Chapter 12

448 10 0
                                    

Past...3 years ago

Lucy

I was busy putting and preparing all my things inside my bag.

Napagdesisyunan kong umuwi na sa amin tutal tapos naman na ang pakay sa akin nila Clarence, ngayon na alam na nila kung sino ako. Nasabi ko na rin naman ang mga nalalaman ko sa kanila.

Kaya ibig sabihin ay tapos na rin ang pagbabayad ko sa kanya. Katulad ng sinabi niya noon sa akin kapag nakita na niya si Lucy..which is ako then pwede ko ng itigil ang pagiging nice ang smiling face sa kanya.

Bayad na ako sa kanya...

Nakakulong narin naman ang mga nambastos sa akin at sinigurado ni Clarence na hindi na ako malalapitan ng mga iyon na malaki kong ipinagpapasalamat

Kaya ligtas na akong makakauwi sa amin.

I bite my lips when I felt a sudden flash of sadness..knowing na aalis na ko rito.

Hinihintay ko na lang siyang dumating para tuluyang makapag pa salamat at paalam na rin. Alam kong magugulat siya sa biglaan kong pag-alis pero kailangan ko ng umalis at balikan ang dati kong buhay.

Yung buhay kung saan hindi ko pa siya nakikilala.

Kailangan ko na ring bumalik sa canteen at maghanap ng mga sideline. Ang dami ko pang gagawin kaya hindi na ako pwedeng magtagal pa rito.

Mas mahihirapan lang ako kapag nanatili ako kasama siya. Baka masanay ako at sa huli ay hindi ko na makuhang makawala pa.

Marahan na kinapa ko ang kaliwang parte ng aking dibdib at hinaplos iyon.

I'll be fine...

Napalingon ako sa pinto nang may kumatok. "Pasok..bukas yan...", sinara ko at nilagay sa gilid ng kama ang bag.

Isang bag lang ang dadalhin ko paalis dahil iniwan ko na ang ilang mga damit na binili niya na hindi ko naman nagamit o naisuot.

"Sigurado ka na ba hija diyan sa pag-alis mo?", bungad agad sa akin ni Manang nang makapasok at makita ang aking gamit na naka handa na.

"Opo, Manang....", tango ko sa kanya.

"Paki hintay mo muna si Clarence ha, bago ka umalis. Siguradong magagalit iyon kapag hindi ka nakita." Pakiusap niya at halata sa mukha ang pag-aalala.

"Sige po...", I said while giving her an assuring smile. Kahit naman na iyon talaga ang balak kong gawin. I need to wait for him.

Nang mapag-isa ulit ako sa silid ay nahiga ako sa kama. I look at the wall clock and it's quarter to five in the afternoon.

Anong oras kaya siya darating?

Hindi ko namalayang nakaidlip pala ako sa paghihintay.

Naalimpungatan ako nang makarinig ng ingay na nagmumula sa labas ng silid.

Kinusot ko ang mga mata saka ako bumangon. Binuksan ko ang pinto at sumilip. Tanging ulo lang ang aking inilabas.

Hinanap ko kung saan nagmumula ang ingay pero bigla iyon nawala.

Isinara ko na lang ulit ang pinto. Saglit na nag-ayos ng sarili saka bitbit ang bag na lumabas ng silid.

Isang beses ko pang pinasadahan ng tingin ang kabuuan ng silid bago kinabig pasara ang pinto.

Mamimiss ko 'to...

Nilagay ko sa isang sofa ang bag at tinungo ang kusina. Kukuha lang ako ng maiinom at para tanungin na rin kung dumating na ba ang binata.

When All I Have is You (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon