Chapter 19

497 13 0
                                    

Lucy

He pulled out his length and fixed his shorts.

He gave me a quick kiss on my lips before putting me down. Pinulot sa sahig ang mga hinubad saka maingat na isinuot sa akin. Inayos pa nya ang nagulo kong buhok.

I even heard him cursed when the person outside knocks again. Napalingon ako sa pinto nang mas lumakas pa iyon.

"Shit! Di makapag-antay ang h*yop!", bulong nya na ikinabaling ko sa kanya.

"Kilala mo kung sino yung nasa labas?"

Saglit akong tiningnan saka hinatak palabas ng kusina. He didn't answer me. Pinapasok nya 'ko sa kwarto na ikinapagtaka ko. "Dito ka lang..huwag kang lalabas hanggat hindi ko sinasabi. Okay?" I just nod at him kahit na naguguluhan ako. Kinabig na nya pasara ang pinto pagkatapos akong kintalan ng mabilis na halik sa labi.

"T*ngina talaga nito! Saglit nandyan na...h*yop na 'to, di makapag-antay..", rinig ko pang sigaw nya sa kung sino man iyon na walang tigil sa pagkatok.

Sino ba kasi iyon? Sigurado ako na kakilala nya iyon sa paraan ng pananalita nya. Isa kaya sa mga kaibigan nya?

Tinungo ko na lang ang kama saka nahiga. I feel exhausted after what we did in the kitchen. Napapikit ako at sa isip ay sariwa pa ang nangyari sa amin.

Napadilat ako nang marinig ang ingay sa labas ng kwarto. I heard another male voice. Parang pamilyar. Hindi ko lang tanda kung saan ko 'yon narinig.

Bumangon ako at lumapit sa nakasarang pinto.

Gusto ko sanang buksan iyon para makita kung sino ang dumating pero naalala ko ang bilin sa' kin ni Clarence na huwag lalabas hanggat wala siyang sinasabi.

Maingat na idinikit ko na lang ang tenga sa pinto upang mas marinig ang nagsasalita.

"Buti pa yung gate bukas. Yung pinto ang tagal buksan.", angal nito. "Bakit ba ang tagal mong buksan? Ano bang ginagawa mong animal ka?", bungad ng bagong dating.

"Masyado ka lang mainipin. Muntikan mo pang masira yung pintuan, g*go ka", rinig kong sagot ni Clarence. "Maupo ka nga...", pabalang na utos nito sa bagong dating.

Bakit kasi biglang ang init ng ulo nya?

"May tinatago ka lang yata na babae rito, eh."

"Kung meron man. Wala ka na ron. Ang aga mong mambwisit..."

"Eh, sino ba kasi ang nagsabi na pumunta ako rito nang ganito oras? Di ba ikaw? Ang aga ko kayang gumising para lang puntahan kang, h*yop ka."

"Wala akong pake. Animal ka..."

I heard the man laughed at what Clarence said. Natigil lang nang magsalita ulit.

"Nga pala...dito ka ba ngayon naglulungga? Kala ko nasa condo ka pa. Nasundan ka na naman ba ng mga fans mo? Sabi sayo umuwi ka na lang sa Village..mas pinahigpitan ko pa ang security dun. Mas safe ka..."

"You know my reasons and answers to that...and nope, this is not my new place. Nakikitira lang ako", Clarence said.

"Lagi namang babae ang dahilan mo. Anong bago?"

Saglit na katahimikan ang namayani. Wala akong narinig na nagsalita sa kanila.

I just heard some footsteps after that. Kaya naman maingat kong pinihit pabukas ang pinto para sumilip.

Hindi ko makita ang bisita dahil nakatalikod na nakaupo iyon. Nakita kong naglakad pabalik si Clarence galing kusina. May dalang dalawang lata ng beer.

When All I Have is You (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon