Chapter 25

458 14 0
                                    

Not suitable for young readers. Read at your own risk.

Lucy

Pagkatapos ng ilang araw ay naging abala ako sa trabaho. Ganun din naman si Clarence na panay ang attend ng mga social gatherings or conference na may kinalaman sa business.

Karamihan sa mga iyon ay sa malalayong lugar pa ginaganap.

He's becoming busy each day.

Although hindi naman nya nakakalimutan na tawagan ako para saglit na kamustahin. Okay na rin yun, nakaka-usap ko sya kahit papaano.

I sighed.

I look at the screen of my laptop and started typing on the keyboard. I got a lot of works to do for the whole day.

And even for this week...

Dahil dito ay pinasya kong hindi muna umalis patungong probinsya. I was about to tell him about it pero pinagpaliban ko na lang dahil sa may mga mas importanteng bagay ang kailangan unahin sa trabaho.

Clarence might need my help anytime.

Matapos kong ayusin ang schedule ni Clarence at ang pinapa rush nyang documents sa akin ay mabilis ko namang inasikaso ang mga pending emails. Sinagot ko ang mga iyon pagkatapos ay sinunod ko namang harapin ang tambak ng folders sa gilid ng aking mesa.

Tiningnan ko kung may kailangan pa akong ayusin sa mga files at nang makita kong ayos naman na ay inilagay ko na iyon ng maayos sa loob ng cabinet.

I heard the phone ring. Kinuha ko iyon at sinagot. The man was looking for Clarence pero dahil wala ngayon sa opisina ang binata ay magalang ko na lang sinabi iyon.

Nasa out of town ang binata for a business conference.

I asked for the name of the caller but he didn't answer me. I even asked if he wants to leave any message para ako na lang ang magsasabi kay Clarence but he just said that it's personal kaya hindi na ako nagpumilit pa.

Clarence doesn't easily allow to give his personal phone number to any one, unless it has something to do with business. Kaya naman sa opisina talaga ang bagsak ng tawag ng mga taong naghahanap sa kanya na nais syang makausap.

Napatingin ako sa hawak at binaba na lang ang telepono nang nawala na lang ang lalaki sa kabilang linya. Pinagkibit balikat ko na lang at binalikan ang naiwan ko pang ginagawa.

There's too much work...

Minasahe ko ang balikat at napasulyap sa tasa na nasa gilid lang ng lamesa.

Ni hindi ko na nagalaw ang tinimpla kong kape kanina. Lumamig na lang iyon.

I skipped snack para marami akong matapos. Ang ibang hindi naman ganoon ka rush ay bukas ko na lang haharapin.

Sinulyapan ko ang relo sa aking bisig.
It's thirty minutes before six. I should be preparing to go home by now.

Muli kong tinapunan ng tingin ang nasa harap kong laptop. I opened a few folders there. May mga in-update lang ako roon na ilang info and then I clicked the save button.

Sinigurado kong natapos ko ang mga kailangang gawin doon bago umuwi.

After making sure that all are okay ay kinuha ko ang usb at sinave naman doon ang mga files then I put the small device inside my bag.

Ini-off ko na ang laptop at inayos ang mga nagkalat na papel sa ibabaw ng aking lamesa.

Nang matapos ay naghanda na rin ako para umuwi. Bago lumabas ng silid ay sinigurado kong naka off ang mga kailangan isara sa loob katulad ng aircon at ng ilang mga switch ng ilaw.

When All I Have is You (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon