Chapter 43

481 10 0
                                    

Lucy

"Saan ka na naman pupunta?", muling tanong nito sa malamig na boses. Kasing lamig ng nakikita ko sa kanyang mga mata.

Napalunok ako. "S-Sa...ahmm", tila ako nabibingi sa lakas ng tibok ng aking puso. Ni hindi ako makapag-isip ng sasabihin. "Mamamasyal lang sana. N-Naiinip na kasi ako...", dahilan ko sabay diin ng hawak sa sling ng bag. Hoping na umubra.

I saw his eyebrows arched in disbelief. "What a lame excuse..wala ka na bang maisip na iba?", natigilan ako at napayuko.

Alam kong hindi ko sya basta-basta mapapaniwala at mapapapayag unless sabihin ko ang totoong dahilan na kung saan talaga ang tungo ko.

"Sabihin mo na lang kasi kung saan baka sakaling payagan pa kita", napa angat ako ng tingin sa kanyang sinabi.

"Clarence please, palabasin mo na 'ko. Babalik naman ako rito kung 'yon ang inaalala mo", pakiusap ko.

I saw his lips curved into smirk. "Talaga? Ano naman ang kasiguraduhan ko na babalik ka pa? Baka nga nagdadahilan ka lang para makaalis at makauwi na sa inyo. Tama ba?"

Sa ibang pagkakataon ay maaaring ganun nga pero iba kasi ngayon. Kailangan ko lang talaga.

"Babalik nga ako. Bakit ba ayaw mong maniwala?"

"Ilang beses mo na 'kong iniwan...baka nakakalimutan mo."

Nilagpasan ako at akmang aakyat na ng hagdan nang mabilis akong humarang. "Clarence...please", bumaba ang kanyang mata sa kamay kong nakahawak sa kanyang braso.

Para naman akong napaso at biglang napabitaw.

"Please...", pagmamakaawa ko ulit.

I heard him heaved a sigh.

Pinsadahan ng tingin ang aking mukha. "Gusto mo talagang mamasyal?", tumango ako. "Okay, sige. Sasama 'ko", sa isang iglap ay hawak na nya ako sa isang braso at hila-hila palabas ng mansion.

Halos patakbo na ang lakad ko sa laki ng kanyang mga hakbang.

Mabilis na pinasakay ako sa kotse saka umikot sa driver seat. Huli ko pa ang makahulugan nyang tingin sa mga tauhan na naroroon sa paligid.

Pagkalabas ng gate ay mabilis na pinaandar ang kotse. Ako naman ay mabilis na naglagay ng seatbelt sa takot.

Nilingon nya ako at doon pa lang nya bahagyang binagalan ang pagpapatakbo.

Sa isang mall nya 'ko dinala.

Sabay na bumaba kami ng kotse pagka park nya.

Nang makapasok sa loob ay tahimik lang syang nakasunod sa akin. Ngunit alam ko naman na ang mga mata nya ay alertong nakamasid pa rin sa akin.

Humahanap ako ng tyempo para makalayo sa kanya. Hindi ko magagawa ang talagang pakay ko kung ganitong lagi syang nakabantay.

Mas mahigpit pa syang mag bantay kesa sa mga tauhan nyang nasa mansion.

Napalingon ako sa kanya nang maramdaman ang paghawak nya sa aking kamay. "Wala ka pang mga damit di ba?", rinig kong tanong nya saka ako hinatak papasok sa isang store ng mga damit.

Doon ay ikinuha nya ako ng mga bagong damit. May pantulog, pang alis at ilang mga underwears.

Sya lahat ang pumili para sa akin. He knows my size and taste of clothes.

Hindi na 'ko nagprotesta pa. Sya naman ang magbabayad lahat.
Bahala sya.

Nang matapos ay agad na binayaran nya ang mga iyon.

When All I Have is You (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon