Malalakas na yugyog sa balikat ni Melody ang nagpagising sa kanya. Pinilit ng dalaga na dumilat kahit nakakaramdam pa siya ng konting pagkahilo. Muntik na siyang mapatili ng ang mukha ni Tito Art ang bumungad sa kanya. Nakangisi ito, ngising aso. Saglit na inalala ng dalaga ang mga nangyari, ang itim na van, ang dalawang pangit na lalaki, ang panyong pinaamoy sa kanya, ang pagkawala ng kanyang malay. Si Sean, nasaan ang bata? Ang kanyang Tita Sylvia? Biglang nag-sink in ang takot sa dalaga.
"Kamusta, iha? Long time no see! We've been looking for you!" narinig niyang pagsasalita ni Tito Art na sinundan ng isang nakakalokong tawa. Puno ng poot na tinitigan niya ang lalaki, ang lalaking pumatay sa kanyang ama.
"Hayup ka! Mamatay tao ka!! Pinatay mo ang Daddy ko." malakas niyang hiyaw sa lalaki.
"Oh? Ako ba? Eh bakit ikaw ang nakademanda sa korte, Melody?" nakangisi nitong sabi sa kanya. Pakiramdam ng dalaga ay nagtayuan ang kanyang mga buhok sa batok as she stares at his grin. Ngiting demonyo.
"Walanghiya ka talaga!! Alam kong ikaw ang may kagagawan nun. Napaka-hayup mo!!! Nasaan yung batang kasama ko? Nasaan si Tita Sylvia? Wag mo silang idamay dito!!!" pinipilit ng dalaga na huwag iparinig dito ang takot na nadarama. Kailangan niyang magpakatatag.
Tumawa ng pagkalakas lakas si Tito Art. Pagkatapos ay may tinawag ito, mga ilang saglit ay lumabas ang dalawang pangit na lalaki, hawak ng lalaking kamukha ni Max Alvarado ang kanyang Tita Sylvia. Ang isang lalaki naman na kamukha ni Paquito Diaz ay buhat si Sean na kasalukuyang natutulog. Melody felt like her head turns big dahil sa sobrang takot at kaba pagkakita sa dalawang tao na malapit sa kanya na nasa panganib.
"Nandito na ang mga hinahanap mo! Hindi ka ba magpapasalamat sa akin?" lumapit si Tito Art kay Sean pagkatapos ay sa kanyang stepmother.
"Para mo nang awa, wag mo silang sasaktan!!" trying to hold back her tears. Muling tumawa ng pagkalakas lakas ang matandang lalaki. Alam nito na hawak na niya ngayon sa leeg ang dalagang Romero.
"Huwag kang mag-alala, Iha! May pinagsamahan naman kami ng Daddy mo. And you've been like a daughter to me." nilapitan siya ni Tito Art at hinaplos ang kanyang mukha. Kinilabutan si Melody sa ginawa nito.
"Please, parang awa mo na, Arthur! Wag mo kaming sasaktan." sigaw ng kanyang Tita Sylvia. Naluluhang napatingin ang dalaga sa kanyang madrasta. Kundi dahil sa kanya, hindi sana ito madadamay pa. Tumayo ang matandang lalaki at lumapit kay Sylvia. Nakita ni Melody ang pagtaas ng kamay nito na tila sasaktan ang kanyang stepmother.
"Huwag!!! Gagawin ko lahat ng gusto mo!! Please, huwag!!" ubod ng lakas na tili nang dalaga. Napapikit pa siya dahil hindi niya gustong makitanga masaktan ang babaeng kanyang naging pangalawang ina.
Walang siyang narinig na tunog ng sampal o ano mang pagdapo ng kamay ni Tito Art. Nakahinga nang maluwag ang dalaga. She slowly open her eyes, only to see Tito Art kissing her Tita Sylvia.
"A-anong ibig sabihin nito?" gulat na gulat na tanong ni Melody. Wala siyang maintindihan. Naghiwalay ang dalawa, at pagkatapos ay lumapit sa kanya si Sylvia. Marahan nitong hinaplos-haplos ang kanyang buhok, gaya ng ginagawa nito noong siya ay bata pa, ngunit walang anu-ano ay bigla siyang sinampal nito ng malakas. Sobrang lakas na pakiramdam ng dalaga ay nabingi ang kanyang kanang tenga.
"T-tita S-sylvia?" hawak ang kanyang pisngi, nagtatanong ang kanyang mata. May bagay na namumuo sa kanyang isipan, ngunit ayaw niya itong paniwalaan.
"HAHAHAH! Akala ko matalino ka, uto-uto ka din pala katulad ng Daddy mo!" malumanay na wika ng kanyang madrasta. She's always been soft-spoken, lagi na ay nakangiti at malambing. Pero hindi akalain ng dalaga na behind her nice and motherly image lies a monster.
BINABASA MO ANG
Kung Ako Na Lang Sana (COMPLETED)
أدب الهواةTiming is one of the most crucial part of love. Minsan makakahanap tayo ng tamang pag-ibig, pero sa maling panahon. Sa gitna ng panganib sa kanyang buhay, Melody found herself loving Dion; a 32 years old bachelor with a 6 years old son. Pinilit ng...