"Ang galing mo kanina ha, Sir!" biro ni Melody sa amo habang naglalakad sila papasok sa tahanan ng mga Mercado. Habang si Sean naman ay buhat ng driver dahil nakatulog ito habang nasa biyahe sila pauwi. Sobra ang saya ng bata na hanggang sa daan pauwi ay puro ito kwento sa mga nangyari buong araw.
"Ah yun ba? Actually, hindi ko pa nga binigay yung best ko nun eh! What more pa kaya pag binigay ko yung best ko?" mahinang tumawa si Dion. He heard Melody giggle, at pagkatapos ay tila nilalamig na inakap ito ang sarili. It's extra chilly tonight, dagdag pa tila napakadami yatang bituin ngayong gabi. Hinubad ng binata ang suot na coat, at pagkatapos ay mabilis na isinuot ito sa dalaga na lubhang nagulat sa kanyang ginawa.
Saglit na pumikit ang babae. Few months ago, ibang-iba ang mundo niya. But here she is now. Walking with this very gorgeous guy, under a stary, stary night. She only wish na sana nasa ibang sitwasyon na lang sila. Na sana nakilala niya ang lalaki hindi sa sitwasyon na nasa panganib ang kanyang buhay. She could only wish for all those things. Pero alam niyang this has to end-- sooner or later, hindi niya alam.
"Uhhmm, Sir, mauna na lang po kayo muna! Dito muna po ako sa labas. Parang magandang mag-star gazing ngayon eh!" maya-maya sabi niya sa lalaki.
"Well, sasamahan na lang kita! Hindi pa naman ako inaantok eh." nakangiti nitong sabi at pagkatapos ay iginaya siya sa isang bench na naka-pwesto sa gitna ng malaking frontyard ng tahanan ng mga ito. Hindi na nagawang makatanggi ng dalaga, kahit pa ang plano niya sana ay mapag-isa. Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa kanila bago ito binasag ng binata.
"So, ano ang ginagawa ng family mo sa Davao?" tanong ni Dion sa kanya, ngunit sa kalangitan nakatingin. Melody felt like there's a lump on her throat pagkarinig sa tanong na iyon ng lalaki.
"Ahh, eehh, only child lang po ako! My mom passed away when I was still young. A-ang P-papa ko..." she have to clear her throat nang mabanggit niya ang kanyang Papa. Oo nga pala, hanggang ngayon ay hindi pa din niya alam kung ano na ba ang nangyari sa kanyang ama. Pero heto siya, tila nakalimutan na niya ang dahilan ng pagtatago niya dito sa Maynila.
Napansin naman ni Dion ang pagkabasag ng tinig ng dalaga. He gently caresses her back.
"I'm sorry about your mom! And kung hindi ka comfortable pag-usapan ang family mo, ayos lang sa akin!" he gave her a smile. Lubhang ipinagpasalamat nang dalaga ang tinuran ng among lalaki. Hindi niya alam kung kaya pa ba niyang magsinungaling sa mga ito. His family has been very good to her. At, lubhang napamahal na din ang mga ito sa kanya.
"Eh ikaw, Sir? Don't you have plans of falling in love again?" she meant that as a joke, ngunit nang makita niya ang biglang pagseryoso ng mukha ng lalaki, alam ng dalaga na may nasaling siya sa kanyang sinabi. Tila tuloy gusto niyang pagsisihan ang naging katabilan ng kanyang dila.
"S-sorry, Sir! I didn't mean to..."
"Nah! It's alright!" isang ngiti ang kumawala sa mga labi nito. Melody felt relief, ngunit nakaramdam siya ng kakaibang kirot. Siguro kaya ayaw nang mapag-usapan ng lalaki ang love ay dahil hindi pa ito lubhang nakaka-get over sa mga nangyari.
"Alam mo, Sir Dion, sayang ka!" huli na para kagatin pa ng dalaga ang kanyang dila. She can't believe na nailakas niya ang kanina ay nasa isip lamang. Habang ang binata naman ay kunot noong napatingin sa kanya.
"Really? And bakit naman ako sayang?" his eyes are full of fascination. Melody have to catch some air. "Ang daldal mo kasi eh! Ano ka ngayon? Panindigan mo yan!" muling pagalit niya sa sarili.
"Well, kasi yung mga katulad mo na ganyan magmahal, dapat kayo ang masasaya sa larangan ng buhay pag-ibig. Dapat kayo ang maligaya. Aba! Konti na lang ang lalaking ganyan magmahal ha! Endangered na kayo, so rare. Kaya naman kung magmumukmok ka lang dito forever, sayang ka talaga! You should have share your love to someone na kayang magpadama at suklian ang pagmamahal mo nang same intensity." she utter sincerely.
