Lucy
Matapos ang pag-uusap na iyon ay nalaman ko na lang kay Manang Beth na umalis na naman si Clarence.
Ni hindi sya nagsabi sa akin kung saan pupunta.
Mabigat na napabuntong hininga na lang ako.
"May pinabibigay nga pala sya sa'yo", agaw ni Manang sa atensyon ko. Saglit na umalis ng kusina at sa pagbalik ay tangan ang isang bagay.
My eyes widen.
It looks familiar...it's my sling bag!
"Sa iyo raw ito...", sabay abot sa akin na mabilis ko namang kinuha.
I say my thank you to her at mabilis na binuksan iyon.
My vitamins are here!
But I froze when I didn't see the piece of paper.
Muli kong hinalungkat iyon baka nasa ilalim lang pero wala akong makapa. Even my cellphone wasn't here!
Pinakialaman ba ito ni Clarence?
Shit!
"Bakit, hija. May nawawala ba?", usisa ni Manang Beth dahil sa mababanaag na kaguluhan sa aking mukha.
Umiling na lang ako saka nagpaalam na aakyat na ng silid.
Mabilis na tinungo ko ang kwarto ni Clarence dahil hanggang ngayon ay sarado pa rin ang dati kong silid.
Tingin ko ay walang balak na buksan pa iyon ng binata.
He wants me to stay in his room and he loves the idea of sharing his bed and clothes to me!
Inis na sumalampak ako sa kama at hinuho ang laman ng aking bag.
Naglaglagan ang mga vitamins sa ibabaw ng kama na mga nakasealed pa sa foil at ang ilan ay nakalagay naman sa maliit na botelya
Ang ilang personal na gamit ko tulad ng lipstick, pabango at wallet ay humalubilo sa mga nahulog na gamot.
Kahit yung reseta man lang sana mahanap ko.
Nakalagay kasi roon ang time ng pag inom ko ng vitamins at kung ilang beses sa isang araw iinumin.
Sinilip ko pa ulit ang bag sa pagbabakasakali pero wala talaga pati yung cellphone ko..wala rin.
I bit my lower lip.
I'm afraid na baka kinuha iyon ni Clarence.
If ever...lagot na!
Naka indicate pa naman sa papel na iyon ang ilang info sa pagbubuntis ko.
Madali na para sa kanya na malaman na buntis ako.
Doon pa lang sa papel ay halata na. Nandoon ang pangalan ng ob-gyn doctor ko, ang clinic address at phone numbers.
It's so easy for him to contact the said clinic to confirm it.
At sa isiping iyon ay lalo akong nabahala.
Paano kung alam na talaga nya na buntis ako at hindi lang sinasabi sa akin?
What if he's just waiting for me to open up the topic?
"You know what I'm talking about. Huwag mo ng dagdagan ang pagsisinungaling mo."
Napahilamos ako sa aking mukha na tila narinig ko ulit nang sabihin nya 'yon.
I think he already has an idea about my condition.
At siguradong wala na 'kong kawala nito sa kanya.
But I don't want to be trapped in this kind of relationship na walang kasiguraduhan...na napipilitan lang sya.
BINABASA MO ANG
When All I Have is You (Completed)
Romance"Sakay!", nakasigaw na utos niya. Agad akong umupo at napataas pa ang aking mga balikat nang malakas niyang isinara ang pinto. Nandoon ang kaba at takot sa aking dibdib na pilit kong nilalabanan. Huminga ako ng malalim. Nang makasakay siya ay ni h...