Not suitable for young readers.
Read at your own risk.Third person pov
Maingat na binuksan ni Lucy ang pinto at tahimik na pumasok sa loob ng inookupang silid ni Clarence.
Nagulat pa sya nang mabungaran ang mga kaibigan nito na nasa loob din.
Hindi nya inakala na bibisita ang mga ito nang magkakasama ngayong gabi.
Hindi sya agad napansin dahil sa may seryosong pinag uusapan ang mga iyon. They're facing Clarence...
"Lucy!"
Napalingon sya nang tawagin siya ni CK na syang unang nakapansin sa kanyang pagdating.
Nakuha noon ang atensyon ng mga lalake. Even Clarence...
Dahilan upang lingunin sya ng mga ito. They all look so serious and she wonders why.
Anong meron?
Kiming ngumiti sya sa mga ito. "H-Hi sa inyo", bati nya saka lumakad sa may lamesang naroon.
Inilapag nya ang biniling vitamins saka isang plastic bag na naglalaman ng fresh milk na nasa karton at ilang balot ng tinapay. Pagkatapos kasi nya sa botika ay dumaan din sya sa malapit na convenience store kanina.
"Sorry, naka istorbo ata ako sa pag-uusap ninyo. Lalabas na lang muna ako...", baling ng dalaga sa mga lalake na nakasunod ng tingin sa kanya.
"You don't have to...tapos naman na kami. Paalis na rin...",
Napaawang ang labi ng dalaga nang matitigan nang mabuti ang lalakeng nagsalita.
Ngayon na nasa malapitan ito at mabuting napagmamasdan ang mukha ay saka lang nya naalala kung saan nya iyon unang nakita.
"I-Ikaw? Ikaw yung naghatid sa'kin sa yate... ", siguradong tukoy nya. Tinuro pa nya ito sa nanlalaking mga mata.
Ang lalakeng hambog!
Hindi nya makakalimutan ito.
Ito yung lalakeng basta na lang syang iniwan sa yate pagkahatid at kung makatingin ay kakaiba.
Siguro ay nakikita rin nito sa kanya ang mukha ni Lindsay.
Napaisang linya naman ang labi ng tinutukoy ni Lucy at tumingin muna kay Clarence bago iyon tumango. "Yeah, it's me..."
Bakit nga ba hindi nya agad ito namukhaan?
Nung nasa hideout kasi sila, hindi naman nya gaanong napansin ang lalake kaya hindi nya agad ito natukoy. Although, alam nyang naroroon din iyon. She saw him talking with Yvar.
But it didn't even cross her mind na ito 'yon.
Maybe because her mind was too occupied that time.
Ni hindi rin naman nya nakita ito sa ospital nang dalhin si Clarence. Ayon kay CK ay nagpaiwan ito at si Franzen sa hideout para masigurong maayos roon at wala ng aberya.
Tiniyak din muna ng mga ito na madadala na at sa kulungan ang bagsak ni Soleia kasama si Brix at ilang mga tauhan nito.
Nang minsang dumalaw naman ang ilang kaibigan ng binata noong wala pa itong malay ay wala rin naman noon ang lalake. May inasikaso pa raw kasi ito. Nagpadala lang ito ng mga prutas kasabay ng dala ng iba.
Nang araw lang din naman na iyon pormal na nakilala ng dalaga si Franzen. Although, nakita na naman nya ito sa hideout. Ni hindi na rin naman nya kasi nakuhang makausap ito dahil sa nangyari kay Clarence.
BINABASA MO ANG
When All I Have is You (Completed)
Romance"Sakay!", nakasigaw na utos niya. Agad akong umupo at napataas pa ang aking mga balikat nang malakas niyang isinara ang pinto. Nandoon ang kaba at takot sa aking dibdib na pilit kong nilalabanan. Huminga ako ng malalim. Nang makasakay siya ay ni h...