Hindi napigilan ng binata na mapangiti sa sinabi ng babae. Ano ba ang dapat niyang maging reaksiyon? He couldn't believe that there is someone in this world, bukod sa kanyang ina, na nakikita siya as a loving man, as someone special. When Elizabeth left him, pakiramdam niya, he was worthless. Na kaya siya iniwan ay dahil wala siyang kwenta. But here's someone na sinasabi na he deserve all the love in the world. Pakiramdam ng binata ay may humaplos kanyang puso.
"T-thank you, Melody! It's a big thing for me." buong katapatan niyang pasasalamat sa dalaga.
"You are welcome, Sir! But what I've said were true." she smiles.
"Pero, sir, kung sakali. hmm, kung sakali lang naman na bumalik si, ang mama ni Sean..."
"Let's not talk about her!"
"Galit ka pa din sa kanya? It means you still love her!" nakangiti niyang biro sa binata kahit pa sa loob-loob niya, may masakit siyang kirot na nararamdaman, na lalong tumindi pa ng hindi kumibo ang lalaki. It only means, tama nga siya na mahal pa nito ang dating kasintahan. She tried her best to smile. Bakit ka nasasaktan? You should be happy for him, and hope for the best. Tama! Ganon ang dapat niyang nararamdaman.
"Ayoko lang pag-usapan ang mga tao na hindi tapat. I don't want like people who can't be true and honest. Ayoko sa lahat, sinungaling at manloloko." makahulugan nitong pahayag pagkaraan ng ilang sandali. Pakiramdam ng dalaga ay tinamaan siya sa sinabi ng boss. She find those adjectives very appropriate for her, "sinungaling at manloloko". Hindi ba't pati ang kanyang totoong apelyido ay hindi alam nito?
"But anyways, wag na nating pag-usapa ang mga wala! Ikaw, may boyfriend ka na ba sa Davao?" maya maya lang ay pagbabago ni Dion sa usapan. "Pls. say no! Answer no" palihim na usal ng binata sa sarili. He's wishing na sabihin ng dalaga na wala pa itong kasintahan na naiwan sa Davao.
"Wala, Sir! NBSB ako eh." nakangiti nitong sagot sa kanya. Whew! Dion feels relief ng marinig ang kasagutan ng babae.
"What's NBSB?" he asked.
"No Boyfriend since birth!" sagot ito na sinabayan ng isang mahinang hagikgik.
"Seryoso?! Ha ha ha ha! Uso pa pala yun noh? At this time and century, uso pa pala ang wala pang boyfriend! I thought as early as 10, nagkakaron na nang boyfriend or girlfriend ang isang tao." hindi makapaniwalang nasabi ng binata. That made Melody pout again. And God, she's really the cutest when she do! Muli na namang sabi ng lalaki sa kanyang utak.
"Porket uso, kailangan bang makisabay? Hindi naman ako na-inform na it's a must na pala to follow the trend. Tsseeeeeee!" mataray nitong pahayag, na nagpatawa lamang sa binata. Does this girl knew how very cute she can be pag nagagalit at nagtataray?
"Ha ha ha ha! Ang init naman ng ulo ng batang 'to. Nagulat lang naman ako, but I'm not asking you to change. I like you just the way you are." puno nang sinseridad na turan ni Dion.
"Whoa! Wait! Ano daw? Pwede paki-rewind? He likes me just the way I am. Eeeeeeeeee! Tama ba yung narinig ko?" tili ng dalaga sa isip. But after awhile, napagtantano niya na baka what he meant was he likes me as a friend. Tama, yun nga yun!
"A-ah kayo po, Sir? What's you type? Baka maihanap ko kayo. Uyyyyyy!" "para-paraan ka na naman, Melo. If i know gusto mo lang i-check kung magta-tally ba ang mga gusto ni Sir Dion sa isang babae sa mga characteristic mo." muli na namang pangbubuska ng konsensiya ng dalaga sa kanyang sarili.
Saglit na nag-isip si Dion. Then glanced up, and met her gaze. Pakiramdam ng dalaga ay tila nahihirapan siya sa huminga dahil sa mga titig na iyon ng lalaki. Will there be a time na kakayanin niyang makipagtitigan dito na hindi kinakapos ng paghinga? She doubt it!
"Well, dapat hindi lang ako ang mahal niya, pati ang anak ko. Package deal na si Sean eh! Actually, hindi ko alam kung ano ang type ko. Or maybe someone, someone like you...." mahinang usal ni Dion, but loud enough to reach Melody's ears. Earth shattering, nerve cracking, fireworks, falling hearts-- hindi alam ng dalaga kung ano ano pa ba ang kanyang nadama at nakita sa paligid as Dion utter those words....
BINABASA MO ANG
Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)
FanfictionTiming is one of the most crucial part of love. Minsan makakahanap tayo ng tamang pag-ibig, pero sa maling panahon. Sa gitna ng panganib sa kanyang buhay, Melody found herself loving Dion; a 32 years old bachelor with a 6 years old son. Pinilit ng...