Chapter 4

701 12 1
                                    

Past...3 years ago

Lucy

Ilang araw ang matuling lumipas pero hindi ko na siya ulit nakita. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng bahagyang kalungkutan nang hindi na ulit siya nagpunta rito sa aliwan.

Ang sabi niya noon ay magpapakilala pa siya sa akin matapos nang huli naming pagkikita. Akala ko totoo 'yung sinabi niya na "I'll see you tonight", hindi naman pala. May pa ganun-ganun pa siya, hindi naman pala niya tutuparin.

Hinintay ko kaya siya ng gabing 'yon.
Umasa 'kong makikita siya.

Umasa lang ba ako sa wala?

Marahas na bumuntong hininga ako. Napalingon ako ng sikuhin ako ng mahina ni Mimi.

"Ilang araw ka ng ganyan, ah.", puna niya sa' kin. "Matamlay, malungkot at parang laging may hinihintay. Sino ba 'yun?", usisa niya pa habang nagpupunas ng mga nakahanay na tray.

Tinigil ko ang pagpupunas ng lamesa saka tumingin sa kanya. "Anong sinasabi mo riyan? Pagod lang ako kaya ganito", dahilan ko na lang. Kapag kasi sinabi ko ang totoong dahilan ay paniguradong tutuksuhin lang ako nito eh. Magtatawag pa yan ng kakampi para asarin ako.

"Pagod? Napapagod ka pala? Sa dami ng raket at trabahong pinapasukan mo..ngayon ka lang nakaramdam ng pagod?", mangha niyang tanong sa'kin. "Himala!"

Napapailing na lang ako sa tinuran niya. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Hindi ko iniinda ang pagod kahit na ba marami pa akong sideline na trabaho bukod pa rito sa aliwan.

Wala akong magagawa. Kailangan ko talaga ng pera eh. Simula ng mawala sila inay at itay ay kung anu-anong klase na ng trabaho ang pinasok ko.

Naiwan kasi sa akin ang responsibilidad para sa dalawa ko pang nakababatang kapatid. Ako na ang tumatayong magulang sa kanila.

"Napapagod din naman ako. Anong akala mo sa'kin..si wonder woman?", natatawa kong sambit.

"Hindi...para sa'kin. Ikaw si Annie Batungbakal...", sinabayan pa niya iyon ng malakas na tawa. Natawa na rin ako dahil nakakahawa ang paraan niya ng pagtawa.

Natigil lang kami nang dumating na ang ilang mga kasamahan namin. Malapit na kasing magbukas ang aliwan. Siguradong busy na naman kami nito sa dami ng parokyano.

"Maddie, ikaw na ang kumuha ng order sa table ten. Ihahatid ko pa kasi ito sa labas", tukoy niya sa dalang tray. Tinanguan ko na lang si Maya.

Agad kong tinungo ang table na sinabi niya. Apat na kalalakihan ang naka pwesto roon. Ngumiti ako at tinanong ang order nila.

Mapang-akit na sinulyapan ako nung isang lalake kaya medyo nailang ako. Nakahinga lang ako ng maayos nang magsalita yung isang kasama nila.

"Miss, isang case nga ng beer, tig-isang order ng papaitan at sisig..samahan mo na rin ng pritong tilapia", agad ko namang isinulat iyon sa hawak kong papel. Binilisan ko pa ang pagsusulat para makaalis na roon dahil ramdam ko ang paninitig nila sa'kin.

Nang masigurong iyon lahat ang kanilang order ay agad akong tumalikod upang pumunta ng kusina. Rinig ko pa ang pagsipol ng isa sa kanila habang papalayo ako. Hindi ko na nilingon dahil may mga ganoong uri talaga ng customer lalo pa at sa ganitong lugar ako nagtatrabaho.

Nakakabastos man ay kailangan sikmurain. Basta huwag lang nila akong hahawakan dahil ibang usapan na iyon.

Napaangat ako ng tingin mula sa paglalagay ng mga pagkain sa tray nang may marinig akong nabasag.

Nakita kong dinadampot ng isa naming kasamahan ang mga nabasag na bote. May ilang mga customer ang napapatingin pero agad din namang inaalis ang atensyon doon nang makita kung anong ingay iyon.

When All I Have is You (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon