Not suitable for young readers.
Read at your own risk.Third person pov
"May dapat ba 'kong malaman?"
Tila nanigas naman ang dalaga sa kinatatayuan. Ang kamay nya ay nanlalamig kaya pasimpleng pinag daiti nya ang mga iyon.
Ni hindi nya alam kung paano sasagutin ang tanong ng binata.
Halos mabingi na sya sa lakas ng tibok ng kanyang puso.
"May hindi ka ba sinasabi sa'kin?"
Agad ang ginawa niyang paglingon nang mapagtantong nasa likuran na niya ito. Ang dibdib nito ang kanyang nabungaran.
Napatingala siya rito. "Clarence...", ang mga mata nito ay kay talim at alam nyang mapanganib ang ganitong tingin nito.
Niyuko at pinagmasdan sya ng binata Hinihintay ang kanyang pagsagot. Ngunit tila naumid ang kanyang dila.
She can't find the right words to say.
Napayuko siya dahil hindi niya kayang makipaglabanan ng tingin dito ngunit muli ring napatingin sa mga luntiang mata nito nang iangat ng binata ang kanyang baba.
He's holding her chin kaya hirap syang ibaling ang mukha.
Ang mga mata nito ay may kung anong emosyon na nakakapagpakaba sa kanya ng matindi.
"Cla-"
"Are you pregnant?", diretsong tanong nito na ikinaputol ng kanyang sasabihin. "Answer me!", napangiwi siya nang dumiin ang pagkakahawak nito sa kanyang baba.
"Clarence, nasasaktan ako. Ano ba!?", sabay tabig sa kamay nito at humakbang palayo rito.
Ngunit muli syang napaharap nang haklitin nito ang kanyang braso. "Bakit hindi mo ko masagot?", bumaba ang tingin nito sa kanyang tyan. Masuyong tuningin doon. Hindi pa gaanong halata ang umbok doon. "Are you already carrying my child?"
Umiling ang dalaga. "Hindi ako b-buntis." Kumunot naman ang noo ng binata sa narinig. Umiwas ng tingin ang dalaga rito.
"But you're throw-"
"H-Hindi lang maganda ang pakiramdam 'ko. Siguro dahil sa maalon dito sa yate at isa pa, nalipasan ako ng gutom kahapon di ba? Kaya siguro nagsusuka ako ngayon. Huwag mong ipagkamali na buntis a-ako..", mabilis na dahilan na lang ng dalaga.
She knows she lied!
Ang binata naman ay di makapaniwalang nakatingin lang sa kanya. Nag-iisip.
Hinatak ni Lucy ang braso na hawak pa rin nito. Sinamantala nya ang pagkakataon habang natitigilan pa ito.
Tinungo nya ang kama saka naupo.
Tila nanginginig ang tuhod nya.
Hindi nya alam kung dahil ba sa kaba habang kaharap ang binata o dahil sa tinatahi nyang kasinungalingan, huwag lamang nito malaman na totoong buntis sya at ito ang ama ng kanyang ipinagbubuntis.
Napaangat siya ng tingin dito nang balingan sya nito. "Siguraduhin mo lang na nagsasabi ka ng totoo. I have my ways to find out. Pero kung totoo nga na hindi ka pa buntis, don't forget na may nanyari ulit sa'tin kagabi...", makahulugang tumingin ito sa kanyang tyan.
Tila nais ipakahulugan nito na sa mga sandaling iyon ay may nabubuo na roon.
Kung alam lang ng binata...
She's already carrying his baby in her womb.
Dala na niya sa kanyang sinapupunan ang bunga ng ilang beses nilang pagtatalik.
BINABASA MO ANG
When All I Have is You (Completed)
Romance"Sakay!", nakasigaw na utos niya. Agad akong umupo at napataas pa ang aking mga balikat nang malakas niyang isinara ang pinto. Nandoon ang kaba at takot sa aking dibdib na pilit kong nilalabanan. Huminga ako ng malalim. Nang makasakay siya ay ni h...