Chapter 47

424 8 0
                                    

Hideout

Third person pov

Mula sa pagkakayuko ay napataas ng ulo si Lucy nang marinig ang pagbukas ng pinto.

Mula roon ay pumasok ang isang babaeng posturang nakasuot ng red crop top at black tight leggings.

Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito. Ang pusod nito ay may maliit pang accessory na nakakabit.

Lucy isn't expecting to see the woman here. Anong ginagawa nito rito?

"So, totoo ngang nandito na ang babaeng umagaw sa'kin kay Zeke", bungad ng babae pagkakita sa kanya. Lumakad ito palapit sa kanyang kinauupuan.

Kasunod nito ay ang lalakeng estranghero na magpahanggang ngayon ay ni hindi man lang nya alam ang pangalan.

Nagpapalit-palit ang tingin nya sa dalawa. Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka.

Hanggang sa mapagtanto nyang magkasabwat ang mga ito.

"So-Soleia? Ikaw ang..."

Malakas na tumawa ang babae. "Ako nga. Wala ng iba", nakalolokong sabi nito. "Ang galing ko di ba? Sa akin kayo bumagsak ng mga kapatid mo", mapang uyam nitong wika.

Sabay hagod ng tingin sa kanya. Napataas ang isang manipis na kilay nang mapansin ang kanyang tyan.

"Napakasama mo talaga!", asik nya.

Napairap ang babae. "Dapat nga magpasalamat ka pa sa'kin dahil niligtas ko ang mga kapatid mo sa oportunistang tiyo at tiya mong hilaw na syang nakikinabang sa mga padala mong pera na dapat ay para sa mga kapatid mo. Kung hindi dahil sa'kin baka biyuda na 'yang Tiya Pilar mo dahil sa laki ng utang na kailangan bayaran ng sugalero mong tiyo!"

Napapikit siya sa sinabi nito. Ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang kaalaman na ito nga ang nasa likod sa pagkuha sa kanyang mga kapatid at galing dito ang perang ipinambayad para sa utang ng kanyang Tiyo Daryo.

Dapat ba nyang ipagpasalamat iyon?

Ngunit mali pa rin naman ang ginawa nito.

Ginamit nito ang sitwasyon at kahinaan ng kanyang tiyuhin kaya napilitan ang mga iyon na ibigay na lang ng basta ang mga bata dahil na rin sa inakalang utang na loob sa tumulong sa mga ito.

Nanggipit pa rin sa madaling salita sila Soleia.

Kinuha nitong kapalit sa pinang bayad utang ang mga bata.

Ang mga kapatid nya...

At alam nya na kaya ginawa nito iyon ay upang ipanlaban sa kanya.

At ito na nga iyon.

"Nasaan ang mga kapatid ko! Ibigay mo na sila sa'kin..."

Tumingin si Soleia kay Brix ng makahulugan bago ibinalik ang pansin sa dalaga. "Ibibigay ko sila sa'yo sa isang kondisyon. Payag ka ba?"

"A-Anong gusto mong kapalit?", pinatatag ni Lucy ang boses sa kabila ng kanyang pangamba na baka hindi nya kayang ibigay ang hingin nito.

Saglit na parang nag-isip naman ang babae. Napanguso ito sabay baba ng tingin sa kanyang tyan.

"Ibibigay ko ang mga kapatid mo at pakakawalan kayo kapalit ng...", sinadya pa nitong bitinin ang sasabihin.

"Kapalit ng ano?"

Lumakad ito at umikot sa kanyang likuran. Hinawi nito ang kanyang buhok at yumuko. Binulong nito sa kanya ang nais nitong kapalit na ikinabilog ng kanyang mga mata.

When All I Have is You (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon