Chapter 42

449 9 0
                                    

Third person pov

Pagkarating ni Clarence sa studio ay agad na dumiretso sa may drums.

Hindi alintana ang paligid kung may tao o wala.

Si Yvar na kasalukuyang naka upo sa may dulong bahagi ng silid ay natigil sa pagsusulat ng lyrics nang makitang dumating na ang binata. Actually, kanina nya pa ito hinihintay.

Nasundan na lang nya ito ng tingin na ngayon ay sunod-sunod na ang ginagawang paghampas ng stick sa drumset.

Sa tagal na naging kaibigan ito ay kabisado na nya ang ugali nito.

He can tell that Clarence is not in good mood base sa nakikita nya.

O mas tamang sabihin na galit ito at inilalabas iyon sa pamamagitan ng pag-drum.

He leaned back in his chair and crossed his arms while waiting for him to finish.

He waited for a few more minutes until he's done. Hinayaang ilabas nito ang kinikimkim ng dibdib.

Nang matapos ito at makitang tumayo ay agad na hinagisan nya ng isang bote ng mineral water na maagap naman nitong nasalo.

"Thanks", usal nito sabay bukas at kinalahati ang laman bago naupo sa katapat nyang upuan.

"Est-ce que ca va? (Are you okay?)", Yvar asked na bahagyang tinanguan lang ni Clarence.

Pero alam nyang hindi pa naman talaga. He can still see in his eyes the mix of pain and anger.

"May nangyari ba? You look like a beast ready to attack", usisa ni Yvar saka umayos sa pagkaka upo. Though he can already sense what made him like this.

Ang mga mata nya ay napako sa mukha nito na may bakas pa ng sugat at pasa.

Buti at hindi na ganoong kalala ang mga iyon, hindi katulad nung mga nakalipas na araw.

Alam nila ang nangyari pagkagaling nito ng Baguio. Kung alam lang nila na ganoon ang mangyayari ay sinamahan na sana nila. May back up sana ito...

Ngunit siguradong tatangi lang ito.

But what happened there wasn't really fair for Clarence.

That was almost fatal!

Dahil ayaw ni Clarence na magtagal sa ospital ay silang magkakaibigan na lang ang nag-asikaso rito.

Hindi rin naman ito umuuwi sa sariling mansion dahil ayaw nitong mag-alala pa si Lucy.

Sa nakikita nya ngayon ay handang suungin nito ang lahat at kahit ano pa na may kinalaman kay Lucy.

Kahit ikapahamak pa nito...

And Clarence is too proud to do it all by himself.

Huling naging ganito ito ka determinado ay nung kay Lindsay pa. Hindi nya akalain na mauulit iyon sa mismong kapatid naman ng ex-fiance nito.

Minsan mapagbiro talaga ang tadhana.

Clarence heaved a sigh.

Tahimik na ipinatong sa katapat na lameseta ang hawak na bote ng tubig.
Sumandal sa kinauupuan..tumingala habang marahan na hinahaplos ang batok. "Il sa'git de, Lucy...(It's about Lucy...)", sagot nya bago binalik ang tingin kay Yvar.

"Je vois (I see)", napapatangong sabi ni Yvar. "Umamin na ba?"

Umiling si Clarence. "Mukhang walang balak...", sagot nito at halata ang pagkainis sa boses. Wala sa sariling napahaplos sa pisnging nasampal ng dalaga.

When All I Have is You (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon