Chapter 11

479 11 0
                                    

Past...3 years ago

Lucy

"Thank you, Doc", pagpapasalamat niya sa doktor na tumingin sa akin bago ako inaya palabas ng clinic.

Hindi ko akalain na dito niya ako dadalhin pagkatapos.

Nang sabihin niyang ipapa-check ako just to make sure ay tumanggi ako agad.

Hindi naman sa ayaw kong magpa check up pero kasi sa itsura niya ay parang gusto niya pa akong ipa-confine dahil lang sa simpleng pamamaga ng aking pisngi.

Wala namang ibang masakit sa akin tsaka gastos na naman 'yon.

Pero mapilit siya kaya sa huli ay napapayag na rin ako.

Bumili pa siya ng gamot sa pamamaga bago kami tuluyang umuwi sa bahay niya.

Sinalubong kami ni Manang pagkadating namin. Halata ang pag-aalala sa kanyang mukha nang makita ako. Lalo na nang mapadako ang kanyang tingin sa aking pisngi.

Alam kong nagtataka siya at nais magtanong ngunit dahil sa nakikitang panghihina ko ay minarapat na lang na huwag ituloy.

Agad siyang tumalima nang utusan siya ni Clarence na kumuha ng yelo. Pagkatapos ay inakay ako ng binata papunta ng aking silid.

Pinaupo sa kama at tinanggal ang aking suot na sapatos.

Ilang sandali lang ay dumating si Manang dala ang isang ice bag.

Agad na kinuha iyon ng binata matapos makapag pa salamat at magbilin sa matanda na dalhan na rin ako ng makakain.

Binalikan ako sa kama at siya mismo ang naglapat ng yelo. Medyo nailalayo ko pa ang aking mukha dahil sa masakit kapag nadadampian iyon.

Tahimik na dinampi-dampi niya iyon sa akin hanggang sa humupa ang pamamaga. Hindi man tuluyan pero at least nabawasan.

Nang dumating si Manang dala ang isang tray ng pagkain ay kinuha niya rin iyon.

"A-Ako na...", awat ko sa kanya nang akmang susubuan na naman niya ako.

Hindi naman nasaktan ang mga kamay ko kaya...kaya ko namang kumain mag-isa.

I just heard him sighed.

Kinuha  ko ang plato mula sa kanyang pagkakahawak at sinimulang kainin ang nakalagay na pagkain doon.
Nakabantay lang siya sa akin hanggang sa matapos.

Inabutan niya ako ng tubig at ng gamot. Ininom ko na lang iyon dahil siguradong ipagpipilitan pa rin naman niya iyon sa akin kapag hindi ako pumayag.

Tinungo niya ang banyo sa loob ng silid at may kung anong ginawa hanggang sa inabot niya sa'kin ang isang tuwalyang puti.

Napatingala ako sa kanya.

"Maglinis ka muna ng katawan bago matulog...", pasimpleng tiningnan ko ang sarili. Gusot ang damit ko at sira ang manggas. Marahil ay sa pagpupumiglas ko kanina ay nasira iyon nang hindi ko namamalayan.

Tahimik na inabot ko ang tuwalya sa kanya at tinungo ang banyo.

Napahinto ako sa paglagay ng tuwalya sa sabitan nang maalalang hindi ko pala naisara at na i-lock ang pinto.

Lumingon ako upang gawin iyon pero namilog ang aking mata nang makita siyang prenteng nakasandal sa may pinto at pinapanood ako.

"Anong ginagawa mo riyan?", kunot ang noo na tanong ko habang siya ay nakatingin lang sa akin. "Labas..maliligo na 'ko", napatingin pa ako sa may shower, kahit na nga ba may telang nakatakip doon ay aninag naman ang anino mo roon habang naliligo.

When All I Have is You (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon