganib. Nang dahil sa kanya, nanganganib na mawalan ng ama si Sean.

"Sasakay po ba kayo, Mam? isasara ko na po ba?" tanong ng medic na hinawakan na ang pinto upang isara. Mariing pumikit si Melody, at pagkatapos ay tumango, bilang hudyat na maari na nitong isara at ambulansya at tuluyan ng umalis.

Tuloy ang pagluha ng dalaga habang tinatanaw ang pag-andar ng sasakyan palayo sa kanya; ni Dion palayo sa kanyang piling. 

"Good bye, Dion! I love you!" mahinang bulong niya sa hangin. Yumakap siya sa dibdib ni Atty. Leda na nakakaintinding hinagod-hagod ang likod ng dalaga. 

Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon